Chapter 43
Ilang
Nagising ako nang mahihinang haplos sa aking pisngi.Kasalukuyan kaming nakasakay ng bus pauwi.Napag-alaman ko ring nakatulog pala ako at di sinasadyang napahilig sa balikat ni James.
Sobrang napagod ako sa duty namin.Dahil araw ng Linggo, marami ang kumakain sa restaurant.Punuan ang buong station.Kahit pa sabihing may limang station o division ang restaurant ay hindi nun kinaya ang dami ng guests.Dinadayo kasi talaga doon ang napakasarap na bulalo.
Nakakadalawang linggo na rin kami sa restaurant.Noong una ay medyo hirap pa dahil nangangapa kami ngunit ilang araw lang ang lumipas ay natuto na rin kaming makipagsabayan sa mga waiters at humataw na rin kami sa pagbibigay ng quality service sa mga guests.Minsan nga ay napapalaban din kami ng English sa mga foreigner guests namin.Minsan naman ay naiistarstruck kami sa mga artistang kumakain doon.Ganoon kasikat ang restaurant kaya naman kahit malayo ay pumayag na akong doon magtraining.Feeling ko kasi,may opportunities doon.
Hindi lang naman ako ang naroon.Kasama ko rin sila Rich,Nohlan,Saida,Eka,James,Gellie at ang bagong miyembro ng grupo,si Ehm.Siya 'yung kaklase namin na iniyakan ni Gellie habang naglalasing kami na nakamabutihan niya sa barko habang nagtitraining kami at ngayon nga ay boyfriend na niya.
Medyo inaantok pa ako kaya hindi ko agad dinilat ang aking mata.Ramdam ko pa ring hinahaplos ng hinlalaki ni James ang aking pisngi.Unti-unti ay nakaramdam ako ng pagkailang sa kanyang ginawa lalo na nang naramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok.He reminded me of someone.
Dahan-dahan akong gumalaw at umungot para ipaalam sa kanya na gising na ako.Nang umayos ako ng upo ay tumingin din siya sa akin.Lumagpas ang tingin ko sa kabila niyang balikat.Nakahilig din doon ang himbing na himbing na si Rich.
"Grabe kayo! Ginawa ninyo akong unan," pabirong reklamo ni James.Nahihiya akong ngumiti sa kanya bago lumingon sa labas ng bus.Medyo maliwanag pa nang umalis ang bus,ngunit nang nagising ako ay madilim na.Isa't kalahating oras ang biyahe namin ni Gellie samantalang ang iba naming mga kaibigan ay aabutin ng dalawa o mahigit pa.
Usually,kami lang ni Gellie ang umuuwi.May inupahan kasing apartment malapit sa restaurant ang iba naming mga kaibigan ngunit dahil Linggo at rest day namin kinabukasan ay nagsipag-uwian sila.
"Ang tagal ko pa lang nakatulog?," nanlalaki ang matang hinarap ko si James nang makitang malapit na kami sa Robinson's Pala-Pala.Ang natatandaan ko kasi nasa may Days Hotel pa lang kami ay nakatulog na ako which was one hour drive away from here.
"Oo kaya.Nastuck up 'yung dugo sa braso ko oh," aniya habang ang mukha ay nakangiwi.Mukhang nangawit nga siya.Siguro kaya niya ginagalaw ang kanyang daliri sa aking pisngi ay para mabawasan man lang ang kanyang pangangawit.
"Sorry," nakangiti kong tugon at napabaling sa kagigising lang na si Rich. "Good morning," ngisi ko sa kanya na hindi na niya nagawang sagutin dahil agad na kaming nagsipagbabaan sa bus.Pagtayo ko ay nakita ko pa ang iba naming mga kaibigan na tila pupungas-pungas din.Iba na ang pagod.
Naunang bumaba si James at agad niya akong inilalayan pababa.Hinintay muna namin ang iba naming mga kaibigan bago kami nagsimulang maglakad papunta sa sakayan.Naramdaman kong umakbay si James sa akin habang naglalakad kami.Hindi ko maintindihan ngunit it somehow brought memories to me.Memories that I am still trying to forget.Even so,I ignored the feeling.
Akala ko kasi ay one-time incident lang 'yun.Pero nasundan pa 'yun nang ilang beses.Andyang kinukurot niya ang pisngi ko sa tuwing napapadaan siya sa station namin.Inaakbayan niya ako parati sa tuwing nagkakasabay kami sa paglalakad sa hall,entrance o sa employees' locker.Suddenly,he's all touchy and clingy.
Hindi naman dapat big deal sa akin iyon dahil kahit dati pa man,sweet na si James sa akin.Nahinto lang 'yun nung naging kami ni Seth.Ngayon na lang ulit.Ang ayoko lang,naalala ko si Seth sa tuwing nagpapakatouchy si James sa akin.Eh nagmomove on na nga ako.Paano ako magmomove on kung maalala ko naman siya parati.
Days past with me neglecting ny thoughts.Pilit kong iwinaksi kung anuman ang naiisip ko.I didn't even bother telling James to stop with what he's doing.Kasi wala naman siyang kasalanan.Tanga pa rin kasi talaga ako.Though,hindi 'yun naging excuse para maramdaman kong unti-unti ay naiilang na ako sa presensiya ni James.Unti-unti ay nagiging si Seth na siya sa pananaw ko.And that's something bothersome for me.
Para mabawasan ang nararamdaman ko ay ikinuwento ko 'yun kay Rich at Gellie.
"Eh bakit ka naiilang? Ganun naman talaga siya diba?," tanong ni Gellie.
"Kasi nga po,naaalala ko si Seth sa kanya.Nagmomove on na nga ako,diba? Ano 'to? It only reminds me of you lang?," sagot ko.
"I tried to run from your side but each place I hide,it only reminds me of you," pagkanta pa ni Rich habang tumatawa.
"Huwag ninyong sasabihin kay James ah," paalala ko.Tumango naman sila kaya kampante akong hindi nga nila sasabihin 'yun.
Ngunit ang ipinagtataka ko,ay ang biglaang pag-iwas ni James sa akin.Halimbawa na lang ay nung lumapit ako sa kanya para itanong kung sasabay ba siya sa amin maglunch.Wala akong natanggap na sagot.Basta niya na lang akong tinalikuran nang walang sabi-sabi.Hindi na rin siya sumabay ng lunch sa amin.Halata ko rin na iniiwasan niya ang mga lugar na pinaglalagian ko.
"Ikaw magbigay doon.Ayokong lumapit sa kanya," iyon ang naabutan ko pagkapasok ko sa station namin.Kasama ko si Rich at Gellie doon.Kasalukuyan silang nagbabalot ng kutsara't tinidor gamit ang paper towel.
"Ayoko nga,baka pati ako awayin nun.Ikaw kasi," paninisi ni Gellie kay Rich.
"Bakit?Anong meron?," curious kong tanong.
"Ewan ko dyan kay Rich," turo ni Gellie kay Rich na nakasimangot.
"Bakit ako? Tanong n'yo si James.Siya ang may problema," sagot naman ni Rich.
"Nag-away kayo?," tanong ko kay Rich.
"Sabi na kasing masakit 'yung ngipin ko,kinurot niya pa.Lalo tuloy sumakit," maluha-luhang sabi ni Rich.
"Galit din si James sa'yo," ani Gellie.
Nilingon ko siya at tinanong. "Kanino siya galit?"
"Sa'yo," aniya.
"Bakit siya galit sa'kin?," clueless kong tanong.Kaya siguro di niya ako pinapansin.
"Si Rich kasi," turo niya na naman kay Rich. "Pagkakurot sa kanya ni James sinabihan niya na kaya ka raw naiilang sa kanya kasi panay ang panghaharot niya," nanlaki ang aking mata.Kaya ganun ang treatment ni James sa akin.Kaya iniiwasan niya ako dahil galit siya.
"Di ba sabi ko atin-atin lang 'yun?," pagpapaalala ko sa kanila.
"Nakakainis kasi siya eh," ani Rich.
Ano ba naman!
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.