Chapter 50
Gwardiyado
I feel so giddy!
Lahat ng sakit na naramdaman ko those past months,bigla na lang nawala dahil sa isang post niya lang.Hindi ko siya tinanong tungkol doon.I chose to shut my mouth.Sapat na sa akin 'yong pakiramdam na special ako.
In my own conclusion,maybe he hasn't got over me yet.It might be that he just had Scarlette for rebound.Dahil kung hindi ganun,bakit sila nagbreak after namin magkabati? Pero di ko 'yon isinatinig.I decided to keep my thoughts to myself.I'm not closing my door to the idea of the possibility of everything that's happening as a coincidence.Ayokong lumabas na assumera.
Bawat hakbang ko ay lalong dumadagdag sa kabang aking nadarama.Alam kong wala pa si Seth sa classroom dahil magkatext kami ngunit alam kong any minute ay darating siya at aminado akong di ako prepared.Hindi ko alam kung anong iaakto ko kapag dumating si Seth.
Pagkarating ko sa room ay naroon na ang mga kaibigan ko.Panandalian kong nalimutan ang nagpapalpitate kong puso.Panandaliang nawaglit ang aking kaba.Naging mahinahon ang aking paghinga.But that was short-lived.Dahil wala pang sampung minuto akong nakakaupo sa aking upuan ay may lalaki nang pumasok sa room at ramdam ko ang pagsikdo ng aking puso.Para bang may dumukot sa parteng iyon ng aking dibdib.Palihim kong hinawakan ang aking dibdib sabay hinga nang malalim.
"Oy! Kumusta?," masayang bati ni Seth sa buong tropa na halos lahat ay nakanganga lang na nakatingin sa kanya habang ang iba naman ay nakangiti.At alam ko,ang iba sa kanila,sa akin nakatingin.
Tiningala ko ang nakatayong si Seth nang tinapik niya ako sa balikat at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.First time kong umupo sa pinakalikuran.Dati kasi ay sa unahan ako umuupo ngunit dahil may nakaupo na roon at pawang nasa likod ang aking mga kaibigan ay ganun na rin ang aking ginawa.
"Kumusta?," matamis ang ngiting bati ni Seth sa akin.
Imbes na sumagot ay luminga ako sa mga kaibigan namin na lahat ay nakatingin na sa'kin gamit ang nagtatanong na mga mata.Lalong-lalo na sila Edison at Kisses na hindi ko nakasama sa restaurant sa Tagaytay.
"Iyon pala 'yong ibig sabihin ng post," mahinang sambit ni Edison sabay talikod sa amin.Hindi ko na 'yun pinansin at bumaling ulit kay Seth.
"C-Cute pa rin," ngisi ko sa kanya bilang sagot sa kanyang tanong.Naiilang ako sa mga titig niya ngunit hindi ako nagpahalata.Dapat magmukha akong di apektado.Dapat ipamukha ko sa kanya na okay na ako.
Tumawa siya sa sagot ko.At gusto kong batukan ang tanga kong puso dahil isang tawa lang ay gusto na nitong magpatihulog.Umiwas ako ng tingin para mailayo sa pagbibigti ang puso ko.Mabuti na lang at dumating ang prof namin kaya naman naging abala na ako sa pakikinig.Ngunit ang totoo niyan,di talaga ako nakikinig.Mas nakatuon ang aking atensyon sa lalaking nasa tabi ko.
Nang nagbreak time ay agad king inaya ang mga girls na magsnack sa school canteen.I didn't bother inviting the boys.Kung gusto nilang sumama ay sasama sila.Ngunit huwag na lang sana dahil ibig sabihin nun ay kasama rin si Seth.Hangga't kaya kong umiwas ay gagawin ko.Hindi healthy ang presensya niya sa akin.Pakiramdam ko ay bigla na lang akong matutumba dahil sa heart attack.
Pagdating sa canteen ay bumili agad kami ng snack.Todo hikayat pa ako sa mga kasama ko na doon na rin kumain.Mabuti na nga lang at kapag sinabi ko ay sumusunod ang mga kaibigan ko sa akin.After buying our foods,we looked for a vacant table.Nang may mahanap ay agad kaming pumwesto roon ngunit kasabay ng paglapag ng tray ko sa table ay may naglapag naman ng tray roon.Napatingin ako sa kung sinuman ang nakipagsabayan sa akin at parang iniwan na ako ng puso ko nang makitang si Seth 'yon.
"Hindi mo man lang ako hinintay," aniya at naupo na sa katapat kong upuan.Wala na akong nagawa kundi ang umupo na rin.
Di kalaunan ay nagsipagdatingan din ang ibang boys at sabay-sabay na kaming nagsipagkain.
"Pa-share ng table," napalingon kaming lahat sa biglang nagsalita.Si Bryan iyon,kaklase rin namin.Hindi na niya hinintay ang aming sagot at umupo na roon sa monobloc chair na karay-karay niya Pumwesto siya sa may dulo ng lamesa malapit sa akin.
"Dito ka na," narinig kong sabi ni Seth kay Bryan.
"Sige.Okay lang ako dito.Salamat," pagtanggi naman ni Bryan ngunit nangulit pa rin si Seth dahilan para tignan na namin sila.Tumayo na si Seth at binuhat ang kanyang food tray.Nung una ay nag-aalangan pa si Bryan ngunit matapos niyang sumulyap sa akin ay agad rin siyang lumipat.
Gusto kong pabalikin si Bryan sa upuan niya.Dahil nga nagpalit sila ni Seth ay parang magkatabi na tuloy kami ng huli lalo pa't iniusog niya papalapit sa akin ang kanyang upuan.
He's offering me his food.Panay naman ang iling ko.Lalo lang tuloy akong nailang lalo na nang siniko ako ni Rich nang sandaling malingat si Seth para makipagkwentuhan kina Nohlan.
"Ano 'yan?," nanunuri niyang tanong sa akin.
"Binibigyan niya ako ng pagkain," patay-malisya kong sagot.
"Naku! Parang iba naman," ismid niya sa akin at nagpatuloy na sa pagkain.
It's very obvious Seth's hitting on me.Kaya buong araw ko sa school ay tila naging habulan-taya.Every chance I could get to stay clear of Seth I take it.Pero fail parati dahil wala pang ilang minuto ay makikita kong nasa likuran ko na naman siya.It seemed na bawat kilos ko ay binabantayan niya.Nakakailang tuloy lalo.
Hanggang sa mga sumunod na araw ay parati siyang ganun.Para akong tae at siya ang langaw.Aminado naman ako,half of me wanted what he's doing.Parang ang haba ng buhok ko dahil hindi niya ako nilulubayan.However,half of me wanted to stop him.Nakakasawa at nakakapagod rin pala 'yong parating may nakabuntot sa'yo.Dinaig ko pa ang gwardiyado.Bukod pa doon,imbes na nasa 70% na lang 'yong ipagmomove on ko ay mukhang mahihirapan ako dahil mukhang tumataas iyon sa 99%.Back to basic ako.Nagsisimula na naman kasi ang pag-iisip ko sa kanya gabi-gabi.
At hindi ko nagugustuhan 'yon.Dahil binibigyan niya ako ng lakas ng loob para gumawa ng mga bagay na hindi dapat.
************************************
Hi Denzelle,Oo ikaw! I just wanna thank you for reading my story and I am very grateful for your comments.Sobrang intense! Rama ko ang panggigigil! Rama ko ang inis! At oo! Maski ako ay gusto nang batukan si Rhum dahil tanga-tanga siya.But please be patient with her :) Salamat nang marami! Mga 100! Hihi.Sana ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng story ko.Mwuah!
Ate Plong
***
No more Game 5!
Anyways,I am so happy because my beermen won.Yes! MY! Inangkin ko talaga sila.Hihi.Sila ang dahilan kung bakit ako ganado magsulat tonight.Sila din ang dahilan kung bakit iniiwan ako ng aking puso dahil kusa itong nagpapatihulog! Chos! Nosebleed.Pero grabe! Titili-hindi ako habang nanunood! I'm sorry for the Aces fans but I'm so happy MY beermen won! Wohooo! I love Marcio na talaga! And Arwind! And all of them.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.