Chapter 22 (Pasasalamat)

1.9K 36 0
                                    

Chapter 22

Pasasalamat

"Ito talaga ay matinong usapan," inilipat ko ang aking tingin kay daddy mula sa pagkaing nakahain sa aking harapan. "Hiwalayan mo siya,magpapatuloy ka sa pag-aaral," dugtong niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip.Tumango agad ako.Aaminin ko na kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na hiwalayan si Seth pero napag-isipan ko din na mas importante pa rin ang pag-aaral ko kesa sa lovelife.

Seth and I were friends beforehand kaya malaki ang tiwala ko na maiintindihan niya ako.I knew my decision might give him pain but I'm sure he would understand.

Siguro ay ieexplain ko nalang din sa kanya nang maayos.Inaamin ko din naman na isa sa dahilan kung bakit ako nalulungkot dahil may posibilidad na pahintuin nga ako nila mommy sa pag-aaral.Ilang pinsan ko na ba ang sinuportahan nila dati para makapag-aral at walang kurap nilang pinahinto nang nagsipagsuway ang mga iyon sa kagustuhan nila.

Hihintayin ko pa bang sa akin mangyari iyon bago ako matuto?

"Rhum,bakit bumaba na si Seth?," I was snapped out of my thoughts when Rich asked me that.

Nilingon ko siya at nagkibit-balikat as if saying na wala akong idea pagkatapos ay nginitian siya.

"Nag-away kayo?," malakas na tanong ni Gellie dahilan para takpan ni Rich ang bibig niya at pinagsabihang hinaan ang kanyang boses.Sabay pa silang lumingon sa akin na kapwa naghihintay ng aking sagot pero ngumiti lang ako at tumingin sa labas ng jeep.

Laking pasasalamat ko at hindi na sila nangulit pa.Wala rin  naman kasi ako sa mood magkwento.As of the moment,gusto ko lang namnamin ang peace of mind na nararamdaman ko.Masama mang pakinggan but after kong makipagbreak kay Seth ay parang naging panatag ang loob ko.Atleast wala na kaming pag-aawayan pa ni mommy at daddy at maiiwas ko na din si Seth sa mga masasakit na salita na binibitawan ng magulang ko.

Isa pa,may ibang issues pa akong dapat harapin.Tulad ng tunay kong pagkatao.

Kung tunay lang kitang anak ay baka nasampal na kita.

Kung tunay lang kitang anak ay baka nasampal na kita.

Kung tunay lang kitang anak ay baka nasampal na kita.

Those words echoed into my mind.Para na rin akong sinampal ni mommy.Naalala ko pa kung paano siya agarang tumalikod matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon.Agad siyang pumasok sa kanilang kwarto at mula doon ay rinig ko ang kanyang paghagulgol.Hindi ko na rin napigilan ang mapaiyak dahil doon.

Hindi naman ako bobo para hindi magets ang sinabi ni mommy.

Kung tunay lang kitang anak ay baka nasampal na kita.

Ampon lang ako.Yun ang ibig sabihin noon.Ngunit kahit naiintindahan ko iyon ay wala pa rin akong lakas ng loob para alamin kung sino ba talaga ang tunay kong magulang.

Gusto kong matawa at the same time ay mainis.Akala ko kasi dati almost perfect na ang buhay ko.Lumaki akong sagana sa buhay.Kahit na second family lang kami ni daddy ay never ko naman naexperience ang maitsapuwera.Kompleto ang pamilya ko.I have my mom and my dad who loves me so much.I have my ever supportive friends.A lot opf people like me because I'm a good daughter as they said.I have a healthy well-being.Never ko ding naexperience na magtrabaho sa murang edad to fend myself.My parents provided me everything.Almost perfect na diba?

Tapos malalaman ko na ampon lang pala ako?

Ang sakit.Sobrang sakit.

Maybe someday I'll be able to face that fact but not for now.I needed to prepare myself.

Kaya siguro madali nalang para sa akin na hiwalayan si Seth dahil may mas masakit pa pala kesa doon.At iyon ay ang malaman na hindi ka pala talaga anak ng inaakala mong mga tunay na magulang.

Narealize ko din na ang kapal pala ng mukha ko na sumuway sa rules ni mommy at daddy samantalang hindi naman pala nila ako anak talaga.Ano nalang ba kung hindi nila ako inampon? Eh di sana ay hindi na sila nagkakandaugaga at nagkakandakuba sa pagtatrabaho para lang mapaaral ako.Eh di sana naeenjoy nilang dalawa iyong kinikita nila.

Pero hindi eh.

Mas pinili nila iyong sila ang mahirapan basta ba magkaroon lang ako ng magandang buhay.At habang buhay kong pasasalamatan iyon.

Hindi na ako sasaway pa sa kanila.Pag-aaral muna ang aatupagin ko.Kung kami ni Seth,gagawa at gagawa si Lord ng paraan para maging kami talaga.But for now,magpapasalamat muna ako sa mga taong nagbigay sa akin ng magandang buhay by studying hard and never disappointing them.

.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon