Chapter 14 (Boyfriend)

3.2K 43 0
                                    

Chapter 14

Boyfriend

"Girls,girlfriend ko pala," nakangising sabi ni Seth doon sa mga babaeng malalandi habang nakahawak sa kamay ko. Sorry for the word but it's the truth. Nakita naman siguro nila kaninang nakakapit si Seth sa akin pero nilandi pa rin nila. Base sa expression ng mukha nila ay halatang nagulat sila at parang napahiya. Tumingin sila sa akin. I looked at them with my poker face. Agad silang umiwas ng tingin at nagbehave. That's what you get.

Nilingon ko si Gelie at Rich na parang natatawa at nagtataka. Malamang natatawa sila doon sa mga babae at nagtataka tungkol doon sa sinabi ni Seth. Nilingon din sila ni Seth na may malapad pa rin na ngiti. Pati tuloy ako ay nahawa sa kanya at nakingiti na din. Pinaglipat-lipat ni Gelie at Rich ang tingin nila sa akin at kay Seth.

"Di nga?," nanlalaking mata na tanong ni Rich at tumingin sa akin. Mas lumapad ang ngiti ko sa reaksyon nila ni Gelie na nakaperfect 'o' pa ang bibig. Tumango ako habang nakangiti.

"Hudapak!!! Bangus ka Seth.Tinik mo," tumatawang kantiyaw ni Gelie kay Seth nang makarecover na siya. Nagtawanan lang silang dalawa.

Natatawa ako sa kanila habang nasa biyahe.Panay ang banta nila kay Seth na huwag daw akong sasaktan kundi malalagot daw siya. Ininterview pa nila si Seth kung pang-ilan na niya akong girlfriend and other stuff. Hinayaan ko nalang sila habang ninanamnam ang magkahawak naming mga kamay. Nilaro-laro ko ang hintuturo niya. Nasa ganoong lagay pa rin ako nang tinanong niya ako kung okay lang ba sa aking umuwi mag-isa. Napansin kong malapit na kami sa subdivision nila. I assured him that I could manage it. Kasama ko naman si Gelie dahil sa isang destinasyon lang kami bababa. At first,he insisted to accompany me but I refused.

"Text mo ako kapag nakauwi ka na ah," paalala niya sa akin bago niya pinara ang jeep. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Kinurot niya nang mahina ang pisngi ko at bumaba na.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkababa ko ng jeep ay dinukot ko ang cellphone ko mula sa bag. Nagtaka ako nang may mahigit sampu akong message na natanggap. Habang nag-aabang ako ng tricycle papasok ng subdivision namin ay binasa ko muna ang mga iyon. Natawa ako nang makita ko ang tig-iisang GM ni Gelie at Rich na ipinamalita na kami na ni Seth. Mas excited pa sila kaysa sa akin. Nakita ko ring nagtext si Seth. Tinatanong niya kung nakauwi na ako. Mayroon ding mga messages mula sa mga kaibigan namin na kinocongratulate ako. My ever supportive friends. Nakakatuwa talaga sila.

Nang may tricycle na ay agad ko iyong pinara. Medyo kabado pa ako nang makarating ako sa bahay. Nandoon na pareho si mommy at daddy. Pagkapasok ko ay patay na ang ilaw sa sala at iyong sa balcony nalang ang bukas. Kinabahan ako dahil hindi ko nasagot ang tawag nila kanina nung pauwi na ako. Baka galit na naman sila sa akin. Nagagalit kasi sila kapag hindi ko nasasagot ang tawag nila.

Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa kwarto at pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto nila. Gising pa silang dalawa at nagkukwentuhan lang.

"Hello baby, how's the birthday?," bungad ni mommy sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala sila galit. Ngumiti ako at humalik sa pisngi ni mommy at daddy. Tinap ni mommy yung bakanteng  spot sa gitna nila ni daddy para umupo ako. I sat in between them. Hinaplos ni mommy ang buhok ko.

"Okay naman po. Masaya," I smilingly answered.

"That's good. Pinayagan ka namin ni daddy mo dahil ayaw naman naming isipin mo na masyado ka namin sinasakal. Magiging maluwag na kami kaunti. Total naman, you're already 19 and you know what's right and wrong," nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti din ako sa sinabi nila.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon