Chapter 17
Mahal kita
There was a time when I knew nothing about love
A silly little girl asking her feeling from the world
You gave me so much joy and I thank that from up above
Right now I know that what I'm feelin' is true love
I love you,I love youI never thought
I could feel this way
I never thought
that we could go all the way
I never thought
that I could form my lips to say
I love you,I love you,I love youI was already dozing off while listening to that lovesome love song by Passage entitled 'I love you' when my phone beeped through my headset. I took it under my pillow and checked who sent me the message at this unlikely hour.
Seth: Kakatapos lang namin mag-inuman.G'night. I love you.
I smiled as a read his message.Hindi ko na kasi siya tinext.Nagsend lang ako ng isang message kanina pagdating para ipaalam sa kanya na nakauwi na ako.
I have a lot of friends who care for me.I also have strict yet loving parents.I had never experienced being detested in my entire life kaya I am contented to what I have.Pero nang naging kami ni Seth,even in the shortest time,narealize ko,iba pa rin talaga kapag may nagmamahal sayo,just like Seth to me. Nakakatawa pero naramdaman ko iyong napakacliche na sinasabi sa mga kanta. 'I feel complete'. Ewan ko ba.Wala namang nadagdag sa mga possessions ko and I still have the same number of friends.Meeting new acquaintances everyday had never made me feel this complete either. Wala din naman pa akong achievements na nakuha this semester pero ramdam ko iyong feeling na kompleto na ako and that I can say and sing evenmore 'I've got all I'm living for and I could not ask for more'.
Tao lang ako. Inspite of all the admirations and appreciations I received,hindi ko rin maiwasang mainsecure but after Seth, all those insecurities were gone.Hindi ko na binabahala na magkasplit ends iyong buhok ko,na magkapimples ako.Hindi na rin ako naiinggit sa mga babaeng magaganda,mas maputi,mas mahaba ang buhok,matangkad at kung ano pang katangian na wala ako.Parang noodles lang,instant kong natanggap ang mga flaws ko.Ganoon katindi iyong magic ni Seth sa akin.
Staying at home for a Christmas vacation had never been this memorable before.It's given na kapag bakasyon,nasa bahay lang ako.Walang gala.Walang barkada.Ni lumabas ay hindi ko ginagawa.Makakapasyal lang ako kapag kasama ko si mommy at daddy and it became a routinary habit for me.I didn't complain.Kailangan ko rin namang magrelax lang but I can never say it was good until this vacation.Wala rin namang pinagbago.Nakakulong pa rin ako sa bahay.Nanonood ng tv,naglilinis ng bahay,nagluluto ng pagkain at naglalaba.Ang pinagkaiba lang,mas inspired akong gawin ang mga iyon dahil may isang taong nagpapasaya sa akin not that my parents and friends aren't making me happy but Seth gives me a different kind of that happiness.
It's been a week now and I already miss him.Kahit pa sabihing araw-araw kaming magkatext at araw-araw niya rin akong tinatawagan ay iba pa rin kapag andoon iyong presensya niya. Gusto ko nang maniwala na absence makes the heart grow fonder kasi pakiramdam ko,habang tumatagal, naaattach na ako masyado sa kanya.Iyong tipong pagkamulat pa lang ng mata ko ay siya na ang naiisip ko at bago ako matulog sa gabi ay siya pa rin ang laman ng isip ko.Come to think of it,nakakasawang mag-ulam ng parehong adobo para sa agahan at hapunan pero ang isipin siya simula umaga hanggang gabi ay kulang pa.Parang gusto ko pang mag-extend hanggang madaling araw.Ganun iyong nararamdaman ko.
I was snapped out of my thoughts when my phone rang and saw Seth was calling. I immediately answered it.
"Hello!" nakangiti kong sagot.
[Hello. I miss you.] napangiti ako sa sinabi niya.Ganito ba dapat yung maramdaman ko? Simpleng I miss you lang para na akong sasabog sa saya. Namimiss ko rin siya.
"I miss you too.Nga pala,tuloy yung plano natin ah." paalala ko sa kanya. Napag-usapan naming dalawa na after ng christmas ay ipapakilala ko siya kay mommy at daddy at pagkatapos ay ipapakilala niya ako sa mommy niya.
[Oo naman.I want us to be legal kaya naman tuloy ang plano.May sasabihin nga pala ako sayo kaya ako napatawag.] aniya.
"Ano iyon?" tanong ko.
[Ininvite ako ng barkada ko sa birthday party niya.I wanted to bring you but I know it's impossible.So,magpapaalam nalang ako sayo na pupunta ako.]
"Go.Enjoy the party.Sorry din kasi di ako makakapunta." sabi ko.I smiled at the thought that he will have to ask for my approval before going to parties.I feel so important dahil pinapahalagahan niya ang opinyon ko.
[Naiintindihan ko naman.Uh,I guess you're busy,so mamaya nalang ulit?] aniya.
"Yeah." sabi ko.
[Okay.Bye.]
"Wait! may sasabihin ako." mabilis kong sabi.Akala ko kasi papatayin niya na ang tawag.
[Ano yun?] tanong niya.
Ngumiti muna ako at huminga ng malalim. " Mahal kita."
Namula ako sa sinabi ko.Kahit wala siya sa harapan ko ay nahihiya ako.Siguro dahil first time kong sinabi iyon sa kanya.Kinabahan ako nang bigla siyang natahimik sa kabilang linya.Hindi niya ba nagustuhan iyong pag-amin ko?He should have like it kasi vocal siya kung gaano niya ako kamahal. I heard him cleared his throat and spoke.
[You really have your way of making me speechless.You always say things at times I least expected it.Huwag mo naman akong patayin sa sakit sa puso.Ginugulat mo ako eh.] he chuckled.
"I'm sorry." sabi ko.Baka nga hindi niya nagustuhan.Ano yun? Siya lang may gustong nagsasabi ng I love you sa akin? May tao bang ganun?
[Don't be.Nabigla lang ako.Hayy! Rhum.Mamamatay ako sayo.Pero okay lang.Mahal mo naman ako at mahal din kita. I can die happy.] sabi niya.I smiled.Akala ko di niya gusto eh.
[Babye na.Baka di ko mapigilan sarili ko at mapuntahan kita dyan.Bye.Mahal kita.I love you.Aishtemashu.Saranghae.Te amo.Gihigugma tika.alabyu] sunod-sunod niyang sabi at di ko napigilang matawa.
"Baliw.Sige na.Babye na." paalam ko. Hinintay kong mamatay ang kabilang linya pero hindi niya pa rin tinatapos ang tawag.
"Hoy! off mo na." sabi ko.
[Ikaw nalang.]
"Ayaw.Ikaw na."
[Di ko kaya.Ikaw nalang.]
"Ayoko.Ikaw tumawag kaya ikaw magputol ng tawag.Nasa telephone etiquette iyon." paliwanag ko.
[Cellphone naman 'to kaya ikaw nalang mag-off.] natawa ako sa rason niya.May point siya.Cellphone nga naman ang gamit namin.
"Sige.Sabay tayo.Bibilang ako ng tatlo tapos pipindutin mo yung end call button at ganun din ang gagawin ko.Bale sabay nating pipindutin.Okay?" I suggested.
[Okay sige.] he agreed.
"One,two,three…" hindi ko pinindot ang end call button pero inaasahan kong pipindutin niya pero hindi rin pala.
"Seth!!" gigil kong tawag sa kanya. Natatawa na kasi ako pero naiinis kasi ayaw niya pang tapusin iyong tawag.
"Rhum!!" tawag niya sa pangalan ko at ginaya pa ang tono na ginamit ko sa kanya. Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas samantalang mahihinang tawa lang ang sa kanya.Nang mahimasmasan ako ay pinakinggan ko nalang siya sa kabilang linya at ganun din ang ginawa niya.We were listening to each other's breathing.Normal pa ba tong nararamdaman ko? Parang sasabog iyong puso ko sa di ko maintindihang dahilan.Masaya ako,oo.Pero it's more than that.Hindi ko maipaliwanag but this is one feeling I would love to have over and over again.
"Seth,seryoso na ito.Eend ko na." sabi ko bago pa ako mag-explode sa kinauupuan ko.
[Seryoso naman ako sayo.] sagot niya.Napakalandi po ng boyfriend ko.Isip-isip ko.
"Ewan ko sayo.Basta.Babye na.Io-off ko na pagkabilang kong tatlo ah.One,two,three" at pinindot ko na nga ang end call button pero bago maputol ang linya ay narinig ko pa ang sinabi niya.Hindi lang tenga ko ang nakarinig kundi puso ko din.
I love you.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.