Chapter 30
Birthday
Tunay ngang we can never tell what happens next.Tulad ngayon,hindi ko na maintindihan si Seth.Okay naman kami n'ung Valentine's Day.Naalala ko pang isinukbit niya pa iyong Free Hug na tag na ginawa ni Kisses pagkatapos ay niyakap ako nang pagkahigpit.
After that day ay balik kami sa pagiging sweet.I don't want to put a label on what we have as long as I'm happy with him.
"Kayo na ba ulit ni Seth?," minsang tanong ni Kisses sa akin habang kumakain kami sa school canteen.Umiling ako bilang sagot.
"Bakit?," tanong ko.
"Wala naman.Nakikita ko lang kasi kayong naghoholding hands," aniya na nagpangiti sa akin.
"MU?," singit naman ni Eka.
"Ewan ko.Di ko rin alam eh," natatawa kong sagot.
"MU malamang," ani Rich.
Bukod sa paghoholding hands namin ay talaga naming magpacouple shirt pa kami.Naisipan kasi ng buong barkada na magpagawa ng group shirt.Ang design ay nakadepende sa kung anong gusto naming tagline pagkatapos ay may numero at pangalang nakalagay sa pinakababang likod niyon.
Dahil 18 ang petsa ng naunsyami naming sana'y pangmonthsary at anniversary,iyon ang pinili naming ipalagay ni Seth sa t-shirt naming dalawa.Pinagcombine pa namin ang aming pangalan para mabuo ang SeRhum at iyon ang ginamit naming pangalan.
Nang ilang araw na lang bago ang kanyang birthday ay lihim kong kinausap ang mga kaibigan namin tungkol sa surprise na gagawin namin.Feeling ko ay girlfriend niya ako kahit ang totoo naman ay hindi.
"Ang pinakaayaw ko sa lahat,iyong nagtatago ng sikreto sa akin," parinig niya.
Hindi ako kumibo.Alam ko namang ako ang pinariringgan niya.Nadulas kasi si Gellie tungkol sa plano naming secret meeting.Napalakas ang boses niya habang tinatanong kung saan kami magmimeeting.Narinig iyon ni Seth.Ginusto niyang sumama ngunit humindi ako.
Mula nang araw na iyon ay para bang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin.Halatang nagtatampo siya ngunit pilit niyang itinatago.
Hindi ko siya maintindihan.Kung nagtatampo siya ay pwede niya namang sabihin sa akin.Pwede naman naming pag-usapan.
Oo nga pala,wala naman pala kaming relasyon kaya wala kaming dapat pag-usapan.
Ganunpaman,ipinagpatuloy pa rin namin ang aming sorpresa para sa kanyang birthday.
Dumating ang araw ng kanyang birthday.Kinuntsaba namin si Nohlan na magpanggap na problemado dahil nagkaroon sila ng pag-aaway ni Saida.Kasama sa plano namin ang hindi siya batiin.Kunwari ay walang nakakaalala ng kanyang birthday. Balak namin ay pagkatapos pa iyon ng klase ngunit mukhang nakikiayon ang tadhana sa amin dahil hindi pumasok ang professor namin.
Inaya ni Nohlan si Seth na umuwi sa kanila para makipag-usap at makipag-inom.And Seth,being the good and supportive friend he is,ay agad namang pumayag.Kasama nila si James at Edison para may contact person kami.
"Sama ka," aya ni Seth sa akin na sumama sa bahay nila.Ngumuso ako at nagkunwaring malungkot.
"Dito na lang ako,baka kasi dumating prof natin eh," katwiran ko.Marahan siyang tumango at ganun na lang ang pagpipigil kong kurutin siya sa pisngi nang makitang nalungkot siya ngunit hindi niya pinahalata.Naghintay kaming mga girls ng 20 minutes bago sumunod sa kanila.
Ang usapan ay paaakyatin muna ni Nohlan si Seth sa kwarto para doon sila mag-usap kunwari habang nagpiprepare kaming mga girls.Kapag ayos na ang lahat ay aakyat si Edison para kunwari ay aayain silang mag-inuman.
Halos matawa kaming mga girls sa pagnininja moves namin.Ang hirap lang kasi kailangan naming bilisan ang mga kilos namin nang di gumagawa ng kahit ano mang ingay.
Nang naging okay na ang lahat ay nagtago kaming mga girls sa banyo nila.Laking pasasalamat namin at malaki ang banyo ng bahay nila Seth dahil nagkasya kaming anim na mga babae doon.
"Huwag kayong maingay," saway ni Saida sa naghahagikhikang si Gellie at Eka.
"Para na kasi tayong sardinas dito," natatawang turan ni Eka.
"Ang init 'langya," reklamo pa ni Gellie.Nagkatinginan kami sa isa't isa at ganun nalang ang pagpipigil naming anim na matawa dahil sa mga pawisan naming mukha.
"Ang tagal naman nila," reklamo ni Rich.Sa labas ng pinto ng banyo ay nakatayo si James.Kakatok siya bilabg hudyat na pwede na kaming lumabas.
Ilang minuto pa ang aming hinintay bago namin narinig ang pagkatok ni James.Agad ay inilabas ni Saida ang lighter para sindihan ang kandilang nakatirik sa cake na pinag-ambagan naming bilhin.
"One,two,three," sabay-sabay ang ginawa naming pagbilang pagkatapos ay nagsilabasan na kami.
Pinaputok ni Saida ang hawak niyang confetti habang naghiyawan naman ang iba.Gulat ang rumehistro sa mukha ni Seth nang makita kami.
Natawa siya habang kumakanta kami ng happy birthday.Matapos abg kanta ay agad niyang inihipan ang kandila at nagpasalamat sa aming lahat.Mukhang hindi pa rin siya nakakarecover sa sorpresang ginawa namin.
"Sabi ko na nga ba eh,parang may mangyayari," nangingiti niyang turan. "Salamat," dugtong niya.
Inilapag ko ang cake sa counter ng mini bar nila at saka dumukor ng panyo sa aking bulsa para punasan ang pawisan kong mukha.
"Wala man lang kiss," hiyaw ni Edison. "Napagod eh,wala man lang kiss d'yan," batid kong kami ang pinariringgan niya. Tinignan ko siya at tahimik kong sinabi ang ang salitang baliw.
Napatingin ako kay Seth at mas lalo lang akong nakaramdam ng alinsangan nang maabutang nakatingin pala siya sa akin.Agad siyang nagbawi ng tingin at ganun din ang ginawa ko.
Kagaya ng ginagawa namin sa tuwing nagpupunta sa bahay nila Seth,nagmovie marathon kami.As usual,iyong nakakatakot na namang palabas ang napili ng lahat.
Nang matapos ang palabas ay naisipan naman ng lahat na mag-inuman.Mga boys lang talaga ang tumagay samantalang nakikipagkwentuhan lang kaming mga babae hanggang sa nagsalita si Seth.
"Total guys,birthday ko naman.Sige,hahayaan ko kayong tanungin ako kahit ano.Sasagutin ko lahat," hamon niya na nagpahiyaw sa mga boys.
Nagsimula na silang magsipagtanong na ang ending naman ay panay pagtawa lang namin.Pati ako ay nakikitawa sa mga kalokohang sagot ni Seth nang napagawi ang tingin ko kay Edison na nakangising nakatingin sa akin.
Kinunutan ko siya ng aking noo ngunit lalo lang siyang ngumisi.Bumaling siya kay Seth. "Ako may tanong," nakangisi niyang turan.Lahat ng atensyon ay nasa kanya na.
Hindi ko maiwasang kabahan nang tumingin ulit siya sa akin. "Mahal mo pa ba?," ngisi niya kay Seth.
"Sino?," patay-malisyang tanong ni Seth.
"Sino pa ba?," tugon naman ni Edison as if iyon yung pinaka-obvious na bagay.
"Si Rhum?," diretsang tanong ni Seth na nagpapula ng aking mga pisngi lalo na nang nagsipulan ang iba naming kaibigan.Tumingin saglit si Seth sa akin sabay balik ng tingin sa kanila. "Oo naman," sagot niya na nagpawala sa mga kaibigan namin.
"Kinikilig ako," hiyaw ni Edison dahilan para matawa kaming lahat.
Shocks! Kinikilig din ako.
"Ako din may tanong," napalingon ako kay Rich nang bigla siyang nagsalita.Sinulyapan niya muna ako at alam ko na ang ibig sabihin nun.Related na naman sa amin ang tanong niya for sure.
"Actually,tanong talaga 'to ni Rhum,dati pa.Itatanong ko lang sa'yo since di niya kayang gawin," panimula pa ni Rich na lalong nagpainit ng aking mukha.
Alam ko kung anong itatanong niya at hindi pa nga ay nahihiya na ako.Sinubukan ko siyang pigilan ngunit hindi niya ako pinakinggan.
"Tanong niya dati,marami naman daw na magaganda sa school.Iyong iba nga,may gusto pa sa'yo.Eh bakit daw siya ang nagustuhan mo?," diretsong tanungin ni Rich.
Sumipol ang mga boys habang mataman naman na nag-isip si Seth. "Hindi ko rin alam eh.Ano bang maggagawa ko? Siya ang tinitibok nito," sagot niya na nagpakilig sa akin nang sobra.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.