Chapter 38
I Can Feel It
Sabi ko magmomove on na ako.
Ginawa ko.Pero di ko ginamit si Tyrone o kung sino pa mang lalaki.
Kaya ko magmove on nang hindi humahanap ng bagong pag-ibig.Kaya kong magmove on nang di nanggagamit ng ibang tao.Iyong hindi ako mananakit ng kapwa.Kaya ko.Well,kakayanin ko.
It's a good thing na may shipboard training kami pagkatapos ng semester.Parte iyon ng curriculum namin and I am very thankful.Dahil ang ibig sabihin n'yon ay mayroon akong mapagkakaabalahan.That means I won't be spending my summer vacation just thinking about him and the pain he brought me.
In that way,i'll be able to forget him.But that was what I thought.Kasi ang pagmove on,madaling sabihin ngunit mahirap gawin.Ngunit,kahit mahirap,alam ko,kailangan kong gawin.
Pero mahirap talaga!
Lalo na at isang linggo kami sa barko.Isang linggo ko siyang makakasama sa barko.Isang linggo akong magpapakaplastic.Magpapanggap ako na masaya at hindi affected kahit na ang totoo ay gusto kong magmukmok at umiyak na lang.
"Gagawan na ba kita ng music video?," tumatawang tanong ni Edison sa akin habang hinihintay namin ang school bus na maghahatid sa amin sa Pier.
Marami kami sa covered court ng school.Nagkalat ang mga maleta at estudyante sa buong court.Iyong iba ay panay ang picture para mayroon daw silang souvenir as if naman nasa barko na sila.Ilang beses na ba silang nakapagpapicture sa covered court ng school.May iba namang nagmimake-up.Panay ang make-up,panay ang retouch.
"Huy!," tawag pansin sa akin ni Kisses.Bumaling ako sa kanya at kay Edison.
"Kanta na lang kulang ay pangmusic video ka na," biro ni Edison.Hindi ako sumagot bagkus tamad lang na ngumiti.
I was too occupied thinking ways on how to avoid Seth when onboard the ship.We have the same circle of friends kaya mahirap siyang iwasan.Alangan namang iwasan ko pati mga kaibigan namin para di lang siya makasalamuha.Not a good idea.
So paano ako magmomove on?
That question was then answered when the school bus arrived.Pinapila kami ng adviser namin bago umakyat sa bus.I was tempted to look backwards.Hindi ko pa kasi napapansin na dumating si Seth.Baka maiwan siya.
So much for moving on,Rhum.Huwag mo na siyang alalahanin.Just forget about him.I scolded myself.
Umakyat na lang ako sa bus at umupo na sa tabi ni Kisses.Nang okay na ang lahat at nagsimula nang umalis ang bus ay agad kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking bag.Nagtipa ako ng mensahe para kina mommy at daddy.Kapag hindi kasi ako nagtext sa kanila kung nasaan na at kung ano na ang ginagawa ko ay tiyak na magagalit sila.Anyway,it's what I must fo though.I need to inform my parents about everything I do since I'll be away from them for a week.
Parang breather ko na rin ang training sa barko Ibig sabihin ay isang linggo akong mahihiwalay sa strict kong magulang.I can do whar I want.I smiled with that thought but it suddenly vanished as I remembered that I will be seeing Seth for the whole week.Luminga-linga ako para tignan kung nakasakay na ba si Seth ngunit di ko siya nakita.Nilingon ko ang aking mga kaibigan na nagkukwentuhan.
"Hala! Bakit?," nalulungkot na tanong ni Gellie kay James na nakatunghay sa kanyang cellphone.
"Wala siyang sinabi.Basta di raw siya sasama.Next year na lang daw siya," kwento ni James.
"A-Ano 'yon?," I queried.They both looked at me.
"Iyong boyfriend mo,di raw sasama," James answered.Gets ko na agad iyon.
Half of me felt sad.Siyempre,kahit pa hindrance sa pagmomove on ko ang makasama siya sa barko nang isang linggo ay hindi ko pa rin maiwasang maexcite.Makakasama ko siya eh.Isa pa,masisigurado ko na isang linggo niya ring di makikita ang girlfriend niya na okay na okay sa akin kung ganoon.However,half of me did rejoice.Moving on will ve easier then.The more na di ko siya nakikita,the more na di ko siya maaalala.Great!
Amidst my thoughts,hindi nakalagpas sa pandinig ko ang salitang ginamit ni James.Boyfriend.
"Di ko siya boyfriend," I scoffed.Nagmake face silang dalawa as if saying 'really?'.
"Okay lang 'yan Rhum.Isang linggo mo lang naman siyang di makikita," pang-aasar ni Edison na hindi ko napansing nasa may likuran pala namin nakaupo katabi ni Rich.
"Huwag ganyan.May girlfriend na 'yun," paalala ko sa kanila.Sa sinabi ko ay nagreact lahat ng aking kaibigan.Nakikinig pala silang lahat.
"Mas maganda ka naman dun," ismid ni Gellie.
"Oo nga.Malaki kaya mata nun," pagsang-ayon ni Rich.
"Oh? Paano n'yo nalaman?," sabad na tanong ni Kisses.
"Sa FB.Check natin mamaya," tugon ni Eka.
Nagsimula na silang magkwentuhan tungkol sa girlfriend ni Seth.Hindi ako kumibo at nakinig lang sa kanila.Habang nakikinig ay para tuloy akong nahihikayat na icheck ang profile nung Scarlette na 'yon.
Nahinto lang ang kwentuhan nila nang nasa may Coastal na kami.Natawa pa ako dahil inaabangan nila ang pagdaan ng bus na sinasakyan namin doon sa color orange na bahay.Sobrang liit kasi n'yon na iisipin mong isang payat na tao lang ang kakasya.
Isang oras pa at nakarating na kami sa pier.Habang pumipila kami para sa boarding ay hindi ko maiwasan ang maexcite.Exciting kasi para sa akin ang sumakay ng barko kaya buhay na buhay ang aking dugo habang naghihintay.Nang umakyat na kami ay binati pa kami ng mga crew nila na sobrang friendly.Bawat hakbang ko sa baitang paakyat ay nararamdaman kong magiging masaya ang pagsstay ko doon kahit isang linggo lang.
I can feel it.Moving on will be possible for me.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.