Chapter 35
GM
Nakakaasar ka alam mo ba yun...galit ka pala sa akin eh..eh bakit mo pa rin ako pinapansin...di na kita maintindihan..di ka naman ganyan dati ahhh...pwede mo naman akong kausapin kung may problema ka sa akin ah..pero di mo ginagawa...paano ko malalaman na may ginawa akong mali kung di mo sasabihin sakin...gustong-gusto kitang murahin pero di ko magawa...hindi ko alam kung bakit..pero nasasaktan ako sa kinikilos mo...parang ang layo mo na..alam mo ba kung bakit ako naglasing huh???DAHIL SAYO...dito ko nalang sinasabi lahat ng 'to kasi baka masaktan lang ako ulit sa magiging reaksyon mo pag sinabi ko personally...DI KO ALAM..DI KO MAINTINDIHAN..BASTA NASASAKTAN NA AKO..NAHIHIRAPAN NA AKO..DI KO NA ALAM GAGAWIN KO...KUNG MATALINO AKO BAKIT AKO TANGA???DI NA AKO MAKAPAGCONCENTRATE SA SCHOOL...IIYAK NALANG BA AKO PARATI!!!????SHIIITTT!!!MAHAL PA RIN KITA..NAHIHIRAPAN NA AKO...AYOKO NG GANITO...
SORRY KUNG MAY NAGAWA AKO....
I've been staring at the message I've sent Seth for nearly twenty minutes until I decided to log out of my Facebook account.
Paulit-ulit ko iyong binasa.Sa mga nabasa niya ay wala man lang ba siyang masasabi? Nagbakasakali akong may mag-pop up na message mula sa kanya.Ngunit wala.And that made me feel rejected.
Ini-off ko na rin ang aking laptop at napili na lang na humiga sa kama.Napabuntong-hininga ako nang maramdaman na naman ang kalungkutan.Kung paano ko nalaman na galit siya ay dahil naalala kong sinabi niya noong nakaraang gabi na nagalit siya dahil nga pakiramdam niya ay pinaglihiman ko siya which was related to the surprise birthday celebration we planned.
But it's done.Hindi naman ako nagsikreto to imperil him.I did it to surprise him as my way of showing how important he is to me.Kung hindi niya naintindihan o ayaw niyang intindihin ay di ko na alam.Akala ko ay maappreciate niya,iyon pala ay ikagagalit niya pa.
Ang nakakainis pa,andame kong iniisip ngunit ni isa sa mga iyon ay wala akong masabi sa kanya.Kasi di ko pa nga nakikita ay nasasaktan na ako sa kung anuman ang magiging reaksyon niya.Nakastrike 2 na kaya ako.Baka di ko na mapigilan ang mapaiyak kapag nagstrike 3 pa.Nang mga sumunod na araw ay wala pa ring nagbago.Mahal ko pa rin siya.Sometimes,he's still the touchy Seth I love.Andyang umaakbay siya sa akin,humahawak sa bewang ko at parati pa ring nasa aking tabi.Those acts made me feel as if he still love me.At naiinis ako dahil sa tuwing hindi siya pumapasok,namimiss ko ang mga simpleng gestures niya.Hinahanap ko ang mga 'yon.
There were moments at night when I would wake up and have this urge of texting him.Gusto kong sabihin sa kanya na namimiss ko siya.And that instead of falling out of it,I'm feeling the opposite.I could sense my feelings are growing stronger towards him.
"Grabe! Two days nang di pumapasok si Seth ah," puna ni Edison habang nagpapractice kami ng sayaw para sa final presentation namin para sa isang minor subject namin.Dahil tapos na ang written examination namin,practical naman ang aming pinaghahandaan.Kaya siguro di na pumapasok si Seth ay dahil wala na naman masyadong lectures dahil nga patapos na ang sem, pero, sana ay hindi ganoon ang kanyang iniisip dahil may practical pa kami.Grade din 'yon.
Ang masaklap lang,hindi nga siya pumapasok ngunit nakikita naman namin through FB kung ano ang mga pinaggagawa niya.Every night din siya kung magGM.Okay na sana kung ganun lang kaso sa tuwing nakikita ko ang mga pictures na pinopost niya at nababasa ang mga GM's niya,hindi ko maiwasang masaktan.He really has a great way to break my heart in million pieces.
Thanks for the time guys! I enjoyed it.
Drew: See you tomorrow,man.
Clare: Iyong sinabi ko ah.
Scarlette: Thank you.You made me happy.Kakarating ko lang pero miss na kita agad.❤Agad kong sinarado ang aking phone.Di na ako nadala.Ilang beses ko na bang nabasa ang mga GM niyang panay ganoon lang naman ang laman? Lalo na iyong dulo.Siguro nga ay nagiging tanga na ako sa pagiging inlove sa kanya pero di pa ako manhid.Alam kong may mga nangyayaring sigurado akong di ko gustong malaman.That Scarlette girl.Hindi ko pa siya nakikita ngunit alam kong isa siya sa dahilan kung bakit lumalayo na si Seth sa akin.And it hurts me more because he's letting me witness him drifting away from me.Sana kinausap niya muna ako bago ko mabasa sa FB at GM niya ang mga ganoong bagay.Naging discreet man lang sana siya.
Pero sino nga ba ako? We're no longer in a relationship and what he does and will be doing is out of my business.Hindi niya kailangan ang opinyon ko much more my permission.I am nobody to him.
Yet that fact doesn't help me in suppressingnmy feelings.Hindi pa rin maintindihan ng tanga kong puso na hindi na kami at dapat ay wala na akong pakialam sa kanya.Dapat ay hindi na ako masaktan because in the first place,ako ang nakipagbreak.I dumped him and that earned me no right to feel hurt and act as if I'm the victim.
"Ayos ka lang?," tanong ni Rich sa akin na tiyak kong nabasa na din ang GM ni Seth.Nakita kong kakababa niya lang ng kanyang cellphone.Ngumiti ako sa kanya bilang tugon.
"Nabasa mo?," tanong ni Eka sa akin.Tumango ako.
"Sino naman kaya 'yung Scarlette?," curious na tanong ni Gellie.
"Ewan," ismid ni Rich.
Hindi na ako kumibo.Tama na muna ang kumikirot kong puso.Ayoko nang pati ang utak ko ay kumirot dahil sa kakaisip.Isa pa,hindi lang dapat si Seth ang pinoproblema ko.Kanina pa tawa nang tawag si mommy.Hindi ko sinasagot dahil alam kong papagalitan lang ako.Di bale nang pagalitan ako pagkauwi,ang importante makapagpractice ako.Kung di ko kayang isalba ang wasak kong puso siguro naman ay may magagawa pa ako para maisalba ang pababa nang pababa kong grades.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.