Chapter 9 (Announcement)

3.8K 63 0
                                    

Chapter 9

Announcement

"Anong tawag sa saging na kulay green," tanong ni James.

"Eh di saging parin," natatawang sagot ni Edison.

"Tanga. Eh di hilaw na saging. Eh yung saging na dilaw?," tanong niya ulit.

" Eh di hinog na saging," sagot ulit ni Edison.

"Yung brown na saging?," tanong pa ulit ni James.

" Eh di,uh,uh, alam ko na. Nilagang saging," tuwang-tuwa pa na sagot ni Edison.

Nagtinginan naman kami nila Rich habang nakikinig lang sa kabaduyan nilang dalawa.

"Eh yung pulang saging?," singit ni Seth.

Natagalan ng sagot si Edison at si James. Kung anu-ano na sinasagot nila pero mali pa din. Nakisali na din si Eka sa panghuhula. Unti-unti na rin akong nacurious kung ano sagot. Nakakita na rin kasi ako ng saging na pula ang balat at di ko alam kung ano tawag doon kaya sinusundan ko na rin ang mga isinasagot nila. Katagalan ay sumirit na rin sila.

"Ano ba yan,di nyo alam? Ang tawag sa pulang saging ay............ drum rolls please......... banana ketchup," sigaw ni Seth. Napafacepalm ako sa sagot niya. Naiwan namang nakanganga ang mga kaibigan namin. Di katagalan ay nagsitawanan kaming lahat.

"Natatawa ako sa sobrang corny," sigaw ko habang patuloy sa pagtawa.

"Grabe ka naman. Akala ko ba kakampi kita?," kunyari pa ay nagtatampo siya.

"Hindi sa lahat ng oras," sagot ko naman.

"Uy guys, bukas ah. Nagkakatay na sila ng baboy ngayon para bukas kaya kapag di kayo pumunta kayo kakatayin ko," biglang singit ni Eka.

Tama. Bukas na nga pala ang celebration ng birthday niya. Hindi pa ako nagpapaalam. Hindi ko tuloy alam kung papayagan ako.

"Natahimik ka?," tanong ni Seth na nakaupo na naman sa desk ko.

"Hindi pa pala ako nagpapaalam. Baka di ako payagan," sabi ko.

"Gusto mo ipagpaalam kita?," concern na tanong ni Seth na agad ko namang tinaggihan. Tityempo nalang ako na nasa magandang mood sila mommy at daddy mamaya para payagan ako.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkarating nila mommy kinagabihan ay nagpaalam ako. Nasa maganda ang mood nila dahil pumayag sila na pumunta ako sa birthday ng kaklase ko.

Magtatype na sana ako ng message sa mga kaibigan ko na pinayagan ako nang naunahan akong itext ni Seth.

Seth: Ano pinayagan ka?

Ako: Yes!! ang saya-saya noh?!

Seth: Cool! sabay-sabay na tayo bukas.

Ako: Ihahatid ako ni daddy bukas.

Seth: Cooler! haha. Libre pamasahe.

Ako: Ano ba yan. Hikahos!

Seth: Haha! hindi lahat ng gwapo,gastador.Ang iba, wais.

Kinabukasan ay pinacancel ni daddy iyong pakikipagkita sa kabusiness meeting niya para lang maihatid ako. Gaya ng napag-usapan ay susunduin namin si Gelie sa labas ng subdivision nila at maghihintay naman sila Seth at Rich sa labas ng subdivision nila Rich total magkalapit lang naman ang subdivision na tinitirahan ni Rich at Seth. After 45 minutes ay nakarating na kami kina Eka. Umalis na si dad pagkatapos. Itext ko nalang daw siya kapag magpapasundo na ako ulit.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon