Chapter 5
Birthday
Kung sana andito si mommy ay madali lang ang lahat. Kaso may business trip siya sa Baguio kaya di siya pwede magleave. Si daddy naman ay may kameeting ngayon kaya naman ako lang mag-isa dito sa bahay. Buti na nga lang ay sinamahan ako ni tita Jody, kaibigan ni mommy at kapitbahay namin. Siya na ang nagfried ng chicken habang kinarir ko naman ang spaghetti. Kagabi palang ay ginawa ko na ang buko salad para pwede na siyang kainin ngayon. Bukod sa fried chicken at spaghetti ay nagluto din ako ng caldereta at papaitan. Sigurado kasing mag-aaya ng inuman ang mga kaibigan ko kaya naman nagluto ako ng papaitan para may pangpulutan. Kinontrata ko na rin iyong dalawang case ng sanmig light na tinda ng kapitbahay namin. Habang nagluluto ay pinupunasan ko naman ang mga plato,kutsara,tinidor at baso na gagamitin. Inarrange ko na rin ang mga upuan sa balcony dahil doon nalang kami magcecelebrate para mas madali nalang maglinis afterwards. Idinamay ko na rin ng linis ang sala,banyo at kwarto ko. Grabe! birthday na birthday ko pagod na pagod ako.
Iyong mga niluto kong pagkain ay request nila. Pahirap iyong mga kaibigan ko. Seth told me as per their meeting, 9 AM palang ay nandito na sila. Time check : 8:45 . Chineck ko kung may kailangan pang gawin.Okay na lahat. Foods, almost done. Kanin nalang ang kulang. Nasa rice cooker naman kaya okay lang kahit iwan ko. Inayos ko ang sarili ko at umupo sa sofa. Kani-kanina lang nagpaalam na si tita Jody na aalis na daw siya. May lakad din kasi siya. Binuksan ko ang laptop ko at nagbasa nalang muna ng mga greetings mula sa mga facebook friends ko. Marami ding bumati sa akin through text. Ang sarap lang sa feeling na marami paring nakakaalala sa'yo. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya ibinalik ko sa menu para makita ang message. Dalawang message ang natanggap ko mula kay Rich at Eka. Malapit na raw sila. Tumayo na ako sa sofa at in-off na muna ang laptop ko. Sakto namang paglabas ko ng bahay ay may nagpark na puting van sa harap.
Nagsilabasan mula sa van ang mga kaibigan kong maiingay. Sabay-sabay pa nila akong binati ng happy birthday at g-in-roup hug.
"Kapatid,happy birthday," bati ni Seth habang papalapit sa akin. Siya ang nagdrive kaya nahuli siya ng baba. Nang makalapit siya ay pinisil niya ang magkabilang pisngi ko pagkatapos ay ginulo-gulo ang buhok ko.
Ginuide ko sila papuntang balcony kung saan naiprepare ko na ang lahat ng mga pagkain.
"Uyyy pampabuhay ng dugo," sigaw ni Edison habang itinataas niya ang bote ng sanmiglight. Napalingon naman silang lahat at nagsipagcheer pa. Napailing nalang ako sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.
"Tara kain na agad nang makarami," sigaw naman ni James na ngayon ay may hawak-hawak nang plato. Nagsisunuran naman ang iba ko pang mga kaibigan.
"Ang sarap ng spaghetti. Sino nagluto?," tanong ni Nohlan.
"Ako syempre. " pagmamalaki kong sagot.
"Ayos," sagot niya na nakathumbs-up pa habang sinusubuan si Saida. PDA talaga sila kahit kailan. Nakasanayan na rin namin na talagang PDA silang dalawa.
"Sarap din ng caldereta," sabi naman ni James. "Ikaw pa rin nagluto?" tanong niya sa akin.I beamed and wiggled my eyebrows.
"Talaga naman. Solve na future natin nito," aniya na pumapalatak pa. Tinawanan ko lang siya habang binabara na naman siya nila Rich at Kisses.Nagpatuloy ang kantiyawan habang kumakain.
Nang matapos ang kainan ay agad naman nilang sinindihan ang kandila at inilagay sa cake na binili nila para sa akin. Kumanta sila ng happy birthday at pinagwish ako sabay blow ng candle.
"Uy may regalo kami sayo, " anila. Nagchorus pa talaga sila. Agad na pumunta si Seth sa harapan ko habang nakatago sa likod niya ang kanyang mga kamay. Inutusan niya akong pumikit.Tumalima naman din ako. Idinilat ko agad ang mata ko nang nagbigay na sila ng hudyat para idilat ang mga mata ko. Honestly, I was very excited to what they are about to give me,however, it suddenly faded when I already saw the gift.
"Apple?," tanong ko at tinignan sila isa-isa.Sabay-sabay pa silang tumango nang nakangisi. "Anong gagawin ko diyan?"
"It's your brithday,right? therefore,ikaw ang star ng handaan. Oink.oink." paliwanag ni Seth na nagpatawa sa lahat. Dati pa niya akong inaasar na mataba. Hindi naman nga ako mataba. Nagkataon lang na mas malaman ako kesa sa mga kaibigan at kaklase naming babae. Sa asar ko ay sinabunutan ko siya. Panay naman ang tawa niya habang ginagawa ko iyon. Nakisali na rin ang iba pa naming nga kaibigan sa pagtawa kaya naman kinuha ko iyong softdrinks sa lamesa at inalog-alog ito pagkatapos ay binuksan ko at itinapat sa kanila. Napunta sa paghahabulan at paglalaro ng patintero ang dapat ay pag-iinuman nila. Nang mapagod na kami ay napagdesisyunan naman naming magpahinga nalang sa balkonahe. After few minutes ay nag-aya na ang mga boys ng inuman kaya naman inilabas ko na ang mga pinalamig kong inumin mula sa ref. Tinulungan ako ni Seth na magrefill ng mga beer sa ref para kapag naubos na iyong iniinom nila ay sakto namang malamig na iyong mga nilalagay namin. Isinalang ko na rin ang dvd namin na pangkaraoke at inilabas ko ang songbook at iniabot sa mga girls.
Habang nag-iinuman ang mga boys ay panay naman ang kanta naming mga girls. Nang medyo tipsy na ang mga boys ay inagaw na nila ang microphone sa amin at nagsimula na silang magwala. Tagatawa nalang kaming mga girls. Pagkatapos ng maingay na kanta ni James at Edison ay sumunod naman iyong kanta na pinili ni Seth. Naghihinayang. Iyon yung title ng kanta. Nagsipulan sina Nohlan at panay naman ang cheer naming mga girls. Napansin ko namang naglabas ng camera si Edison at James kaya nakigaya din ako at kinunan ng video si Seth. Seryoso pa ang mukha ni Seth habang nag-iintro palang. Nang lumabas na ang lyrics at sinabayan na niya ito ng kanta ay halos mamilipit kami sa pagtawa nang walang tunog. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa nang walang tunog. For sure,obvious na rin sa video na tumatawa ako dahil hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko sa sobrang pagtawa. Paano naman kasi,kung mayroong kaliwang paa sa dancing ay kaliwa naman ang tono at boses ni Seth. Iyong kantang dapat ay maramdamin at nakakaiyak ay hindi na nabigyan ng justice. Despite the fact na tawa na kami ng tawa ay wala talagang nagtangkang pahintuin siya sa pagkanta.Feel na feel niya kasi. May papikit-pikit pa siya ng mata at pahawak-hawak sa dibdib. Nang matapos ang kanta ay nahinto kaming lahat sa pagtawa hindi dahil sa tapos na ang kanta kundi dahil sa sunod na ginawa ni Seth.Humarap siya sa camera na hawak-hawak ko.
"Tammy, iyong kantang iyon,para sayo iyon. Mahal na mahal pa rin kita. Please, patawarin mo na ako. Tayo nalang ulit. " seryoso niyang sabi. Iniabot niya ang mic kay Eka na malapit sa kanya at sumalampak siya sa sahig. Itinukod niya ang siko niya sa magkabilang tuhod at ikinulong ang mukha sa kanyang mga palad. Nagkatinginan kaming lahat nang yumugyog ang balikat niya. Lumapit sila Nohlan sa kanya. They were trying to comfort him pero di siya kumikibo. I was stunned. First time kong makakita ng lalaking umiiyak. He's really hurting inside.Minsan talaga,kahit anong gawin nating pagpapakatatag,bumibigay at bumigay din talaga tayo.
Napansin kong nagrerecord padin iyong camera ko kaya pinatay ko iyon.Nag-excuse ako para kumuha ng tubig sa kusina. Nang makabalik ako ay nag-uusap na ang mga boys habang nagpapahid ng luha si Seth. Sumalampak na rin ako sa sahig malapit kay Seth at inabot ang tubig sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Kapatid,sorry.I ruined your celebration," aniya.
"A-ano ka ba,okay lang iyon.Naiintindihan ko naman," kumalas ako sa yakap niya at nginitian siya. Wala naman akong ibang magawa at masabi. Hindi ko rin naman alam kung anong iaadvice sa kanya dahil wala pa naman akong experience sa love na yan.
"Salamat guys," ani Seth.
"Ang bakla mo," kantiyaw ni Edison na nagpatawa sa aming lahat.
"Group hug guys!," sigaw naman ni James. Agad na naglapitan lahat sa amin kaya naman naipit kami ni Seth.
Pinagpatuloy namin ang kantahan at kulitan. Sayang at may pasok kami kinabukasan kaya alas-siyete palang ng gabi ay umuwi na sila. Napagod man ako nitong buong araw ay worth it naman.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.