Chapter 63
Out
Kahit galit ako ay hindi ko rin naiwasan ang kabahan nang makita si Seth.Pigil ko ang aking hininga habang inaabangan ang kanyang pagsasalita.Away 'to.Panigurado! Pero wala akong mali! Siya ang may mali!
"Gellie,pahiram naman ng charger mo," napanganga ako nang imbes na ako ay si Gellie ang kanyang kinausap.
Hindi ko alam kung hindi niya ba narinig iyong mga pinagsasabi ko o sadyang nagbibingi-bingihan lang siya dahil wala siyang pakialam.Tama! Wala siyang pake.Dahil kung mayroon,hindi niya kami paghihintayin ng matagal nang wala man lang pasabi.Sa inis ko ay nagwalkout ako.Walang lingun-lingon ko siyang nilagpasan.
Alas sinco nang mag-aya na akong umuwi.Uuwi raw muna sila para kumuha ng bihisan for overnight.
"Sabay na tayo kay Seth," Rich stated as we exited the gate.
"Sige.Ikaw na lang.Maglalakad lang ako," I refused.Hindi ko kakayanin ang makasama si Seth nang matagal.Umiinit ang ulo ko.
"Rhum naman eh," pagsimangot ni Rich.
"Hindi tayo kasya d'yan," I reasoned out but Rich pulled me towards Seth's Vios.
"Kasya tayo.Hindi naman uuwi si Gellie at Ehm eh," aniya habang patuloy pa rin sa paghatak sa akin.Huminto kami sa tapat ng pinto ng passenger seat.I was about to open my mouth to say that I don't want to sit beside Seth when Rich opened the door and positioned herself inside.
Napatanga ako dahil sa pagtataka.Bakit siya ang pumasok? Marahil ay napansin niya ang pananatili ko sa aking kinatatayuan kaya naman sumilip siya sa bintana.
"Sa likod ka raw sabi ni Saida," aniya sa akin.Kasabay nun ay ang pagbukas naman ng pinto at bumungad sa akin ang nakapout na si Saida.
"Rhum,tabi tayo," she pouted.Paglilihian pa yata ako.Pabagsak akong umikot sa kotse at sumakay na.Nagulat pa ako nang makitang naroon na rin si Seth.Hindi ko kasi namalayan ang pagpasok niya sa sariling kotse.
As soon as I closed the car's door,Seth started the engine and stepped on the gas.Inakala kong hindi magiging maganda ang biyahe namin ngunit mali pala ako.I was entertained by Saida's gleefulness.
"Hello Iglot," natatawa kong sabi habang di napigilan ang sariling himasin ang bilog na bilog na tiyan ni Saida.Kamakailan lang namin na buntis siya.Nagulat kami dahil limang buwan na pala siyang buntis ngunit hindi man lang namin nahalata.Ngunit mas ikinagulat namin ang bigla nitong paglaki nang nalaman na ng lahat ang kayang pagbubuntis.
"Iglot?," sabay pa nilang tanong ni Rich.Natawa ako.Hindi ko napigilan.
"Ang bilog kasi.Naalala ko tuloy 'yong bilog na creature na bida sa isang teleserye dati," I laughingly said and they both burst out laughing as well.
Naging tahimik lang ako nang bumaba na si Saida.We were trapped in a mild traffic.Kaya naman inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtingin sa labas.I heard Seth and Rich talking.
"Hala! Magseatbelt ka," narinig kong paalala ni Rich kay Seth.
"Ay oo nga!," Seth replied and heard him struggle with his seatbelt. "Pakibuckle naman oh,hirap lang," I looked at him thinking he was asking me to do it but then I saw Rich did the seatbelt.
I glanced at them both and it felt like I'm the one who's the third wheel.Ibinalik ko na lang ulit ang aking paningin sa labas ng kotse but my mind couldn't be shifted from the laughters I was hearing from Seth and Rich.
Agad uminit ang aking ulo.Pakiramdam ko ay iniitsapwera nila ako.Lalo na si Seth and I know,right at that moment,as shameful to admit it,I'm jealous.
I fan myself dahil sa alinsangang aking nararamdaman.Bago kasi umalis kina Nohlan ay ibinaba niya ang bintana para di na kami gumamit ng aircon
I busied in fanning myself rather than listen to their chitchat."Rhum,ilock mo 'yung pinto mo," I heard Rich told me but I did not bother in doing so.Wala akong ginawa.I pretended not hearing something.And I know Seth's aware of that.
I saw him glanced at me through the rearview mirror but I ignored him.Seconds after,I saw his hand crept through the door near me to lock it himself.
Nang umusad ulit ang traffic ay naramdaman ko rin ang paglamig and that took away my being occupied.Nagsawa na rin ako sa kakatingin sa labas kaya kinuha ko na lang ang aking baong libre sa bag at nagbasa na lamang.I could hardly understand what I was reading because my attention wasn't really in it.That was just my front of acting busy.Ayokong mag-idle dahil mas magmumukha lang akong salingpusa.Lalong ayoko rin makisali sa usapan nila dahil ayoko.Isa pa,the situation's suffocating me.Hindi ako komportable sa 'di ko malamang dahilan.
Lihim akong nakahinga nang makitang malapit na kami sa subdivision nila Seth.Ibig sabihin nun ay malapit na rin akong bumaba.Makakakilos na rin ako nang normal.
Pinarada ni Seth ang kotse niya sa gilid ng entrance ng kanilang subdivision para makababa kami.I immediately got out of the car leaving no words to Seth.No thank you at all.Alam kong hinihintay niyang may sabihin as I saw him watch me through the rearview mirror.Our eyes even met
Pero ayokong magsalita.Nang napatingin ako sa kanyang mga mata,bigla akong nakaramdam ng sakit.Hindi ko alam kung bakit ganoon.I felt like crying.Parang ang sikip ng aking dibdib. Para bang may sumaksak sa parteng iyon ng aking puso.
"Tara na," nilingon ko ang nagsasalitang si Rich.Looking at my friend,I felt guilty.Bakit ko ba siya pinagseselosan? Hindi naman dapat diba?
"Okay ka lang?," nag-aalala niyang tanong sa akin na tinugon ko ng simpleng pagtango.
"Badtrip ka kay Seth noh?,"nangingiti niyang tanong sa akin.
Hindi.Nagseselos ako.Hindi ko alam kung bakit.Pero habang tinitignan ko kayong dalawa kanina,nakita ko kayong nagtatawanan,parang dinudurog ang puso ko.Dapat ako 'yong nakaupo sa tabi niya.Dapat ako 'yong nagpaalala sa kanya at nag-ayos nung seatbelt.Dapat ako ang kakwentuhan niya.Dapat ako ang katawanan niya.Pero ano bang magagawa ko? Wala akong kwenta.
"Rhum," I was shocked by someone snatching me backwards.Muntikan pa akong matumba kundi ako nasalo ni Rich.I looked at her scared face.Tatanungin ko sana siya kung anong nangyari nang may narinig akong sumigaw.
"Huwag mo akong idamay kung magpapakamatay ka,hija," nilingon ko ang mukhang galit na lalaki habang nakahinto ito malapit sa kinatatayuan namin.He was staring right at me and drove off after whst he said.
Clueless akong bumaling kay Rich. "Grabe! Tinakot mo ako.Bakit ka ba biglang tumawid? Magpapasagasa ka ba?," worry was evident on her face.
Hindi ko alam 'yon.This pain is making me absentminded.And with that,I wanted to do something.
I want out.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.