Chapter 40
Lost
"Bagay sa'yo," puna ni Eka sa damit kong suot. "Hugot feels teh?," natatawa niyang tanong na nginisihan ko lang.
Noong nakaraang araw ay bumaba kami sa port ng Iligan at dahil dalawang oras lang magdadock ang barko doon ay hanggang sa Gaisano Mall lang kami nakapunta.Mukhang wala naman silang planong bumili doon kaya di na rin ako nag-abala pa at tumingin-tingin na lang din.Nag-aya sila Kisses na umakyat sa 2nd floor at doon namin naabutan na namimili ng damit si Edison.Napadaan ako sa isang stall kung saan may statement shirts na nakahanger,doon ay namili ako at nakita ko ang t-shirt na kulay purple na may nakasulat na 'Anyone around here can complete my life forever'.
Pinili ko 'yun at nang babayaran ko na ay nauna nang nagbayad si Edison sa akin.Libre niya daw iyon.Nahihiya man ay tinanggap ko na rin dahil kahit anong pilit kong magbayad sa kanya ay di niya tinatanggap.
Kasalukuyan kaming naghihintay sa pagdadock ng barko sa Bredco Port sa Bacolod.Five hours ang barko doon kaya may panahon pa kaming maglibot sa siyudad ng Bacolod.
Excitement ang naramdaman ko habang pasakay na kami sa nirentahan naming orange multicab.Una naming pinuntahan ay ang plaza.Naglakad-lakad kami doon at natuwa kami nang may nakita kaming nagsuzumba na mga kababaihan.Natawa pa kami nang ang iba naming mga kaklase ay nakigaya din which made us do the same.Nang napagod kami ay nilibot namin ang buong plaza at nagpapicture pa kami doon.Halos lahat ng espasyo ng plaza ay kinunan namin ng litrato.Pati 'yung playground ay di namin pinatawad.
Matapos sa Plaza ay sa City Hall namin kami nagpunta.Napapanganga ako sa lawak ng labas nun lalong-lalo na doon sa fountain.Maingay ang aking mga kaibigan habang nagkukuhanan ng litrato.Mabuti na lang at wala si Seth kundi naging mas maingay siguro.
Oh! Stop thinking about him.Paalala ko sa aking sarili.
Nang nagsawa na kami doon ay sumakay na ulit kami sa multicab para tumungo sa Bongbong's.Doon ay bumili kami ng mga pampasalubong tulad ng Piaya at Barquillos.
Hindi ako bumili ng marami dahil baka masira lang iyon sa bahay.Hindi naman agad mauubos.Nang makabalik kami sa barko ay naging abala na namin kami sa paghahanda para sa susunod naming duty.
Hindi na kami nakababa sa mga sumunod na port dahil hindi kami pinayagan.Pero ayos lang 'yun.Masaya na kami habang tinatanaw na lang ang kagandahan ng ibang lugar mula sa barko.
Madaling arae nang sumunod na araw nang nakarating kami sa Dipolog City.Inaabangan ko talaga ang lugar na iyon dahil doon ang probinsya ni mommy.Gustuhin ko mang gisingin ang mga kaibigan ki ay di ko na ginawa.Agad ay tumakbo ako sa terasa ng barko at pinagmasdan ang port ng Dipolog City.
Nakakamiss! May tatlong taon na rin akong hindi nakakauwi doon.Nung huli kong punta ay iyon pang napauwi kami dahil sa nangyari sa pinsan kong si Haven.Kumusta na kaya 'yun?
Siguro nga ay kung makakausap ko siya ay pwede ko sa kanyang sabihin lahat ng aking hinanakit.Maiintindihan niya ako malamang.Pero alam kong imposible 'yun.
Matapos sa Dipolog ay diretso na sa Manila Port ang barko.Nang makarating kami ay 5 hours nagdock ang barko.
Dahil nakapatay ang aircon sa accommodation ay pinili ko nalang na tumambay sa labas,sa terasa ng barko.
Habang nagpapahangin ako ay nakita ko si Gellie na kausap nang masinsinan iyong kaklase namin na iniyakan niya noong naglasing kami.I silently smiled while looking at them.Buti pa sila.Mukhang nagkakamabutihan na.
Napalingon naman ako sa bilang tumawa nang malakas.Iniluwa ng pintuan si Saida na kaharutan si Nohlan.Eh di sila na sweet.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtanaw sa tubig ng dagat na may mga nakalutang na basura.Tsk.
From there,my thoughts shifted to Seth.Nakakabaliw dahil ayaw ko na talaga siyang maisip ngunit bigla na lang siyang pumapasok sa isipan ko.Hindi ko maiwasang mag-isip kung ano na ba ang ginagawa nila ng girlfriend niya sa mga ganitong oras.
Mabuti pa nga 'yubg Scarlette,naipakilala niya sa bestfriend niya base na rin sa comments niyon sa mga post ni Seth patungkol sa kanila ni Scarlette girl,samantalang ako,hindi.At sa pagkakaalam ko ay kilala din ni Tammy ang bestftiend niya.
Okay lang.Ganoon talaga.Kahit ano naman ang isipin ko ngayon ay wala iyong mababago.It's over with me and Seth.I should stop thinking about the past.I should stop reminiscing our moments together.I should stop tending my broken heart.It'd not helping.
"Tulala na naman," napalingon ako sa nagsalita at nakita ang nakangising si Edison.
"Ganoon talaga," buntong-hininga ko dahil na rin sa kawalan ng matinong maisasagot.
"Huwag mo na kasing isipin 'yun.Mahal ka nun," he jokingly said and I scoffed.
"Galit ka ba sa kanya?," biglang seryosong tanong ni Edison.Tinignan ko siya at kinunutan ng noo.Naniniguro lang na willing siyang makipag-usap nang seryoso at hindi mang-alaska lang.
Diretso ang mga tingin niya sa akin at seryoso din ang ekspresyon ng kanyang mukha.Seryoso nga siya.
"Hindi.Wala namang dahilan para magalit ako kay Seth," sagot ko at ngumiti ng malungkot.Pero siguro naman may dahilan akong malungkot,diba?
"Hala! Di naman si Seth ang tinutukoy ko eh," inosente niyang tugon dahilan para suntukin ko siya sa braso.Kahit kailan talaga.
"Joke only," tumatawa niyang turan. "Pero ang bait mo ah.Kung ako 'yun.Magagalit ako," dugtong niya.
Hindi ako kumibo.Alam kong ang kasunod niyang sasabihin ay kalokohan na naman.
"Kung sakaling makipagbalikan ba siya sa'yo,papayag ka?," tanong niya na di ko pinansin.
"Hoy! Seryoso ako," pangungulit niya.
"Naku! Di naman," ani ko na nagpatawa sa kanya.
"Seryoso nga.Minsan na nga lang ako magseryoso eh,ayaw pang paniwalaan," natatawa niyang sabi.
"May seryoso bang natatawa?," I huffed.
"Natatawa lang naman ako sa mukha mo.Simangot na simangot," ngiti niya. "Ganyan ba talaga kapag brokenhearted?Mahirap na paniwalain?," tanong niya.
"Ewan sa'yo," irap ko.
"Oh!Kita mo na.Marunong ka na mangganyan," he commented laughing while pointing at my face.
Di na ako kumibo at sinamyo na lang ang umihip na hangin.Sabi ng iba mabaho,ngunit para sa akin ay napakabango ng hangin sa dagat.It relaxes me.Lalo na't kailangan na kailangan ko ang marelax kahit ilang minuto man lang.
"Pero kung ako ang masusunod,gusto ko magkabalikan kayo," napalingon ako nang muling nagsalita si Edison. "Noong naging kayo,sumipag kaya siya mag-aral.Ibig sabihin,good influence ka sa kanya.Hindi tulad ngayon na mas maraming absent kaysa sa present siya," dagdag niya.
Naku! Siyempre,papasok siya kasi ako pa 'yung mahal niya.Kung,minahal niya nga ako.Siyempre iba na ang mahal niya ngayon kaya 'yun na ang pinupuntahan niya kesa sa pumasok.
Or,gusto niya na talaga akong iwasan dahil kahit sa sarili ko,aminado ako,I'm being worse.It's like,I'm losing myself or is it that I've already lost me.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.