Chapter 7
Friends
"Do you still love her?," I asked.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon at yumuko na parang nag-isip ng malalim. Tumingala siya at nakangising tinignan ako.
"Tito boy ikaw ba yan?," tumatawa niyang tanong.
"Ewan ko sayo," sagot ko at ibinalik na ang tingin sa mga kaibigan namin na ngayon ay tuwang-tuwa sa paghila nung ticket na lumalabas mula sa machine na pinaglaruan nila.
I won't force him to answer my question. Maybe I was just too assuming that he wanted someone to talk to. Kung magkkwento siya makikinig ako pero kung hindi naman ay rerespetuhin ko iyon.
"It still hurts every time I see her especially when she's with her boyfriend," napalingon ako ulit sa kanya. Nakayuko siya ulit at parang tulala.
"Maybe it has something to do with your ego. Baka kasi di mo pa rin matanggap na she's moved on and you're not," I concluded.
"Maybe yes,maybe no," ngumiti siya ng mapait.
"Well, if you still love her why don't you win her back?," suhestiyon ko.
"That's not easy," aniya.
" 'Kung asawa nga naaagaw,girlfriend pa ba?'. I always hear you guys say that quote or whatever that is. Bakit di mo iapply?," I challenged him.
" Sabi ko nga, it's not that easy,Rhum. Sabi-sabi lang namin iyon pero nasa inyo paring mga babae kung magpapaagaw ba kayo o hindi." He explained. Tumango-tango naman ako. I agree with what he said though.
"You know very well that when everything seems falling and you can't bear the pain we are here for you,ayt?," sabi ko.
"Thanks," he smiled to me.
"Wala iyon. Kaibigan tayo eh. Nagdadamayan," nakangiti kong sabi.
"Yeah and here's a piece of friendly advice, bawasan mo konti iyong pagiging prangka mo, sige ka,hindi ka magkakaboyfriend dahil maiintimidate sila sayo," aniya at inakbayan ako.
"Eh kung maiintimidate sila,di ko na problema iyon," sagot ko naman na ikinatawa niya.
Naramdaman kong may humahatak sa akin kaya nilingon ko iyon at nakita ko si Kisses. Punta daw kami doon sa videoke. Pumasok kami doon sa cubicle kung saan nakalagay iyong videoke. Nagsimula na silang pumili ng kanta.
"Rhum, kanta ka," ani Seth. Tumango naman ako pero nagtaka ako nang hinila niya ako palabas ng cubicle. Tumayo sa harap ng stand kung saan nandoon yung list ng mga kanta. Nang mahanap na niya iyong kanta ay lumapit siya doon sa mini stage at pinindot ang number noong kanta doon sa videoke machine na nasa stage. Nanlaki ang mata ko.
"Don't tell me you're going to let me sing on that stage," sabi ko. Hinarap niya ako at nagcross-arm sabay pinataas-baba ang magkabila niyang kilay. Babalik na sana ako sa cubicle kung saan nandoon ang mga kaibigan namin pero agad niya akong napigilan at itinulak paakyat ng stage. Wala akong nagawa nang tinawag niya ang mga kaibigan namin para lumabas at nagsipakpalakpakan.
(NP: I Don't Wanna be Your Friend by Nina)
I dont wanna see ur face
I dont wanna hear ur name
I dont want a thing just stay away baby
Dont wanna know if ur alright
Or what ur doin with ur life
Dont wanna hear u say
U'll just stay in touch maybe
I'll get by just fine
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.