Chapter 52
Pangarap Lang Kita
Hindi naman talaga ako eskandalosa.I'd rather keep my thoughts to myself.Ngunit di ko rin alam kung bakit bigla ko na lang nasabi ang mga salitang iyon.It was a sentiment I kept.Though I didn't regret what I just said.Really.
Sa tingin ko naman ay 'yon ang pinakatamang comeback sa remark niya.He don't make it like i'm doing who went the other way.Nakipagbreak ako,oo.Ngunit di ako naghanap ng iba.
Seth didn't bother to answer or should I say mukhang nashock din siya sa response ko.Katulad niya,ganoon din ang mga kaibigan namin na nakarinig sa sinabi ko.Tila ba di sila makapaniwala na nasabi ko ang mga katagang 'yon.Slowly,I felt that awkward mood in the atmosphere.
"Siyempre,joke 'yon," biglang bawi ko sa aking sinabi at ngumisi pa ako para makumbinsi sila.It took them almost a minute to absorb what I said before they burst out laughing.
Napangiti ako nang maramdamang bumalik na ang masayang mood.Pagpasok namin sa Jollibee ay agad na silang nagsipag-order habang nangangapa naman ako kung oorder ba o hindi.May pambili naman talaga ako,ayoko lang gastusin dahil hindi naman ako gutom at tinatabi ko ang iba kong allowance para sa sakaling mga upcoming projects namin.Ayoko na kasing manghingi kina mommy at daddy ng pambili ng mga materyales para sa mga projects ko.Kung kaya ko naman iyon ipasok sa budget ng weekly allowance ko ay pinupush ko na.
"Anong gusto mong kainin?," napalingon ako kay Seth na di ko napansing nakatayo na pala sa gilid ko.
"A-Ah...o-okay lang ako.B-Busog pa naman ako," nauutal kong sagot.Alam kong bahagya ko siyang naigisa kanina lang at kahit papaano ay marunong pa rin naman akong mahiya.
"Wow! Shy type," natatawa niyang komento sabay akbay sa akin.
"Busog nga ako," ani ko at pilit na di pinansin ang kanyang braso sa aking balikat.
"Una na kami sa taas,tagal ninyo eh," sabay kaming napalingon kay James nang magsalita ang huli habang may hawak-hawak nang tray.Napansin ko ring kaming tatlo na lang pala ang naroon at mukhang nakaorder na ang iba naming kaibigan.
"Akyat ka na doon," utos ni Seth sa akin.Agad din akong sumunod sa kanya.Kahit sa isip-isip ko ay sana man lang pinilit niya akong magpalibre sa kanya.
Mabilis maglakad si James kaya di ko siya naabutan habang papaakyat ng hagdanan. Mabuti na lang at agad ko silang nakita pagkarating ko sa second floor ng eatablishment.Salamat sa pagiging PDA ni Nohlan at Saida habang kumakain.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni James.Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad akong nilingon ni James.
"Anong in-order mo?," tanong niya sa akin."Wala," maiksi kong sagot sabay kuha ng fries niya at isinubo ko 'yon.Large naman 'yun kaya di kawalan sa kanya ang isang piraso nun.
"Akala ko ba ililibre ka ni Seth?," kunot-noo niyang tanong sa akin.
"Hindi ako nagpabili.Busog pa ako," ani ko.
"Ayan na si Seth," nguso ni Gellie sa papalapit nang si Seth.Naramdaman kong tumayo si James kaya naman nilingon ko siya.Lumipat siya doon sa bakanteng upuan sa tabi ni Rich na nasa mismong tapat ko saka siya bumaling kay Seth.
"Diyan ka na," aniya habang nakaturo doon sa iniwanan niyang spot sa tabi ko.
Umupo nga si Seth sa katabi kong upuan at napakunot ang aking noo nang makitang marami siyang order.Inilagay niya sa harapan ko ang spaghetti,burger,fries at float.
"Busog pa ako," tanggi ko.
"Kumain ka," utos 'yon.Ramdam ko.Ibubuka ko pa sana ang aking bibig para magprotesta ngunit nagsalita siya ulit.
"Busog ka ngayon.Paano mamaya kapag nasa biyahe na tayo?Paano kung bigla kang magutom?," sunod-sunod niyang tanong na di ko nagawang sagutin.May point nga naman siya. "Sabi nga,prevention is better than cure," natatawa niyang dugtong.Pati tuloy kami ay natawa.
"Ipinilit mo talaga iyon eh,ano?," tumatawang turan ni Nohlan at nagfist bump silang dalawa.
Matapos namin kumain ay umalis na rin kami agad.Mula sa Zapote ay nag-abang kami ng bus na dadaan papuntang Tagaytay at laking pasasalamat ko nang may nasakyan kami agad.Hindi kaya ng power ko ang sobrang init ng panahon.
Kaunti lang ang pasaherong naroon kaya nakapili kami ng gusto naming pwesto.Two-seater ang nasa kanang hilera ng mga upuan habang three-seater naman ang nasa kaliwa.Nagsipag-upo na sina Nohlan at Saida sa pangdalawahang upuan habang sa likuran naman nila pumwesto si Gellie at Ehm.Tumayo si Seth sa likuran ng inuupuan nila Gellie.
"Dito tayo," sabi niya sa akin at sumenyas na mauna akong umupo.Nang papaupo na ako ay narinig ko ang matining na boses ni Rich.
"Rhum,dito tayo," aniya habang nakapwesto na sa pangtatluhang upuan na katapat ng sana'y uupuan namin.Nilingon ko si Rich at nakita kong nakatingin siya nang makahulugan sa akin.Nakuha ko ang gusto niyang iparating kaya agad akong lumapit sa kanya at tumabi.Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naiiling at nangangamot sa ulo na si Seth.Gumalaw siya para lumapit sa amin ni Rich ngunit naunahan siya ni Eka.
"Tabi kayo ni James," nakangising sabi ni Eka at dahan-dahang umupo sa tabi ko na tila ba nang-aasar kay Seth.And Seth,being the stubborn one,pulled Eka upwards.
"Kayo ni James ang magtabi," aniya habang hatak-hatak si Eka.
"Ayoko," tanggi naman ng huli at nagpabigat pa habang kumakapit sa armrest ng upuan.Nagkaroon sila ng mini tug of war na gamit ang kanilang mga braso bilang lubid.Natatawa na kami ni Rich sa kanilang dalawa ngunit wala kaming ginawa para pigilan sila.Kahit pa alam naming posible silang matumbang dalawa dahil umaandar na ang bus.
"Ma'am,Sir, upo na lang ho tayo para maiwasan ang disgrasya," nahinto sila nang bigla silang pinagsabihan ng kundoktor.
Para silang natauhan dahil doon.Kaya huminto nga sila.Ngunit nang tumalikod na ang kundoktor ay malakas na hinatak ni Eka si Seth at nang napatayo si Eka ay sumiksik si Seth para makaupo sa tabi ko.Ngiting tagumpay ang iginawad niya kay Eka habang ang huli naman ay nakangusong nakapameywang.
"Ako diyan eh," maktol ni Eka.
"May nakalagay na reserve para sa'yo?," patay-malisyang tanong ni Seth.
Imbes sumagot ay sumimangot lang si Eka. "Umupo ka na dito,Eka," naulinigan ko ang seryosong boses ni James.Nilingon ko siya at seryoso lang siyang nakatingin kay Eka.
"Nakakainis naman eh," Eka murmured while having her seat.
"Upuan lang 'yon.Para kang bata," James scolded her.
Hindi na kumibo si Eka at isinalpak ang earphone sa kanyang tenga.Ikinabit niya ang plug nun sa kanyang cellphone at may pinindot bago ibinalik iyon sa kanyang bag.
Napatingin rin ako kay James na nasa labas lang ang tingin at di kalaunan ay sumandal sa headboard at ipinikit ang dalawang mata."Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo 'di tulad sayo,imposible," Seth's words caught my attention.Mahina 'yon.Maihahalintulad na sa isang bulong ngunit narinig ko pa rin.My heart twitched as I saw him staring intently at me.
"H-Ha?," sa gulat ko ay iyon lang ang aking nasabi.
" At... kahit mahal kita,wala akong magagawa.Tanggap ko 'to.Pangarap lang kita."
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.