Chapter 16(Budget)

2.5K 45 1
                                    

Chapter 16

Budget

"Hah…Hah…Ayoko na.Pahinga muna saglit.…Hah…hah." hinihingal kong sabi sa mga kalaro ko.

"Sige hah…hah…pahinga muna." Kisses agreed.Nagsiupuan muna kaming apat nila Rich at Eka.

P.E time namin.Badminton ang PE namin this sem kaya naman tuwang-tuwa kami nila Rich at Kisses maliban kay Eka.Hindi raw kasi talaga siya magaling magbadminton.Ayaw naman naming ma-out of place siya kaya pinipilit namin siyang sumali sa laro.We saw improvements on how she plays though and  it's good.

"Here." nilingon ko si Seth na may inaabot na bottled water sa akin.

"Thanks." I smilingly said.Pawis din siya sa pakikipaglaro kina Nohlan. Hindi ko alam pero automatic na pinunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko.Hindi ko pa naman iyon nagagamit kaya okay lang na ipunas ko sa kanya.He smiled at me and I also did.Dinukot niya rin ang panyo niya mula sa bulsa at ipinunas sa pawisan kong mukha.Lalo lang lumapad ang ngiti niya at ganun din ako.

"Pag-ibig na kaya,pareho ang nadarama,ito ba ang simula." mapanudyong kanta ni Eka sa may gilid namin. Tumikhim ako para mabawasan ang urge kong mapangiti pa ng todo.Ngumuso naman si Seth para pigilan din ang pagngiti.

"Whooh inggit ka lang eh." singit ni Edison sa pagkanta ni Eka.

"Whooh epal ka lang eh." sagot naman ni Eka.Nag-asaran pa sila.Parati naman.Immune na nga kami.

"Talikod ka." mahinang sambit ni Seth.Nagtaka naman ako. "Ilalagay ko ito sa likod mo." paliwanag niya habang winawagayway iyong bimpo na kinuha niya galing sa bag niya.Nagdalawang-isip pa ako kung tatalikod nga ako o kukunin ko nalang iyong bimpo at ako na maglalagay sa likod ko.Pero in the end,tumalikod na din ako.Naramdaman kong ipinasok niya ang kamay sa loob ng t-shirt ko.Now,this is awkward.Siguro nakaramdam din siya ng awkwardness dahil sobrang dahan-dahan niyang inilagay iyong bimpo sa likod ko at ingat na ingat siyang huwag dumikit iyong kamay niya sa balat ko.Nang matapos ay humarap ako sa kanya at nagpasalamat.

"May bimpo ka pa?Lagyan natin likod mo." sabi ko sa kanya.

"Okay lang ba?" alangan niyang tanong.

"Siyempre naman." nakangiti kong sabi.

"Ang daming langgam dito." sigaw ni Eka.Ngumiti nalang ako dahil obvious naman na kami ang pinariringgan niya.

.

.

.

.

.

"Okay lang.Ako na." ani ko.

"Hindi na nga.Ako na." pilit ni Seth.

"Thanks but no thanks." sabi ko.

"Ito na,nailabas ko na." pilit niya pa rin.

"Ayoko nga.KKB." tanggi ko at pilit ibinibigay sa konduktor iyong pamasahe ko.Pinipilit niya kasi na siya na ang magbabayad ng pamasahe naming dalawa.

"Nakakainsulto naman.Boyfriend mo ako,kaya dapat ako ang gumagastos sayo." sabi niya pa at pilit na sinasangga ang kamay ko para hindi ko maibigay sa konduktor iyong bayad.

"May trabaho ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa." takang sagot niya.

"Then,ibig sabihin,iyang perang hawak mo ay hindi sayo.Sa magulang mo yan.Pinagtrabahuan nila yan para maibigay sayo.Now the question is,kailan pa ako nasama sa budget ng nanay mo?"sabi ko sa kanya.Hindi niya alam ang isasagot sa akin kaya naman tumawa nalang siya at ginamit ko iyong time na iyon para iabot kay manong konduktor iyong pamasahe ko.Ayoko lang na ginagastusan ako ng ibang tao.Well,technically,hindi siya ibang tao dahil boyfriend ko siya.Pero ayoko namang inuubos niya iyong perang bigay ng magulang niya sa akin.Binibigyan din naman ako ng magulang ko ng pera kaya may maipangggagastos din ako sa sarili ko.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon