Chapter 64 (Defense)

1.4K 37 2
                                    

Chapter 64

Defense

Runny nose,thumping headache and a body ache.Very great! So much greatness for my day's defense.

Buti pa sana kung iyon lang ang aking nararamdaman.My heart's beating frantically.And I've been perspiring too much because of my very uncomfortable long sleeve polo blouse paired with a black slacks.

Gusto ko na ring sumigaw kay manong para kahit papaano ay madaliin niya naman ang pagpapatakbo ng kanyang jeep.Halos lahat na lang ng kanto ay hinihintuan niya para mag-abang ng pasahero.Hindi pa ba sapat na sampu kaming nakasakay?Alam kong posibleng nagbaboundary lang si kuya kaya pinupush niya talagang magkaroon ng maraming pasahero para may maiuwi siyang kita sa pamilya niya at may pampaaral siya sa mga anak niya.

Pero paano naman ako? Ala una na and,in normal trip,thirty minutes away pa ako sa school namin.And what's more irritating is that maybe I'll get there in an hour dahil nga sa bagal ng jeep ni manong.

Wala akong tulog dahil sa minadali kong matapos ang documents namin.Mabuti ba sana kung 'yon lang ang responsibilidad ko.Of course,I also have my obligations at home kaya naman ngarag na ngarag na ako nang makitang alas diyes na at hindi pa ako nakakaligo.At paano ako maliligo kung puyat ako?

Ending,init na init ako sa aking damit dahil wala akong ligo.Nawala pa sa isip ko na ako pala ang inatasang bumili ng foods para sa panel.

Lalo lang akong nataranta nang nagvibrate ulit ang aking cellphone at nakita ang text nila Kisses na hinahanap ako.At 'yong food para sa panel.I feel so stressed.And this under the weather feeling wasn't helping me either.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos pababa ng jeep nang sa wakas ay nakarating rin kami.Kahit mabigat ang aking katawan ay takbo-lakad ang aking ginawa.Hirap na hirap ako dahil medyo marami ang dala kong papers at sa kabilang kamay ko naman ay isang malaking paper bag na may lamang meal na binili ko sa Kenny Roger's para sa tatlong panel.

Nanginginig ang aking katawan pagdating sa school.Halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa dahil sa lalong pagsama ng aking pakiramdam at three inches high heels.

"Ang tagal mo," nakasimangot na mukha ni Kisses ang sumalubong sa akin.She didn't even noticed how tired I looked.Hindi man lang niya ako kinumusta kung okay lang ba ako.

Inabot ko na lang sa kanya 'yong paper bag at pagkatapos ay nilagpasan na siya.Baka kung tumagal pa ay sumama pa ang loob ko sa kanya.

Agad kong nakita sa hilera ng mga kaklase ko ang aking mga kagrupo.Habang papalapit sa kanila ay dinukot ko ang aking tissue towel sa bag para punasan ang pawisan kong mukha.Huminga ako nang malalim nang nakalapit na sa kanila.

They were looking intently at me. "Sorry," 'yun lang ang aking nasabi at umupo sa upuang ibinigay ni Nohlan sa akin.

Hinanap ko ang diorama at nagtinginan silang lahat.Maya-maya lang ay may binuhat si Ehm mula sa kanyang gilid.Nanlumo ako nang makita ang diorama.

"Bakit ganyan?," nanghihina kong tanong.It was just walls and windows.No color at all.Kung ano 'yong kulay ng illustration board ay iyon lang din ang kulay ng diorama.Nagmukha tuloy black and white ang theme color ng restaurant namin.Wala rin itong bubong.They just cut an illustration board in square and put it above the wall of the miniature and that's all.Incomplete furnitures inside it.

"Kinapos na kami sa oras tsaka sa supplies," Gellie reasoned out and I gaped at them.

"Tapos hindi n'yo man lang sinabi sa akin?," I asked in disbelief.

"As if naman may magagawa ka kapag sinabi namin eh ang layo mo," Saida snapped and that shut me. "Sabi mo pa darating ka sa bahay ni Nohlan ng alas siyete ng umaga,hindi naman pala."

"Nagtext ako diba? Sinabi ko namang di ako makakapunta dahil ginawa ko pa 'yong powerpoint presentation,diba? Naalala mo? Nagtext ako sa inyong lahat pa," I reminded her.

"Hayaan na natin.Ipagpalagay na lang natin na ganyan ang theme natin," suhestyon ni Rich at tahimik na sinang-ayunan ng lahat.

Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko nakita si Seth. "Si Seth?," tanong ko sa kanila.

Mukhang hindi rin nila napansin si Seth dahil luminga-linga rin sila para hanapin ang huli. "Andito lng 'yon kanina," sagot ni Ehm.

"Ayan na pala eh,kasama ni Edison," nalingunan ko ang dalawang nag-uusap na lalaki habang naglalakad sa mahabang corridor ng 2nd floor ng Main Building.

Seth turned to look at our direction.Our eyes met.His stare impassive.And I couldn't stand it.Lalo na nang naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib.

That exactly was my reason of wanting to get out of this dark pit we're in.I want out.Pero hindi madali.

I couldn't just say I want out and then I'll wake up the next morning feeling nothing about him anymore.Hindi naman 'yon ganun.Dahil alam ko,kahit anong gusto kong kumawala sa masakit na sitwasyon namin ni Seth,mahal ko pa rin siya.Pero masakit.

I made the first move in breaking our gaze.Naramdaman ko rin ang pag-iwas niya ng tingin.Mukhang magkakasakit ako sa mga susunod na araw dahil lalong bumigat ang aking pakiramdam.

"Hala! Bakit ganyan ang diorama ninyo?," napalingon ako nang biglang nagtanong si Edison. "Ganyan lang ba 'yan?," he added.

"Hindi natapos," sumisinghot kong sagot dala ng aking sipon.Wala sa sarili kong hinilot ang aking sintido dahil sa pagkirot nito.

Parang mas gusto ko na lang umuwi at magpahinga sa bahay lalo na at nawawalan na ako ng pag-asa na papasa kami sa defense.Hitsura palang ng diorama ay walang-wala na ang sa amin.

Halos di na ako makahinga sa bawat paghakbang ko sa AVR kung saan namin ipiprisinta ang aming gawa.I lost all my confidence as I saw the panel's reaction to our diorama.Despite that,they told us to continue with our presentation.

Nanlalamig ang aking kamay lalo na nang nakatayo na ako sa gitna.Kinakabahan ako.Masakit ang aking ulo.Masakit ang aking katawan.Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa aking sipon.Ang daming hindrance.Pero di ako nagpapigil.Nagsimula na akong magsalita tungkol sa history namin nang biglang nagtanong ang isang panel tungkol sa capital shares ng bawat isa.I was certain with my 1.2 million pesos each answer but got confused when they computed it on their own.I put in 7.9 Million when the panel's computation resulted 8.4Million.Nabigla rin ako.Hindi ko napansin ang pagkakamaling iyon.I was left speechless.I couldn't defend my mistake.It's pure negligence on my part. I just stood there like an imbecile until the panel decided to fail us.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon