Chapter 12 (Inlove)

3.7K 63 0
                                    

Chapter 12

Inlove

Nakadalawang movies kami bago nila napagpasyahang umuwi. We were preparing ourselves to depart when a cute dog jumped on my lap. Dinila-dilaan niya ang mukha ko.Panay naman ang iwas ko. Naririnig ko ang mga kaibigan ko na tumatawa habang sinasabing cute daw iyong aso.

"Brittany," narinig kong sabi ni Seth.Tumalon ang aso mula sa kandungan ko at tumakbo papunta kay Seth.

"Bakit mo siya tinawag? Nagbobonding pa sila ng mommy Rhum niya eh," ani Gelie na nagpasipol sa mga kaibigan namin. Mommy Rhum? Seriously?

"Hayaan mo na, nainggit si daddy Seth eh," kantiyaw naman ni Rich.

Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok ko. Hindi ko nalang pinansin ang pangangantiyaw nila.

.

.

.

.

.

.

.

Wala si mommy at si daddy. Pareho silang nasa Zambales dahil may project si daddy doon at sumama lang si mommy. Meaning to say, I can do whatever I want for tonight. Ang problema,wala naman akong maisip na gawin. I decided to watch tv instead. I was singing along with the singer on a famous music channel when I felt my phone vibrated in my pocket. I took it out and saw someone sent me a message.Seth.

Seth: Kumain ka na?

Ako: GM ba ito?

Seth: Haha.nope. ikaw lang tinitext ko.

Ako: Ah! ok. Yeah,kumain na ako.

Seth: Great. Mcdo ka ba?

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung wrong grammar lang ba o sadyang iyon talaga ang tanong.

Ako: Hindi ako mcdo.Tao ako.Bakit?

Seth: Kasi,love kita.

Napangiti ako nang nabasa ang message niya. Love? Agad-agad? Agad akong nagtype ng reply ko.

Ako: Kriminal ka.

Seth: Bakit? Is loving you a crime?

Ako: Hindi naman pero ipapahuli kita sa salang pagnakaw...pagnakaw ng puso ko.

Sent. Doon ko lang narealize ang message na s-in-end ko. Okay lang. Idedeny ko pa ba na nagugustuhan ko na ang mga ginagawa niya? Besides, ang mga lalaki,pumoporma lang naman sila kung alam nilang may pag-asa sila sa isang babae. The mere fact na hindi ko man lang pinigilan si Seth na iparamdam sa akin ang nararamdaman niya ay isang proof na binibigyan ko siya ng pag-asa. Kahit pa pinakiusapan niya ako na wag ko siyang pipigilan, kung ayaw ko sa kanya pipigilan ko pa rin siya. But I did not do that. And that says a lot. And I know Seth knows it. Hindi niya lang sinasabi. Binasa ko ang text na kakapasok lang mula sa kanya.

Seth: Talaga? Ang saya naman.

.

.

.

.

.

.

.

Prelims and it sucks. Why? I can't seem to concentrate on reviewing. Naiinggit ako sa lalaking estudyante na nasa tabi ko na masigasig na nagrereview kasama ang mga kaibigan namin. Yung tipong hindi pa natatapos ang tanong ay may sagot na siya agad sa mga tanong na ibinabato ng mga kaibigan namin.

"Inspirado 'to," komento ni Edison habang tinuturo pa si Seth na ngingiti-ngiti lang.

"Syempre," sagot ni Seth sabay lingon sa akin at kininditan pa ako.

Tinignan ko lang siya at ibinalik na ang tingin ko sa reviewer na ginawa ko. Naiiyak na ako. Hindi to pwede. I am friggin' distracted. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naghanap ng vacant seat sa bandang likod. May nakita ako kaya agad akong lumapit at umupo doon.

"Hello Rhum, review tayo," aya ng kaklase naming si Karen. Pumayag naman ako agad. I asked her a question first and she was able to answer it immediately. She then asked me a question. Blangko. Alam kong nabasa ko iyong tinatanong niya. I am not into memorizing. Mas gusto kong iniintindi ang binabasa ko kaya naman alam kong nabasa ko na iyon pero hindi ko maalala. Mental block.

"Hala!! Ano sagot?," nakanguso kong tanong kay Karen. Ibinigay niya naman ang sagot. Hinanap ko iyon sa reviewer na ginawa ko at gusto kong matawa at mainis dahil nasa unahan pa iyon ng reviewer ko na kanina ko pa tinititigan at binabasa.

Sinabihan ko muna si Karen na magbabasa muna ako ulit. While reading my notes, I heard my friends' laughter filled the whole room. Sobrang ingay nila habang nagrereview. Lalo lang tuloy akong nayamot dahil dapat kasali ako sa kanila. Isa dapat ako sa pinakamaingay habang sumasagot. Kaso hindi. Ito ako ngayon sa gilid at pinipilit ipasok ang mga nirereview ko sa utak ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maipasok. Tinignan ko si Seth na masayang-masaya habang nagrereview. Ni hindi man lang niya napansin na wala na ako sa tabi niya. Nakakainis naman to. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa reviewer na hawak-hawak ko. I read it all over again. However, I can't seem to understand anything. Parang naging alien iyong mga words na isinulat ko. Tinignan ko ulit ang maingay na si Seth. Busy siya masyado sa pagrereview. Naramdaman kong may tumulong tubig sa mukha ko. I wiped it only to find out na luha ko na pala iyon. Nasundan pa ang pagtulo. Tuluyan na akong napaiyak kaya naman yumuko ako para punasan iyon. I felt someone sat on the vacant chair next to mine. Amoy palang ng pabango,alam ko na kung sino iyon. Inabutan niya ako ng panyo.Nang kukunin ko na ay bigla niyang inilayo iyon dahilan para mapatingin ako sa kanya. Lumapit siya konti sa akin at pinunasan ang pisngi ko at mata gamit ang panyo niya.

"Bakit ka umiiyak?," mahina niyang tanong.

"Nakakainis kasi. Ayaw pumasok sa utak ko iyong nirereview ko," ani ko.At tulad ng mga batang nakahanap ng mapagsusumbungan ay napahikbi ako lalo.

"Oh! Bakit umiiyak si Rhum?," biglang tanong ni James na nasa gilid na pala namin. Tinignan siya ni Seth at sinenyasan na umalis.Tumalima naman siya.

Nang tuluyan nang nakalayo si James ay tiningnan ako uli ni Seth at umiling-iling. Seryoso niya akong tinignan at ngumuso na parang pinipigilan ang pagngiti. Nang di na niya mapigil ay ngumisi siya pagkatapos ay bumulong sa akin.

"Inlove ka na sa akin," aniya at pagkatapos ay umayos na siya ng upo at nagbasa ng reviewer na ginawa niya rin.Naiwan naman akong nakatingin lang sa kanya.

Author's Note:

Two chapters po inupdate ko. Thank you sa lahat ng mga nagbabasa nito.Also, I dedicate this chapter to my new found friend in wattpad si Balletdancer20.

<3Plong

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon