Chapter 26 (Sexy)

2.5K 51 2
                                    

Chapter 26

Sexy

"Ang tagal naman nila," reklamo ni Rich habang naghihintay kami sa food court ng isang sikat na mall malapit sa school.

"On the way na raw," sagot naman ni Edison habang nakatingin sa cellphone niya.

"Sinong nagsabi?," usisa ko sa kanya.

"Si James," maiksi niyang sagot at hindi man lang ako tinignan.Busy siya sa pagsscroll sa kanyang cellphone.Nang mukhang nakita na niya ang kanyang hinahanap ay kinalabit niya at ipinakita iyon sa katabing si Seth na abala din sa paglalaro sa cellphone.

Napaaga ang uwi namin dahil absent ang isa naming prof kaya naisipan muna naming tumambay sa mall.May inutos ang isa naming professor kay Kisses at sinamahan siya ni Eka.Mayroon naman daw bibilhin sila Nohlan at Saida habang magpapasa naman ng late project sina Gellie at James.Bilang ako,si Rich,si Seth at Edison ang walang gagawin ay napagdesisyunan na naming mauna.

"Baka malusaw yan," bulong ni Rich sa akin.Nakita niya marahil ang pagtitig ko kina Seth at Edison na parehong nakaupo sa katapat naming upuan.

Umiwas ako ng tingin sa dalawa at nginitian si Rich.Kinuha ko nalang din ang aking cellphone sa bag at naglaro nalang din ng games dito.

"Mas sexy 'to p're," rinig kong bulong ni Edison.

"Tanginang yan.Sexy na yan para sa'yo? Wa ka taste.Mas sexy 'to,tignan mo,ang kinis pa," pabulong at nanggigil naman na sagot ni Seth.

Napatingin ako sa kanila dahil doon.Kapwa sila nakatingin sa cellphone ni Seth.

"Nagbulungan pa kayo,rinig na rinig naman namin," sabad ko sa usapan nila.Sabay silang tumingin sa akin at ngumisi.Pagkatapos ay ibinalik na ulit nila ang tingin sa kanya-kanyang cellphone.

Isang linggo palang kaming nagbreak may iba na agad?Tsk.Mga lalaki nga naman.

Nilingon ko si Rich na ngumingiti mag-isa habang nagtatype ng kung ano sa cellphone niya.

"Nababaliw ka na," komento ko.Tumingin siya sa akin at ngumit pa nang todo.

"Si Marky kasi eh," natatawa niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita at inilibot na lang ang paningin sa loob ng mall.Marami-rami din ang tao kahit weekdays pa lang.Kadalasan sa kanila ay kapwa rin namin estudyante mula sa ibang kalapit na eskwelahan.Humihinto ang tingin ko sa bawat magnobyong dumadaan.Lalo na sa mga magkaholding hands.Parang kami lang ni Seth dati.May mga magkakaibigan din na may kasamang magkaparehas.Parang kami lang din.Si Nohlan at Saida.Ako at si Seth.Pero dati iyon.Hindi na ngayon.

"Uyyy," tumingin ako kay Edison nang bigla siyang nagsalita.Huling-huli ko ang pagsiko niya kay Seth habang nakatingin sa bandang likuran namin ni Rich.

Tumingala si Seth mula sa pagkakayuko sa cellphone niya at nilingon si Edison.Pasimpleng ngumuso si Edison sa direksyon na tinitignan niya kanina at sinundan naman iyon ni Seth ng tanaw.Pati ako ay sumimple na rin ng tingin sa direksyong tinitignan nila.Maraming babae ang nandoon at lahat ay,well,sexy ang suot.Not the slutty way of clothing pero...basta...sexy.

"Huwag kang magpahalata p're," kinikilig na bulong ni Edison.Nakatingin pa rin silang dalawa doon sa mga babae.

"Nakatingin dito," bulong ni Seth at bahagya pang yumuko habang nakasteady ang mata doon sa mga babae.

Parang may sumaksak sa dibdib ko.

Bigla nalang iyong sumakit pagkatapos kong makita kung paano titigan ni Seth iyong mga seksing babae.Ngunit hindi ko iyon pinahalata.Nagkunwari akong may ginagawa sa cellphone kahit ang totoo ay pinapakiramdaman ko lang sila.

Pasimple kong tinignan si Rich na mukhang walang pakialam sa mga nangyayari.Mukha pa nga siyang kinikilig sa katext niya.

Nagtype nalang ako ng text sa mga kaibigan namin at tinanong kung nasaan na sila.Makahanap lang ng mapagkakaabalahan.

"Teka lang ah," tiningala ko ang papatayong si Edison.

"May pupuntahan lang kami," paalam naman ni Seth at umalis na sila agad.

"Saan iyong dalawa?," biglang tanong ni Rich.

"Ewan ko," walang gana kong sagot.

 

****

Chapters 23-26.whoa!! Hihi..this is long overdue kaya itinodo ko na.Dapat kasi talaga matagal ko na itong natapos eh.Naging busy lang sa buhay.Mabuti nalang nakikisama si idea at dire-diretso ang pagsusulat ko :) Thank you po sa mga matiyagang nagbabasa.I am grateful for the time that you have given just to read my work.Pero mas maaapreciate ko po sana kung may comments.I just want to know your feedbacks :) Thankie!

                                                                                                Love, Plong <3

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon