Chapter 48
Wrong Move
Moving on connotes acceptance.And from that,I could say I've already moved on.Tanggap ko na.Tanggap ko nang wala nang pag-asa na maging kami ulit ni Seth.Tanggap ko nang hindi na niya ako mahal.Tanggap ko nang may mahal na siyang iba at higit sa lahat,tanggap ko nang tapos na ang lahat sa amin.
It has been two weeks since I last saw him.Sa kakapost niya ng mga sweet nothings nila nung girlfriend niya,unti-unti ko na ring natanggap na wala na talaga.Kunsabagay,kahit naman wala siyang girlfriend ay wala naman na talagang mangyayari sa amin.
"Okay na ako," I smiled.
"Anong okay ka na?," tanong ni Rich habang nakapila kami for enrollment.
"I'm moved on," I proudly stated.
Kinunutan niya ako ng noo pagkatapos ay tumitig sa akin na parang nanunuri. "Hindi mo na siya mahal?," she whispered.
Napangiti ako sa tanong niya. "Ang sabi ko nakamove on na ako.Pero di ko sinabing i've already let go," ani ko.
"Anong pagkakaiba n'un?," parang nagugulumihanan niyang tanong.
"Moving on is accepting the facts around you.Tanggap ko na.It's really over between me and Seth.But I haven't let go yet.Mahal ko pa rin siya.Pero dahil nakamove on na ako,ibig sabihin,tanggap ko nang di na magiging kami ulit at okay na ako sa one-sided love na 'to," paliwanag ko sa kanya.
Hindi siya agad sumagot.Tila ba nag-isip muna bago ngumiti. "Mabuti naman kung ganun.Masaya ako kapag masaya ka.Isa pa,narealize ko,kung mahal ka talaga ni Seth,ipaglalaban ka niya.Kahit dibka lumaban,gagawa siya ng paraan para ipaglaban ka.Pero wala.Hindi ko sinasabing di ka niya minahal pero siguro hindi sapat 'yong pagmamahal niya sa'yo para ipaglaban niya.Anyways,you deserve better.I know how special you are kaya ang dapat sa'yo ay special din.May darating din na special.Malay mo,si James 'yon," sabi niya sa akin.Napangiti ako sa kanyang tinuran.
Ang totoo niyan,pareho lang naman kami ng sitwasyon ni Rich.Kailan lang ay nalaman ng magulang niya na may boyfriend siya.Nagalit ang parents niya at katulad ko,sinabihan siyang makipaghiwalay.Siguro 'yong lakas ng loob ni Rich ang kailanman di ako magkakaroon.Nagawa niyang paniwalain ang magulang niya na wala na sila ni Austin,iyong boyfriend niya.Ngunit ang totoo,sila pa rin.
Ang tapang niya.Sa aming magkakaibigan,siya talaga ang expert sa larangan ng pag-ibig para sa akin.Naalala ko pa noong nakikipaghiwalay si Austin sa kanya.Dati rin naming kaklase si Austin kaso nagtransfer siya ng school dahilan para gustuhin niyang makipaghiwalay kay Rich dahil nga magiging malayo sila sa isa't isa.Pero di pumayag si Rich.Ipinaglaban niya talaga.Kaya nga siya ang todo effort.Siya ang pumupunta sa bahay nila Austin para dalawin ang huli.Pangit tignan para sa ibang tao dahil ang babae ang dumadalaw sa lalaki pero bilang kaibigan niya,bilib ako.Alam kong hindi nga dapat ganoon ngunit 'yong lakas ng loob ni Rich ang nagpapabilib sa akin.Siya 'yong tipo ng babae na kapag nagmahal,todo.Kabaligtaran ko na nagmamahal nga pero may reservations.Life is uncertain so I chose to live my life playing safe.Tuloy panay iyak lang ang kaya kong gawin.Weak!
"Kapag nagkita kayo sa tingin mo anong mararamdaman mo?," biglang tanong ni Rich.
Ngumuso ako dahil hanggang sa kasalukuyan ay di ko rin alam. "Hindi ko alam," sagot ko. Tumingin ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Actually,may gusto akong gawin," ani ko.
Nilingon niya ako at itinaas niya ang dalawa niyang kilay. "Ano naman 'yon?," tanong niya.
"Gusto ko siyang itext.Gusto ko lang makipag-ayos.Gusto ko ring malaman kung okay na nga ba talaga ako," sagot ko.
Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. "Okay naman 'yong intensyon mo.Basta ba 'yon lang talaga," aniya at tinignan ako na para siyang nagdududa. "Eh baka naman kapag nagreply siya ay magkabaliw-baliw ka na naman sa kanya," turan ni Rich.
"Hindi naman siguro.Huwag naman sana," sabi ko.Ayokong magsalita ng patapos kaya naman hindi ko pa rin alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakali mang magreply nga sa akin si Seth.
Pag-uwi ko ng bahay ay saka ko ginawa ang aking plano.Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagtipa ng mensahe para kay Seth.
Kapatid!
Iyon lang ang tangi kong isinulat.Wala naman akong ibang masabi.At wala naman akong sasabihin talaga.Gusto ko lang na ibalik 'yong dating pagkakaibigan namin.
Kahit matagal na mula nang binura ko ang kanyang number ay hindi pa rin iyon nabubura sa aking isipan.Nagdouble check pa ako kung tama ba ang numero na i-t-in-ype ko.Nang masigurong tama nga ay i-s-in-end ko na iyon.
Halos di ako huminga habang inaabangan ang reply ni Seth.Napatalon pa ako nang nagvibrate ang aking cellphone.Agad kong tinignan kung sino 'yon.Ngunit nadismaya ako nang makitang GM lang 'yon ng ka-org ko.Inilapag ko na lang sa study table ang cellphone ko at nagbihis na muna kaysa sa tumunganga ako sa paghihintay ng reply niya.
Tinanggal ko ang lahat ng suot ko at iniwan lang ang aking undergarments saka ako naghanap ng damit na komportable.Habang naghahanap ng damit sa cabinet ay narinig ko ang pagvibrate ng cellphone sa lamesa kaya agad ko 'yong kinuha.
+369219431950
Sino 'to?Napangiti ako sa kanyang reply.Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Grabe ka,kapatid! Di mo na agad ako kilala.
Hindi ko na binitawan ang aking cellphone at humiga na lang sa kama habang hinihintay ang kanyang reply.Hindi nga ako nagkamali,pagkahigang-pagkahiga ko ay may pumasok agad na text.
+369219431950
Rhum?Napangiti ulit ako.Mabuti naman at nahulaan niya agad.Hindi pa ako nakakapagtype ng reply ay may text ulit na galing sa kanya.
+369219431950
Kumusta ka na? It's been a while.Nagreply ako at nagtuloy-tuloy na ang pagpapalitan namin ng message.Mula nun ay gumaan na ang pakiramdam ko.We've rekindle the friendship.And that's the best for both of us.
Inakala kong ang ibalik ang pagiging magkaibigan namin ni Seth ay isang tamang desisyon.Inakala kong magiging maayos na ang lahat matapos n'un.But I thought wrong.And it was too late for me to realize it.Bago ko pa naisip 'yon,nabasa ko na ang notification sa Facebook.
That notification was the proof of how wrong my move was.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.