Chapter 46 (Flirt)

1.8K 40 6
                                    

Chapter 46

Flirt

"Ayieee!," hiyawan ng mga kaibigan namin sa confession ni James.I'm not surprised though,still,it made me smile.

First year pa lang ay sweet na si James sa akin.Naalala ko pa noong minsang nag-uwian kami.Talagang nagpaalam pa siya sa akin na uuwi na siya samantalang hindi naman kailangan.Nung gumawa naman kami ng project sa school,nalagyan ng glitters ang mukha ko at napansin niya 'yon.Inabutan niya ako ng panyo at hindi lang 'yon,imbes na ako ay siya pa ang nagpunas ng mukha ko.

Things happen unexpectedly talaga.First day noong first year pa lang kami,si James na agad ang napansin ko.Gwapo naman kasi talaga siya.Ang tangos pa ng ilong.Naalala ko pa nung tinawag ko siyang kuya nang minsang may itinanong ako.Hindi ko pa alam ang pangalan niya nun kaya kuya ang itinawag ko sa kanya.

"Bakit mo ako tinatawag na kuya? Sixteen pa lang ako," suplado niyang sabi.Doon ko nalaman kung ano ang pangalan niya.Natawa pa ako dahil kapangalan niya ang isang celebrity.Ryan James Agoncillo.

Hindi ko alam kung kailan kami nagsimulang maging close.Basta bigla na lang siyang naging malandi sa akin nang papatapos na ang first sem ng first year.Even Rich noticed it.At aminado ako,kinikilig ako ng mga panahon na 'yon.Sino bang hindi kung napapansin ka ng crush mo.Crush ko kasi siya dati.Feeling ko nga,kung magtutuloy-tuloy 'yon ay baka naging magMU kami.Iniisip ko rin na kung may magiging boyfriend man ako ay si James 'yon.Kasi may pruweba na.Nakikita ko na sa mga kilos niya.

Pero sino bang mag-aakala na mali pala ang hinala ko.Si Seth na sa hinagap ay di ko man lang naisipan ng malisya dati ang naging boyfriend ko na unfortunately ay ex ko na.At si James,nanatiling kaibigan ko lang.Life is truly full of surprises at sabi nga ni Nina love moves in mysterioua ways.

"Ang haba ng hair ni Rhum.May Seth na nga may James pa," I was snapped out of my thoughts when I heard my name being mentioned by Eka.

"Oo nga.Gandang dalaga," kantiyaw ni Saida.Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko.

"Sayang! Hindi tayo kompleto eh.Dapat nandito rin 'yong iba para open forum na talaga," nanghihinayang na sabi ni Gellie.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Nohlan na huminto sandali sa pagsasalita na tila ba may inisip siya panandalian."Kung nandito ba si Seth,maaamin mo 'yon?," baling niya kay James.

Tumawa si James na tila ba nahihiya siyang sumagot.Nang huminto siya sa pagtawa ay dahan-dahan siyang umiling. "Respeto,man.Kaibigan ko rin si Seth.Para ko na rin siyang binastos ng harapan," aniya.

"Eh bakit mo inamin ngayon na gusto mo si Rhum? Anong pagkakaiba nun?," tanong ni Ehm.

Matagal bago nakasagot si James. "Hindi naman porke't umamin ako kailangan maging kami na ni Rhum.Wala naman akong balak.Alam ko namang hindi pa okay si Rhum eh," sagot niya.

"Eh bakit mo nagustuhan si Rhum?," tanong naman ni Eka.

"Mabait siya.Ewan,di ko alam," natatawa niyang sagot.

"Kung pag-usapan ninyo naman ako parang wala ako dito ah," sabi ko na nagpatawa sa lahat.

The following days felt better.Okay na rin kami ni James.Nagpapansinan at nagkukulitan na kami ulit.Namiss ko rin kasi 'yong mga bonding namin.Isa pa,naging magaan at masaya na ulit ang pagtatrabaho ko.Ang bigat kaya sa pakiramdam 'yong may kaaway ka.Lalong-lalo na kung nasa iisang lugar lang kayo ng kaaway mo.Nagkakasalubong kayo parati pero magkukunwari kayong di nakikita ang isa't isa.

Okay na sana.Kung di ko lang nakita 'yong post ni Seth.Masaya na sana ako dahil bati na kami ni James.Kung di ko lang nakita 'yong photo na p-in-ost ni Seth na kasama iyong girlfriend niya sa Facebook.Wala naman silang ginagawa sa litrato. Kapwa lang sila nakaupo sa sofa habang nagpapabebe sa picture.Mukhang may tagakuha sila ng litrato dahil halata namang di 'yon selfie.

Noong naging kami,wala kaming ganoon.It's always a groufie.Tapos nakita ko ding nagpalit siya ng profile picture.Iyong dating solo shot niya ay pinalitan niya ng silang dalawa nung Scarlette.Pabebe!

Hindi bagay!

Hindi ako bitter.Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Ang laki kaya ng mata n'ung girl," panlalait ni Gellie kay Scarlette habang naglalunch kami the day after na nagpost si Seth.

"Grabe naman kayo.Maganda naman ah.Tsaka malay n'yo naman,mabait pala 'yon," depensa ni James at Ehm.Napatingin ako sa kanilang dalawa.So ako hindi mabait? Gusto kong magreact.Gusto kong itanong kung kanino sila kampi.Hindi ba't ako ang gusto ni James? So bakit niya pinagtatanggol 'yong Scarlette?

On the other hand,may point sila.Hindi lang naman sa panlabas na anyo nagkakagusto ang isang tao.Siguro nga mabait siya o baka nga nagagandahan si Seth sa kanya.Iba-ibang taste kasi 'yan.Kunsabagay,ako nga di naman kagandahan pero nagustuhan niya.But that was before.

"Grabe! Gutom ka ba?," narinig kong komento ni Saida habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at sa aking pinggan.

"Oo," maiksi kong sagot pagkatapos ay nilantakan na ang pangatlong cup ko ng kanin.

"Hala!," iyon na lang ang tangi nilang nasabi.

Masikip kasi ang dibdib ko.Ang bigat.Tapos bigla nalang akong nakaramdam ng sobrang gutom.Baka nga nagugutom lang ako kaya kung anuman itong nararamdaman ko,ikakain ko na lang.

After lunch,I busied myself.I tried flirting with James in a simple way.Iyong di naman halata.Iyong tipong normal lang na ginagawa kong paglalambing sa kanya.Kapag napapalapit siya sa akin ay kumakapit ako sa braso niya sabay nakikipagkwentuhan.Pasimple din akong nagpapacute.

I continued doing it for the following days.Dikit ako nang dikit sa kanya.I tried to be as touchy as I could.Alam kong unfair para kay James 'yon.Pero diba,gusto niya naman ako? I just need to feel him.Baka maswitch ang nararamdaman ko.Maybe this is the better way to really move on.

At some point,I wanted to stop.Kasi alam ko namang masasaktan ko lang si James.Dahil ang puno't dulo naman ng paghihiwalay namin ni Seth ay dahil bawal pa akong makipagrelasyon.So kapag kumagat si James sa kalandian ko ay masasaktan ko lang siya.Idadamay ko lang siya sa komplikado kong sitwasyon.Tsaka paano kung along the way ay mainlove din ako kay James? Mas masaklap 'yon.Ang ending,makakamove on nga ako kay Seth pero nasaktan ko naman si James at ako naman ay kay James na heartbroken.

Very wrong!

Habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon ay niyakap ko ang bagay na pinakamalapit sa akin.Yinakap ko 'yon at pagkatapos ay humilig ako sa dingding.

"Rhum," nagulat ako nang may nagsalita.Tumingala ako at gahibla nalang ang layo ng mukha namin ni James.Doon ko narealize na wala nga pala ako sa bahay at nasa jeep pa lang pauwi.At 'yong yinakap ko ay braso ni James habang nakahilig ako sa balikat niya.

"Huwag namang ganyan,lalaki lang akong marupok at natutukso rin," mukha siyang nagmamakaawa habang nakangiti.Napanganga ako.Di ko agad na-absorb 'yong sinabi niya.Ngunit nang narealize ko na ay natawa na lang kaming dalawa.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon