Chapter 37(Desidido)

1.7K 43 1
                                    

Chapter 37

Desidido

Nagprisinta si kuya Mike na ipagmaneho kami pauwi dahil nga gabi na at medyo malabo na ang mata ni daddy sa dilim.Mayroon din kasi silang lakad dalawa ni daddy kinabukasa kaya pinili niyang sa bahay na matulog.At hindi nga pala iyon bukas dahil mamaya na iyon.Tinignan ko ang aking relo at nakitang ala-una na ng madaling araw.

Tahimik lang ako buong biyahe pauwi.Mabuti na lang at nagkukwentuhan si daddy at kuya Mike at mas pinili naman ni mommy na matulog.Walang makapapansin sa pagiging tahimik.Pumikit ako para kumuha ng kaunting tulog ngunit hindi ko magawa.Napapadilat ako at tulalang napapatingin sa labas ng sasakyan.Unaware din ako sa mga dinadaanan namin hanggang sa natauhan na lang ako na nasa tapat na kami ng bahay at nagkakagulo sila mommy.

"Naku! Bilis habulin natin," ani daddy habang sumasakay ulit sa sasakyan.

Hindi ko na sila naintindihan.Nilingon ang kaninang natutulog na si mommy,ngunit wala na siya doon.Kami na lang ni daddy ang nasa sasakyan.Wala akong ideya sa mga nangyayari.

"Rhum,bumaba ka na,doon ka sa loob.Maglock ka ng gate at pinto," bilin ni daddy na kahit naguguluhan ay sinunod ko naman.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nasalubong ko si kuya Mike. "Kuya,bakit po?," tanong ko.

"Ninakawan kayo," mabilis na tugon ni kuya na hindi man labg huminto sa paglakad. Agad siyang pumasok sa driver's seat at pinaandar ang makina ng sasakyan.Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay at nakasalubong ko si mommy.

"Stay here,baby.Lock the doors," iyon lang at nagmadali na siyang sumakay.Agad kong inilock ang gate namin pagkaalis nila.Pumunta ako sa loob ng bahay at binuksan ang lahat ng ilaw pagkatapos ay lumabas ako ulit.Naupo ako sa isang stool na nakapwesto sa gitna ng garahe namin.

Kanina lang ay maingay,bigla nalang tumahimik.Kung mamalasin ka nga naman.Brokenhearted ka na,nanakawan ka pa.I smiled bitterly.

Huminga ako ng malalim nang naramdaman na naman ang pagkirot ng aking puso.Tumingala ako at pinirmi ang aking paningin sa mga bituin sa langit.Unti-unti ay naramdaman ko ang bikig sa aking lalamunan kasunod ang pag-init ng gilid ng aking mata.Then,I cried.

Nanatili akong nakatingala habang panay naman ang tulo ng aking luha.I feel so alone.I feel rejected.I feel so empty.And that hollowness inside me pained me the most.

Ang sakit.From there,bigla kong naintindihan kung bakit ayaw ni mommy na makipagrelasyon ako.I remembered the time she told me that being inlove is a great feeling but worst at the same time.Bilang ina,hindi pa raw siya handang makita akong nasasaktan.Because she knows how it feels.

I was slapped by the truth.Iniisip ko dati na masyado silang mahigpit.Iyon pala ay pinoprotektahan lang nila ako.Kasi hindi pala madali ang masaktan.Hindi pala madali ang malaman na hindi ka na mahal ng taong dati ay mahal ka at kasalukuyan mo pang minamahal.Hindi pala biro ang malaman na he's over you while you're left hoping that there might be another chance for you two.

Agad kong pinahiran ang aking luha nang marinig ang ugong ng aming sasakyan.Nakabalik agad sila daddy.Nang makapasok sila sa bahay ay hindi na ako nakisali sa kanilang pag-uusap.Agad na akong nagpaalam na matutulog na dahil mayroon pa akong pasok.

"Happy birthday,mommy," ani ko habang nagtitimpla siya ng kape.Niyakap ko si mommy nang mahigpit at pumikit ako.Gusto kong magsumbong sa kanya.Gusto kong sabihin sa kanya ang sakit na nadarama ko.Pero natatakot ako.Baka imbes na damayan ay sisihin at pagalitan niya pa ako.Kikimkimin ko na lang ang nararamdaman ko.Sapat na sa'kin ang yakapin niya ako at maramdamang may nagmamahal sa akin.They might be strict,and I fear them,but it did not lessen the love I have for them.At sigurado akong ganoon rin sila sa akin.Matapos nun ay agad na akong pumasok sa kwarto bago matulog.

"Rhum,halika na,practice," sigaw ni Rich sa akin mula sa labas ng room.Hinihintay namin ang aming professor para sa aming practical.Lahat ay abala sa paghahanda habang ako ay nakaupo lang sa gilid at nagbabasa.Kung hindi pa ako tinawag ni Rich para magpractice ay hindi ako kikilos.

Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis ng aming mga galaw nang sumipol si Edison.Napatingin ako sa kanya at napansing nasa ibang direksyon siya nakatingin.Sinundan ko iyon at ganoon na lang ang pagtalbog ng aking puso.Bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot nito.Pakiwari ko ay kumonti ang hangin sa palibot dahil bigla na lang akong nahirapan huminga.

Bago pa niya mapansing nakatingin ako sa kanya ay umiwas na ako ng tingin.Naghiyawan ang mga kaibigan namin nang napansin na nila ang presensiya ni Seth.Some were congratulating him for having a friggin' girlfriend.

Minsan talaga insensitive ang mga kaibigan ko.Pero okay lang.It's a good thing.Sa estado ko,dapat lang na paminsan-minsan sinasampal ako ng katotohanan.Hindi ka dapat masaktan,Rhum.Hindi naman kayo.Nakapagmove on na siya kaya magmove on ka na.I silently told myself.

In fact,I should be happy for him too.Bilang kaibigan,dapat maging masaya din ako dahil masaya na siya.Hindi ba't noong heartbroken siya kay Tammy ay gusto kong makapagmove on na siya.Dapat ganun din sa akin.Dapat maging masaya ako kasi nakapagmove on na siya.

Pero di ko magawa.Kasi ang sakit.Ang sakit-sakit.Kahut nga nakatingin ako sa kanya ay di ko maipagkakailang namimiss ko siya.

Pinaypayan ko ang aking sarili para mapigilan ang luhang nagwawarning nang tutulo mula sa mga mata ko.Hindi ako pwedeng umiyak.Kailangan makita niyang hindi na ako affected sa kanya.Na wala na akong pakialam sa kanya.

Nakakainis! Dapat talaga hindi ako nasasaktan at nalulungkot eh.Dapat nagagalit ako.Dapat hindi na siya tinitibok ng puso ko.Dahil kahit sabihin pang hindi na nga kami,may mga gestures siyang nagpapahiwatig na may feelings parin siya sa akin.Diba? Dahil doon umasa ang tanga kong puso.Inisip kong maghihintay siya sa akin.Kung wala naman pala siyang planong hintayin ako ay sana noong nagbreak kami ay umiwas na siya sa akin.

Gusto ko nang sabunutan ang aking sarili.Hindi ko na alam kung anong iisipin.My wants were the opposite of my actions.Gusto kong magalit sa kanya pero nauunawaan ko din naman siya.Ayoko na siyang mahalin pero mahal ko pa rin talaga siya.Nakakabaliw!

"Hey Zams," napatingin ako sa biglang tumawag sa akin.Isang tao lang ang tumatawag sa akin nang ganoon.Si Tyrone na schoolmate ko mula sa Engineering Department na ubod ng yabang at kulit.Na sa tuwing nakikita ako ay hindi pinalalagpas ang pagkakataon na mapansin ko siya.

Tinignan ko siya at hinanda ang aking ngiti.Iyong matamis kahit ang totoo ay mapait ang aking nasasaloob. "Hi Tyrone," inilakas ko ang aking boses at kumaway pa sa kanya.

Desidido na ako.

Move on na,Rhum.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon