Chapter 13 ( Tayo na nga)

3.4K 61 0
                                    

Chapter 13

Tayo na nga

"Mommy,birthday po ni Kisses today,pwede po ba akong umattend ng celebration niya?," I asked my mom while we were having breakfast. Tinignan niya ako sabay tingin kay daddy.

"Ask your dad," she said.

"Daddy,pwede po ba?," baling ko kay dad.

"Parang every week nalang may pinupuntahan kang birthday.Ilang beses bang ipinanganak iyang kaklase mo?," tanong ni dad.

Dead end. Hindi ako papayagan.Of course I know it. In my nineteen years of living with them, alam ko na kung kailan ayaw nila ng isang bagay,kung kailan okay lang sa kanila at kung kailan gustong-gusto nila ang isang bagay. Alam ko rin kung kailan sila papayag at kailan hindi.One example is this very instance. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Maybe I should send Kisses a birthday greeting instead. Maiintindihan niya naman siguro kung hindi ako makakapunta.

"Anong oras ka aalis?," napatingin ako kay mommy nang bigla siyang nagtanong.

"Mamaya po sanang after lunch," sagot ko at ipingpatuloy ang pagkain.

"Kumuha ka nalang ng pera sa wallet ko. Hindi kita mahahatid ngayon,anak. May pupuntahan ako," sabi naman ni daddy.

Lihim akong napangiti. Akala ko talaga di sila papayag.

"Okay po," sagot ko nalang.

.

.

.

.

.

.

.

"Sorry ah. Natagalan ako," bungad ko kay Seth na nakatayo sa waiting shed

sa tapat ng subdivision nila Rich. Usapan kasi naming apat nila Rich at Gelie na dito magkikita.

"Okay lang. Willing naman ako maghintay," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko maiwasang magkaroon ng ibang interpretation sa sinabi niya.

Naghintay pa kami ng ilang minuto doon bago niya sinabing puntahan namin si Rich sa bahay nila. Tinext nalang namin si Gelie na dumiretso sa bahay ni Rich. Papasok na kami sa subdivision nang tinanong niya ako kung  anong oras na. Kinunutan ko siya ng noo.

"May orasan ka naman ah," sabi ko.

"Huminto nga. Kasama kasi kita," nakangisi niyang turan. Simple  and common remark pero malaki ang epekto sa akin.

.

.

.

.

.

.

Simple lang ang handaan kina Kisses. Close friends lang ang invited. Bilang close din naman si Kisses kina Tammy ay ininvite niya rin sila. Only Tammy was not able to attend for she needs,as per her friends,to attend something. I heard Edison whispered that Tammy might be just putting up reasons. That maybe Tammy,as much as possible,doesn't want to be in the same place with Seth. The celebration was fun. Nag-eenjoy naman ako sa pagtawa sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko. Halos gumulong na kaming lahat sa kakatawa nang dumating iyong tito ni Kisses at nakipagjamming pa sa inuman ng mga kaklase ko. Nang malasing ay sobra siyang natuwa sa kakulitan ni James at Edison pati kay Bryan na kaklase din namin. Kumakanta pa si Kisses ay inistop na niya ang kanta at pinalitan ng napili niyang kanta. Touch by touch. Nabasa ko palang kung anong kakantahin natatawa na ako. Tinawag niya si James,Edison at Bryan at inutusang sayawin yung kakantahin niya. Dala na rin ng nainom na alak ay game naman silang tatlo. Pinagitnaan nila ang tito ni Kisses sabay giling nila ng pataas at pababa. Sinabayan din naman yun ng tito ni Kisses at gumiling din nang pataas at pababa. Napakalaki pa man din ng tiyan niya. Pagkatapos nang intermission number kuno nila ay nagpaalam na akong uuwi. Hanggang 8 pm lang ang paalam ko. Nang nalaman ng mga kaibigan ko na uuwi na ako ay sumama na rin sa pag-uwi sina Gelie at Rich.Syempre, di mawawala si Seth sa sasama. Sabi nga ni Rich,buntot ko daw yun.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon