Epilogue

4K 62 47
                                    

Epilogue

"Ang gwapo niya ano?," nilingon ko si Tasha nang bigla na lang siyang nagsalita sa aking tabi.

Tumingin ako sa lalaking tinutukoy niya na nasa telebisyon.Kasalukuyan itong nagsasangkutsa ng mga rekado habang iniinterview ng isang sikat na female host.Hindi naman sila kadalasang nanonood ng show na iyon.Dahil lang naman sa lalaking chef na guest ngayon kaya sila nanood.

"Diba? Tapos ang galing pa magluto.Tsaka 'yong mata niya talagang brown na brown." sabad naman ni Monica na tila ba kilig na kilig.

Napailing na lang ako sa kanila at nagpatuloy na sa pagkain ng aking tanghalian.Kailangan ko pang magmadali dahil may bagong client akong imimeet.

"Itong si Rhum parang walang landi sa katawan," natatawang turan ni Tasha.

"Oh! Bakit na naman?," natatawa ko ring tanong.

Isinenyas niya ang lalaki sa tv. "Binabalewala mo lang 'yang ganyan kagwapong nilalang samantalang kami nitong si Monica ay halos 'di na makasubo sa sobrang pagkamangha namin sa kanya," pagpapaliwanag ni Tasha.

"Oo na.Gwapo na siya," pagsang-ayon ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo siya sa personal?," kinikilig na tanong ni Monica kay Tasha.

Saglit na inilapag ni Tasha ang kanyang kubyertos at tila ba nag-isip panandalian. "Baka 'di ako makagalaw," nangingiti niyang sagot at ibinalik kay Monica ang tanong.

"Kyaa! Di ko alam.Baka una ko siyang kainin kaysa sa mga recipes niya," nanlaki ang mata ko at 'di sinasadyang napaubo sa tahasang sagot ni Monica.

Bumaling si Tasha sa akin at inabutan ako ng tubig.Hinagod-hagod naman ni Monica ang aking likod. "Eh ikaw Rhum? Halimbawang manligaw siya
sa'yo,sasagutin mo ba?," pagpapatuloy ni Monica.

"Naku! Huwag ninyo na akong isali sa mga ganyang usapan.Sa inyo na lang siya," natatawa kong sagot.

"Oo na.Sige na.Hindi mo siya type," pagigive up na lang na pangungulit ni Monica.

Matapos ng lunch break namin ay agad na akong nag-ayos para sa meeting ko sa isang 5-star hotel.

"May bago ka raw na client?," tanong ni Tasha.Tumango ako bilang sagot.

"Cool.Ikaw na talaga ang busy bee," ngiti niya.Ngumiti lang din ako. "Parang kahapon lang natapos 'yong wedding na in-organize mo tapos ngayon mayroon na ulit?," mangha niyang tanong sa akin.

"Oo nga eh.Maraming gustong magpakasal ngayon," sagot ko.

"Oh? Kasal ulit? Taray! You already na talaga," sabad ni Monica habang nag-aayos ng kanyang bag.Mukhang may lakad rin siya.Sa pagkakaalam ko kasi ay inoorganize niya sa kasalukuyan ang Golden Anniversary ng isang kilalang kompanya kaya abala rin siya habang kakatapos lang ng birthday party na in-aarange ni Tasha.

"Oh pa'no? Una na ako ah," paalam ko sa aking mga katrabaho bago humakbang palabas ng opisina.

In-update ko ang kameeting na on the way na ako just to let them know that I am not backing out.I'm excited though.Another work for me to get busy.

Agad akong pumasok sa elevator nang nagbukas ito at pagkatapos ay sinabi sa operator kung saan ako.Pinindot ng operator ang Basement kung nasaan nakaparada ang aking Tucson.

Nang naramdaman ko ang pag-andar ng lift ay inabala ko naman ang aking sarili sa pagtingin ng aking repleksyon sa metal na elevator.Sa kintab nun ay kitang-kita ko ang aking sarili.Mukha naman akong presentable sa aking pink spaghetti strapped floral midriff na pinatungan ko ng plain white coat.Pinaresan ko ito ng black high waist skinny jeans at flat shoes.Bilang events organizer,marami akong ginagawa.I don't just sit and talk.I walk a lot and sometimes run.I go to a lot of places just so I could find great deals for my clients requests.Kaya mas gusto kong komportable ako sa suot ko.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon