Chapter 57
Date
"Sama ka na please," sumamo ko kay Rich habang papatapos na ang klase namin sa last period.
"H-Hindi na,kayo na lang," tanggi niya sa akin.Hindi ko napigilan ang mapanguso dahil sa sagot niya.
Katatapos lang ng midterms namin at matagal nang isinet ni Seth ang lakad namin.Mayroon daw siyang bibilhin sa Alabang at magpapasama siya sa akin.Wala naman iyong problema sa akin.Saying yes to him connotes more time to spend with him.Pero hindi ko inexpect na kaming dalawa lang ang pupunta.Ang buong akala ko ay kasama ang mga kaibigan namin.Hindi pala.
At kinakabahan ako.Alam kong magiging awkward 'yon para sa akin.Kahit noong kami pa ni Seth,hindi kami nagkaroon ng tsansang mapag-isa.Sa bawat lakad ay parati naming kasama ang buong barkada.Kaya di ko maiwasang magcram dahil hindi ko talaga alam ang iaakto kapag kami na lang ni Seth.
Yet I didn't give up.Kinumbinsi ko pa rin si Rich.Ngunit di ako nagtagumpay.Nagpalipat-lipat na ako sa mga kaibigan ko.Kinumbinsi ko silang lahat para sumama pero pawang pagtanggi lang ang natanggap kong sagot mula sa kanila.
"Bakit ba ayaw ninyong sumama?," naiiyak kong tanong kay James.Siya na lang ang huli kong pag-asa.Kapag di pa siya pumayag ay patiwakal na 'to.
"Sila na lang isama mo.May gagawin kasi ako,Rhum," he refused as he took out a cheese cake from his bag.Tapos na ang klase namin at nagbanyo lang saglit si Seth.Pagkabalik niya ay aalis na kami at hindi ko na alam ang gagawin ko.Gusto ko nang maglupasay sa sahig dahil sobra na akong kinakabahan.Pakiramdam ko nga ay tumakbo na ang puso ko mula sa aking katawan.
Sa kaba ay inagaw ko ang cheese cake ni James at binuksan ang wrapper nun.Isinubo ko ang kalahati nito nang buo dahil sa sobrang nerbiyos.Tinignan ko ang wrapper ng cheese cake para icheck kung anong brand nun at pagkatapos ay inilapat ang tingin kay James na tila ba nagulat sa pag-agaw ko n'yong pagkain niya. "Masarap," sabi ko.
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi ni James hanggang sa naging tawa 'to.Kinurot niya ako sa pisngi. "Marami ka bang ganito?," tanong ko.
"Isa lang dinala ko eh.Bukas,dalhan kita," he promised.
"Sige,bukas," sagot ko pagkatapos ay sinubo pa ang natitira nitong kalahati.Pero bad timing dahil nakita ko rin ang pagpasok ni Seth sa classroom at isa lang ang ibig sabihin nun.
"Oy! Oy! T-Teka,oh ito tubig," nataranta si James sa pag-abot ng tubig sa akin.Sa todo kasi ng level ng nerbiyos ko ay nabilaukan ako.Agad kong tinungga ang bote ng tubig na binigay ni James sa akin.
Habang umiinom ako ay naramdaman ko ang paglapit ni Seth sa akin sabay haplos niya sa aking likod.Very wrong! Lumala lang 'yong nerbiyos ko.Ang ending,lumusot sa ilong ko 'yong tubig.
"Nalunod na," tumatawang komento ni Saida nang makitang namumula na ang mukha ko dahil sa aking sinapit.Napakabuting kaibigan,di ba?
At that moment,I so badly wanted myself to be swallowed by earth.Para wala na akong problemahin.Pero dahil imposible,I have to face this.I don't have the heart to tell Seth that I couldn't go with him alone.Para ko na rin siyang ininsulto.
Pero natanong ko rin ang aking sarili.Gusto ko bang makasama si Seth? Siyempre,oo.Feeling ko ay hindi naman ako takot sa kanya.Sabi nga,may dalawang pagpipiliang dahilan kung bakit ninenerbiyos ang isang tao.If it's not fear,it's excitement.Iyon ang parating sinasabi sa akin ng pinsan kong si Haven dati.
"Tara na," napalingon ako kay Seth nang nagsalita siya.Humupa na rin ang pananakit ng bahagi ng aking ilong dahil sa tubig na lumabas mula roon.
"T-Tara," utal kong sagot.Nauna na akong humakbang palabas ng classroom kasabay ng mga girls habang nasa likuran naman namin ang mga boys na kasabay ni Seth.
"Ano kayang mangyayari?," Saida excitedly anticipated.
"Saan?," clueless naman na tanong ni Eka.
"Ano ba 'yan?," bayolenteng reaksyon nila Gellie,Kisses,Saida at Rich.
"Iyong totoo? Nasa Earth ka pa ba?," natatawang tanong ni Gellie kay Eka.
"Hayaan mo na.May pinagdadaanan eh," sagot naman ni Kisses.Agad akong napalingon kay Kisses pagkatapos kay Eka.Hindi ko alam kung biro lang ba 'yon o may laman na.But I was not able to probe when Saida responded.
"May date nga kasi sila Rhum tsaka Seth," kinikilig na turan ni Saida.
"Ah!," walang buhay na tugon ni Eka bago bumaling sa akin. "Enjoy kayo," matipid niyang ngiti sa akin.
"Una na ako sa inyo ah,may jeep na eh," nilingon ko si Rich na nagmamadaling sumakay ng jeep at hindi na kami hinintay.Unti-unti rin kaming nabawasan hanggang sina Saida at Nohlan na lang ang kasama namin ni Seth.
"Kwento mo bukas ah," kumikindat na bulong pa ni Saida sa akin bago sila umalis sa harapan namin ni Seth.
Nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang magnobyo ay agad akong inatake ng kaba.Ramdam ko rin ang awkwardness sa paligid.Or maybe it's just me? Palihim kong sinulyapan si Seth at nakitang parang di naman siya apektado tulad ko.Parang normal lang naman sa kanya.Unfair.Kasi ako,para nang nang nagbungee jumping ang puso ko sa sobrang kalabog nito.Bahagya pa akong nagulat nang hinawakan ni Seth ang aking kamay at hinila ako pasakay ng jeep.
Pagkarating namin sa Alabang ay agad kaming pumasok sa isang ml doon. "Bakit kailangan dito pa? Bakit hindi na lang doon sa mall sa Las Piñas?," tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako at hinawakan muli ang aking kamay para sabay kaming maglakad sa gitna ng mall. "Para maiba," ngisi niya.
Pumasok kami sa isang sikat na beand ng clothing line at doon namili siya ng bibilhing damit.Wala naman siyang ginagawa sa akin ngunit di ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi dahil feeling ko ay girlfriend niya ako.Sa tuwing nakakapili siya ng damit ay tinatanong niya ako kung okay ba 'yon.Kinukunsidera niya ang mga opinyon ko at sapat na 'yon para maiparating niya sa akin na importante ako para sa kanya.
Di tulad ng mga babae,mabilis lang ang mga lalaking pumili ng gamit kaya naman mabilis lang kami doon.Nag-ikot muna kami sa kabuuan ng mall.Inaya niya pa akong manood ng sine.Gusto kong tumanggi.Parang hindi 'yon isang magandang ideya.And it's hard for me.I was torn between refusing and agreeing.Mabuti na lang ay hindi niya gusto ang mga showing kaya di na kami tumuloy.
Magkahawak kamay pa rin kaming pumasok sa food chain para kumain.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may tumawag sa kanya.
"Hello.Mommy,bakit po?," huminto siya sa pagsasalita para pakinggan ang sinasabi ng kanyang mommy habang ako naman ay nakaabang lang din sa kanya. "Saan po? Sa Home depot?," tanong niya sa kausap sa kabilang linya.Marahil ay napansin niya akong nakatingin sa kanya kaya napasulyap siya sa akin. "Mommy,hindi po ako pwede.May aasikasuhin pa po ako," sa pagkakasabi niya ay nahinuha kong pinapapunta siya ng kanyang mommy sa isang lugar. "Okay po.Bye,mommy." Pagkababa ng phone ay nakangiti siyang bumaling sa akin.
"Si mommy.Nasa home depot daw siya.Pinapapunta ako," pagkukwento niya sa akin tungkol sa naging dahilan ng pagtawag ng mommy niya sa kanya.
"Bakit di ka pumunta?," tanong ko.
"Pwede rin.Basta kasama ka," ngisi niya sa akin at tila umurong ang aking dila dahil doon.
Naghagilap ako ng maisasagot.Unang-una kasi,hindi ko pa namimeet ang magulang niya.Pangalawa,hindi ako prepared.At pangatlo,what for? May rason ba para ipakilala niya ako? To assume too much is harmful.
Mabuti na lang tumunog ang aking cellphone kaya nagkaroon ako ng dahilan para huwag sagutin ang kanyang tanong. Agad kong sinagot ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang caller.
"Rhum," lalo lang umurong ang aking dila nang boses ni mommy ang narinig ko.Awtomatiko akong napatingin kay Seth.Ang paalam ko kasi ay may school activity kami kaya agad akong tinablan ng guilt.
"M-Mommy," I answered in a very low voice.
"Umuwi ka na.Mag-uusap tayo."
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.