Chapter 65
This Is Madness
Tulala lang ako habang nakatayo sa harapan ng nakasaradong pinto ng Audio Visual Room.Fighting my tears not to fall.As I continue blaming myself.If only I have perfected the presentation,maiaangat ko pa sa range ng atleast 90 ang grade namin.And since I failed to do so,at unfinished ang diorama namin,hindi na ako aasa sa mataas na grado.
"Drop out na lang tayo," pagbibiro ni Seth na tinawanan nilang lahat.Nakita ko pang sinuntok-suntok ni Rich si Seth sa braso habang tumatawa na sinalag-salag naman ni Seth gamit ang kamay. They're very close.
Tila ba lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking ulo. "Hindi nakakatawa.Masaya kayo,bagsak tayo?", I chided.
Tumahimik silang lahat."Nagalit na," Saida whispered.
"Sabi niya pupunta siya ng maaga,hindi naman nga pumunta," Seth murmured and I stopped myself from reacting.
Lalo lang akong nainis.Sisihin ba ako? Samantalang siya nga 'yong hindi rin dumating sa oras.Atleast ako nagtext.Siya hindi.
Naramdaman ko ang pagbuo ng bikig sa aking lalamunan kasabay ng panginginit ng gilid ng aking mata. "Uuwi na ba kayo?," I managed to ask them despite of my aching throat.
"Mall," sagot ni Gellie at Ehm and they both smiled at me.Mabuti pa 'tong dalawang 'to,ngumingiti sa akin.
Hindi ko na kayang pigilan ang aking luha.Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil nagsimula na itong manginig dahil sa hikbing gustong kumawala.
"Sige,una na kayo.Susunod na lang ako,may pupuntahan lang ako saglit," I said collecting my stuff and left them as I head to the comfort room.
Hindi ko na kinaya.Pumatak na ang luha ko kasabay ng impit kong hikbi.Alam kong nasa likuran ko pa sila kaya binilisan ko ang aking hakbang bago pa nila mahalata na umiiyak ako.
Nagulat pa 'yong batchmate ko mula sa ibang section ng HRM nang nakasalubong niya akong umiiyak.I pressed my point finger between my lips to tell her not to say anything to someone.She nodded and I gave her a smile amidst my tears.
Pagkapasok ko sa banyo ay itinodo ko na ang pag-iyak.Umupo ako sa toilet bowl at isinubsob ang aking mukha sa aking palad.I don't know.There's too much weight.I admit,this isn't just about the unfinished diorama,the miscalculated capital,and the failed mark.This has something to do with Seth as well.Naiinis ako dahil hindi ko na maihiwalay ang personal kong problema sa mga problema ko sa eskwela.And I feel guilty towards being jealous with Rich and Seth's closeness.Something I should not think about dahil alam kong wala naman akong dapat ipagselos kay Rich.She has a boyfriend whom she loves very much.Pero di ko mapigilan ang magselos.This is madness!
I was crying my heart out when someone opened the door of my cubicle.Too late to wipe my tears.My sob stopped for a moment but the tears kept on falling.
Hindi ko pala nailock.Great!
"Sabi na eh," nag-aalalang turan ni Rich.Hindi ako sumagot bagkus nagpatuloy ako sa pag-iyak. "Uy! Tahan na," pang-aalo niya sa akin habang tumalungko sa aking harapan.
"Okay lang 'yan,Rhum.May second chance pa naman tayo eh.Tsaka isipin mo na lang,hindi lang tayo ang bumagsak," if we were under normal circumstances,for sure,tumatawa na ako sa point of view niya.She caressed my back and wipe my tears as well.Habang tinitignan ko ang kanyang concern na hitsura ay lalo akong tinablan ng guilt.
"Sorry ah," I told her.
"Naku! Lahat naman tayo may iniambag doon dahilan para 'di tayo pumasa," she smilingly answered.
"Hindi 'yon," I said.She looked confused. "P-Pinagselosan kasi k-kita," I truthfully stated despite my stutter.
"Ha? Ano? Bakit?," gulong-gulo na ang kanyang ekspresyon kaya ipinaalala ko sa kanya 'yong eksena sa kotse ni Seth.
Nang matapos ko iyong ipapaalala sa kanya ay ngumuso siya at tila ba bigla nalang nalungkot. "Wala ka bang tiwala sa akin?," she asked.
"Hey,that's not what I mean," I muttered. "May tiwala ako sa'yo.Pero kasi," I stopped as my sob started again. "H-Hindi ko mapigilan ang magselos," I cried.
"Tapos nakakainis pa si Seth.Hindi niya ako kinakausap," I wept.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.I had this feeling na kailangan kong ilabas lahat.Habang umiiyak ay narealize ko ring ang daming naipon sa aking dibdib.Nagpaflashback sa akin lahat ng masasakit na alaala these past few days.And I'm no longer shocked to know that Seth has the largest contribution of it all.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Rich sa aking buhok.Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya na tila ba mayroon siyang naiisip. "Bakit?," I queried.
"Naisip ko lang," she smiled. "Inlove nga ang bestfriend ko," tila ba kinikilig niyang turan at tinitigan ko lang siya na para bang tinubuan siya ng dalawang ulo. "Sa tingin ko...hindi naman talaga 'yong pagbagsak natin sa defense ang iniiyakan mo," she stated and I furrowed.
"I mean,may dinaramdam ka na talaga,at iyong pagkabagsak natin ang nagtrigger kung bakit ka umiiyak ngayon," she explained. "At sa tingin ko,it's about Seth," she continued which I silently agreed on. "Nagalit ka sa kanya kahapon,at hindi ka niya pinatulan.Nakisakay tayo sa kotse niya at nagselos ka kasi,sabi mo nga,nagmukha kang third wheel.Tapos ngayon,masama ang pakiramdam mo,hindi tayo pumasa pero hindi ka man lang tinanong ni Seth kung okay ka," she stopped for a minute as if thinking about something and I looked intently at her. "Nasasaktan ka ngayon."
Yumuko ako at muling tumulo ang aking luha. "S-Siguro.H-Hindi ko na alam," I answered sobbing.
"Okay lang 'yan.Tayong dalawa lang ang makakaalam ng usapang 'to.Kasama ng lavatory at inidoro.Kaya pwede mong sabihin kung ano ang nararamdaman mo," she said.
I just kept on sobbing while she continued. "Nasasaktan ka kasi ang totoo,gusto mo icomfort ka ni Seth.Galit ka kahapon,hindi mo nagustuhan ang ginawa niyang pandededma sa'yo,kaya mas lalo kang nagalit kasi ang gusto mo lumapit siya sa'yo at magsorry at amuhin ka.Nagselos ka kahapon dahil ang totoo,gusto mo ikaw 'yong nakaupo sa tabi niya at kayo 'yong nagkukwentuhan at nagtatawanan.At nasasaktan ka ngayon dahil you feel so ill and tired today,plus the failed defense and you want Seth to be beside you.Comforting you.Telling you it's okay.Giving you the security.Reminding you that he still love you," iyak lang ako ng iyak sa lahat ng sinabi ng aking kaibigan.
Everything she said, dawned on me.Deep down inside,'yon talaga ang gusto ko.Bawat salita na binitawan ni Rich ay tila ba dart na nakadirektang tumama sa aking puso.She was right.Very right.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.