Chapter 4
Kwek-kwek
"Kapatid!!!," sigaw ko habang papalapit ako sa room namin.
Nakita kong nakatambay si Seth at James sa labas ng room habang kumakain ng kwek-kwek. Natuwa lang ako dahil straight 5 days nang pumapasok si Seth. Dati kasi mas marami pa siyang absent days kesa sa present days sa isang linggo. Kumaway naman siya sa akin habang ngumunguya ng kwek-kwek. Nang nakalapit na ako ay kinagat ko iyong nag-iisang kwek-kwek na hawak niya. Masyadong marami iyong harina kaya sobrang laki nung kwek-kwek. Nabulunan ako kaya agad niyang inabot iyong C2 niya sa akin. Tinapik-tapik niya iyong likod ko.
"Takaw kasi," sabi niya habang hinihimas-himas ang likod ko. "Oh," aniya habang inaabot ang panyo niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at pinunas sa mukha kong pawis na pawis. Uminom ulit ako ng C2. Sa kasamaang-palad dumiretso iyon nang labas sa ilong ko dahilan para ubuhin ako ng todo.
"Uy kapatid. Wag kang magpakamatay ano ka ba!," biro niya pa. Pinunasan ko ulit ang mukha ko na pawis na pawis na naman habang ubo ako ng ubo. Naramdaman kong may naglikom ng mahaba kong buhok.
"Tali mo?," nilingon ko si Seth na ngayon ay nakalahad ang kanang kamay para hingiin iyong pantali ko ng buhok habang hawak-hawak naman ng kaliwang kamay niya iyong buhok ko.
"Nasa bag," umuubong sagot ko. Kinuha naman ni James ang bag ko. Finally, naisipan niya akong tulungan. Narinig ko pang nagreklamo si James dahil magulo raw ang bag ko. 'Babae ka ba talaga?' Pahapyaw niya pang tanong sa akin.Nang makita niya iyong panali ay ibinigay niya iyon agad kay Seth.
Nang umokay na ako ay pumasok na kami sa loob ng room.
Akala ko ako lang ang nakapansin sa naging attendance ni Seth ngayon. Iyon pala,halos lahat kami ay napansin iyon. Block section kami. Simula first year hanggang ngayong second year second sem ay magkklase pa rin kami kaya kahit pa sabihing may iba-iba kaming grupo sa loob ng room ay magkakaibigan pa rin ang turingan namin sa lahat.
Dati naman ay parating present si Seth sa school. Nito lang talagang nagbreak sila ni Tammy ang simula ng regular na pag-absent niya kaya nga nitong nakastraight 5 days siyang present ay tuwabg-tuwa kami.
Ganun ba talaga kapag naiinlove? Kapag nasaktan ka,nawawalan na ba agad ng halaga ang ibang bigay sa mundo? Pero bakit parang si Seth lang ang apektado? Normal naman si Tammy. Wala namang nagbago sa kanya since the break-up. Mukha ngang nakapagmove-on na siya agad kasi may boyfriend na siya. Maybe Seth has another reason kung bakit parati siyang absent. Masaya naman siya kapag nasa room. Hyper pa nga eh. Yun nga lang, kapag nakikirt niya si Tammy na kasama yung boyfriend niya ay nag-iiba na ang mood niya.
"Uy invited tayo sa birthday ni Rhum," narinig kong sabi ni Seth sa mga kaibigan namin.
"Hala! Wala akong sinabi ah. GG ka," sabad ko naman.
" Naku nahiya ka pa. Oo, tinatanggap na namin imbitasyon mo," sagot ni Edison.
Pagkatapos noon ay nagsimula na silang magmeeting kung what time daw sila magkikita-kita at kung saan sila magkikita. Naitsapwera ako sa usapan. Nang masettle na nila ang kunyari ay meeting daw nila ay saka naman inirelay ni Seth yung plano nila. Saya diba? Wa ko say.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.