Chapter 24(Salamin)

1.7K 38 0
                                    

Chapter 24

Salamin

"Si Rhum? Di ko pinapansin? Eh pansin na pansin ko nga siya."

My face flared as I heard it.Lalo lang iyong nadagdagan nang naghiyawan ang mga kaibigan namin na naging dahilan upang mapalingon sa pwesto namin lahat ng aming mga kaklase.

"Whooo! Bumabanat," kantiyaw nila James at Edison sabay appear pa.

"Hindi iyon banat guys,natural ko lang yun," ngisi ni Seth.

"Whooo! Yabang," pakantiyaw na komento ni Eka habang tumatawa.

"Huwag kang mainggit,makakahanap ka rin ng sa'yo," sagot ni Seth sabay tingin sa akin at kumindat na lalong nagpapula ng pisngi ko.

"Uyyy,nakita namin iyon," hiyaw ni Gellie habang tumatawang dinuduro siya.

"Ang alin?," maang-maangan niya.

"Naku! Kunwari ka pa," ani Rich sabay tawa.

Naputol lang ang kantiyawan nang dumating ang professor namin.Lahat ay seryoso sa pakikinig dahil terror ang prof namin na iyon.Pero ako,halos tulala lang na nakikinig kunwari sa lecture ngunit ang totoo ay wala namang pumapasok sa utak ko.

Iniisip ko pa din kasi kung okay lang ba kami ni Seth.Pwedeng oo dahil hindi naman siya awkward gumalaw kanina,pwede ring hindi dahil hindi niya pa naman ako kinakausap nang maayos.

Bumuntong-hininga ako at inilibot ang paningin ko sa loob ng buong classroom.Mula sa decorations nito,sa whiteboard na mapupuno na ng sulat ng prof namin,sa prof namin na seryosong naglelecture,sa mg kaklase at sa mga kaibigan ko hanggang sa likuran ni Seth bilang nasa harapan ko lang naman siya.Mula sa pgkakatitig ko sa likuran niya ay nahagip naman ng paningin ko ang salamin na kanyang hawak-hawak.Ganoon nalang  ang gulat ko nang nakita ang aking repleksiyon sa salamin.Tinignan ko si Seth at nalaman ko na tulad ko ay hindi rin siya nakikinig sa lecture kundi nangingiting nakatingin lang sa akin mula sa salamin.

Pinigilan ko ang sariling mapangiti dahil sa scheme niya.I found it cute,yes.Pero bakit niya pa ginagawa ang mga ganoong bagay?Hindi na kami diba?

Kinunot ko ang aking noo tanda ng pagdisapprove ko kunwari sa ginagawa niya.Bahagya pa siyang natawa nang nakita niya ang nakasimangot kong mukha mula sa salamin.Pasimple niya akong nilingon kaya naman nagkaroon ako ng chance na pagsabihan siya.

"Stop that," mahina ngunit madiin kong sabi.

"Ano?," ngisi niya.

"That," turo ko sa salamin na hawak niya.

"Why would I? Nananalamin ako," aniya.

Natakot ako na baka mapagalitan kami ng prof sakaling makita kaming hindi nakikinig kaya hindi ko na siya pinansin pa ulit at tumingin nalang sa harap.Ilang minuto din akong kunwari ay nakikinig.

Mula sa pheripheral vision ko ay tila ba nakatingin na rin si Seth sa harap kaya naman tumingin ako sa kanya pero nagkamali ako.ng ulo lang pala niya ang nakadiretso sa harapan ngunit ang mga mata niya ay nakatuon pa din doon sa salamin kung saan nakatutok naman sa akin.

Nanginit ang aking pisngi.Baka mamaya ay nakanganga pa ako.Nakakahiya,

"Tigilan mo na nga iyan kasi," hindi ko na natiis sabay abot ko sa buhok niya sa batok at hinatak iyon.

Lumingon siya sa akin at nagkamot ng ulo. " Ang ano ba kasi? Inaano ka ba?," maang niya.

"Akin na iyang salamin," mando ko.

"Ginagamit ko," tanggi niya.

Ibinalik niya ang tingin sa harapan at inilapag ang salamin sa kanyang desk.Agad ko iyong inabot mula sa kanyang likuran pero hahawakan ko palang iyon ay nahablot na niya ito kaagad.

"Seth naman eh," reklamo ko.Aalisin ko na sana ang aking kamay mula sa pagkakapatong sa desk niya nang bigla niya itong hawakan at humarap siya sa akin.

Halos mapugto ang hininga ko sa gulat nang gahibla nalang ang pagitan ng aming mga mukha.Hindi ko na nagawang magsalita habang siya ay nagpipigil ng ngiti.

"Bakit ba? Bibilhan nalang kita ng salamin kung gusto mo,okay?," ngisi niya.

Nagawa niya pang magbiro samantalang hindi na ako makagalaw.

"Ms. Zamora,Mr. Sevilla,what do you think are you two doing?," umalingawngaw ang boses ng prof namin kasabay ng pagsabog ng puso ko.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon