Chapter 67
Hindi ako nakapasok nang mga sumunod na araw.Halos 'di ako makatayo sa sobrang sakit ng aking ulo.Gustuhin ko mang pumasok ay hindi ko talaga kaya.Mabuti na nga lang at Foundation Day sa school namin.Four days ang gaganaping celebration niyon sa school at magkakaroon ng mga activity at program sa campus.Bawat kurso ay magkakaroon rin ng kanya-kanyang booth base sa kung ano ang napagkasunduan ng buong klase.Sa amin ay Cafe booth.Bilang mga HRM students ay nagfocus kami sa mga refreshments at snacks.Tiyak kasing bebenta 'yon dahil magugutom ang mga estudyante sa kakaikot sa buong campus at pagganap sa iba't ibang activities.
Iyon nga lang,wala ako.
Three days akong bed ridden.Nagleave na rin si mommy sa trabaho para bantayan ako.Sa tatling araw kong inilagi sa bahay ay naroon lang din si mommy at daddy.
"Baka mabinat ka," pigil ni mommy sa akin habang nagbibihis ako.
"Wala naman po akong masyadong gagawin doon mommy.Manonood lang ako ng program sa school," paliwanag ko.Kahit wala akong gagawin ay kailangan ko pa ring pumasok.May attendance pa rin kami sa apat na araw ng selebrasyon ng Foundation Day.Ngunit dahil nagkasakit ako ay isang araw lang ang mailalagay sa attendance ko.
"Bukas ka na lang kaya pumasok," pagkumbinsi ni mommy sa akin.
"Okay naman na po ako.Magaling kaya ang doktor ko," ngiti ko kay mommy sabay dampot ng aking bag.
"Asus! Nambola ka pa," ngiwi niya para pigilan ang pagngiti. "Huwag kang magpapagod ah.Baka mabinat ka,mas lalo kang 'di makapasok," paalala ni mommy.Nakangiti ko siyang tinanguan at sabay na kaming lumabas ng aking kwarto.
Hindi talaga ako magpapagod.Mahirap na ang mabinat.After kasi ng Foundation day ay ang second chance namin para sa defense.
Hiyawan ang sumalubong sa akin pagdating sa campus.Para tuloy gusto kong magtakip ng mukha dahil sa kahihiyang tinamo.Sabay ng sigaw ng aking mga kaibigan ay ang paglingon naman ng ibang mga estudyanteng nasa gym sa banda namin.
Kumustahan ang nangyari.Dinaig pa namin ang ilang taong 'di nagkita dahil sa pagkaexcite nila sa pakikipagkwentuhan sa akin.Natahimik lang kami nang nagsalita na ang Master of Ceremony bilang hudyat sa pagsisimula ng programa.
Nang matapos ang program ay bumalik kami sa aming booth na hindi ko pa nakikita.Pagdating doon ay kinumusta rin ako ng iba naming mga kaklase na naiwan doon para bantayan ang booth habang ang iba naman ay nanood ng program.
"Namiss ka ni Seth," kindat ni Rich sa akin.
Inilipat ko ang aking tingin kay Seth na kausap ang mga boys.Hindi ko alam kung galit ba siya o nagtatampo sa akin.May dahilan ba siya? Kung meron man,hindi ko alam kung ano.Ang alam ko lang ay hindi kami ayos bago ako nagkasakit. "Parang hindi naman," ismid ko.
"Totoo kaya," sabad naman ni Eka sa usapan namin.
"Nandito 'yong girlfriend ni Edison kahapon.May similarities kayo," kwento ni Rich na nagpakunot ng aking noo.Bigla kasing lumayo ang kwento niya sa kanina lang ay topic namin.
"The way siya maglambing kay Edison,parang ikaw lang kapag naglalambing sa aming lahat," tawa ni Rich. "Kaya nga sabi ni Seth kahapon,ayaw niya raw tignan 'yong girlfriend ni Edison kasi namimiss ka lang daw niya," kinikilig na pagtapos ni Rich sa kanyang kwento.
"Kayo na ba ulit?," biglang tanong ni Kisses na 'di napansing nasa gilid ko pala.Umiling ako bilang sagot.
"Akala ko kayo na.Nakita ko kasi kayong magkaholding hands eh," aniya.
"Uso na 'yon ngayon," turan ni Rich.
"Kunsabagay," kibit-balikat ni Kisses pagkatapos ay binalingan ulit ako para kumustahin kahit pa kanina pa nila ako kinakamusta.Makukulit.
Tulad nga ng pinangako ko kina mommy,hindi ako masyadong naglikot para iwas binat.
"Asan na naman ba si Seth?,"aligagang tanong ni Gellie nang naghahanda na kami para sa defense.Nasa bahay kami ni Nohlan at nagpifinishing touches na lang kami sa diorama.
Okay na rin ang mga documents namin.Limang beses ko iyong iniscan para sigurado nang wala akong mali.
Alas tres ng hapon ang sched ng defense namin at alas onse na ng tanghali ay wala pa si Seth.Hindi namin alam kung nasaan na naman siya.Kahapon ay hindi kami nagkausap kaya wala akong ideya kung ano na namang drama niya sa buhay.
Nagrerelax na lang kami sa porch nila Nohlan kasama ang kanyang mommy nang dumating ang tipsy na si Seth.Fuck! Ang daming araw,ngayon pa talaga siya naglasing.
Hindi ako kumibo.Hindi ko rin siya tinignan.Nagpanggap akong abala sa akibg cellphone habang pinakikinggan ang mga tanong ng aming mga kaibigan kung bakit siya amoy alak.
Naramdaman ko ang kanyang mata sa akin at bigla akong kinabahan.Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit siya uminom.
Dumoble ang aking kaba nang naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi.Ngunit 'di ko iyon pinahalata.I acted as if I'm oblivious of his presence.Nanatili akong nakayuko sa aking cellphone na agad kobg inilagay sa message page para kunwari ay may katext ako.
"Hindi na nga sana ako pupunta ngayon eh," sala-salabid ang dila na sabi ni Seth.
"At bakit?," matinis ang boses na tanong ni Rich.
"Hindi n'yo naman ako kailangan.Hindi naman ako importante," tila nagtatampo niyang sabi. "Walang nagmamahal sa akin."
Lihim akong napasinghap sa sinabi niya.Wrong!"Eh anong tawag mo diyan sa katabi mo?," tila ba nasagap ni Saida ang katanungang tumatakbo sa aking isip at itinanong ito kay Seth.
"Si Rhum?," imbes sumagot ay tinano g niya si Saida. "Hindi nga ako pinapansin oh.Busy masyado," nagtatampo niyang sabi.
Nagsipagreact ang aming mga kaibigan at pinamulahan ako ng pisngi nang pinilit nila akong pansinin si Seth.Hiyang-hiya ako habang tinitignan si Seth na siya namang yumuko at hinimas-himas ang kanyang buhok.
"Akala ko ba break na kayo?," clueless na tanong ng mommy ni Nohlan.
"Ah oo," wala sa sariling sagot ni Seth.
"Pero base sa sinabi mo,hula ko may feelings ka pa kay Rhum," komento ni tita Wena na mas lalong nagpainit ng aking pisngi.Hiyang-hiya na ako.
"Oo naman," oh my carabao! Gusto ko nang magtago sa kung saan man nang sumagot si Seth.Lalo na't nagsipaghiyawan sa sobrang kilig ang mga kaibigan namin.
"Iyon naman pala.So bakit 'di kayo magbalikan?," tanong ni tita Wena na para bang nagtanong lang siya kung magkano ang kilo ng galunggong sa palengke.
Bahagyang tumawa si Seth. "Matigas po...ang paninindigan," hindi ko nakuha ang sagot ni Seth. "Ang dami ko na nga pong nilandi para magselos 'tong si Rhum eh.Kailangan yata pati bakla patulan ko na para makipagbalikan siya sa akin.Hindi ko naman kasi siya mapilit na kausapin ang magulang niya,so pinagseselos ko na lang siya.Kaso,wala.Hindi man lang nagseselos," napatulala ako sa sinabi ni Seth.Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
So all those girls.All the heartbreaks.All the jealousy.It's all for one purpose.To win me back.Damn!
Umiyak pa ako nang umiyak dahil sa mga babaeng 'yon.Akala ko hindi na niya ako mahal.Pinagseselos niya lang pala ako?Kung alam niya lang...
"Kung alam mo lang," agad kong pinanlakihan ng mata si Rich nang nagsalita siya.God! Hindi ko aaminin na sobrang effective ng ginawa niya.Selos na selos ako.
I should be hurt right? I shoud get mad at him.Hindi niya dapat ginawa iyon.Sobrang masakit para sa akin ng ginawa niya.Pero di ko magawang magalit.Holy shit! Mas kinikilig ako.Feeling ko napakaspecial kong babae.
"So anong plano?," tanong ulit ni tita kay Seth.
"Maghihintay ako," please do,Seth.Please do.
"Gaano ka katagal maghihintay?," tita Wena queried once more.
"Hanggang sa kaya ko.Hanggang sa nabubuhay ako.Hihintayin kita,Rhum."
***
Thank you for being with me 'til the end.Next chapter will be...
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.