Chapter 29(Panalo)

1.8K 48 0
                                    

Chapter 29

Panalo

"Para 'yan sa'yo."

Naestatwa ako dahil sa sinabi niya.Hindi ko alam kung anong isasagot ko.I should thank him but I was too caught off guard.Hindi ko lang inexpect.

Kinilig ako.Gusto kong ngumiti.Pero mahahalata niyang kinikilig ako.

"Aga ninyo ah," hay salamat. Si Saida ang nagsalita.Laking tuwa ko nang dumating sina Nohlan at Saida.Atleast hindi ko na kinailangang magbigay ng reaction.

Naglakad palapit sa amin si Saida at nakapameywang na huminto sa aming harapan.Tumingin siya sa akin,kay Seth at doon sa box ng doughnut.Pagkatapos nun ay ngumiti siya nang napakalawak at tumingin ulit sa amin ni Seth.

"Date?," kinikilig niyang tanong.

"Hala! Hindi ah," tanggi ko.Totoo naman.Di naman talaga kami nagdate.

"Si Rhum? Ididate ko? Huwag na oy," sagot naman ni Seth. " Magastos masyado," dugtong niya.

"Excuse me.Never pa akong nagpalibre sa'yo.Alam mo yan," I countered.

"Di ko na maalala," aniya sa nagbibirong tono.

"Asus," singit naman ni Saida. "Deny pa," dagdag niya habang tumatawa.

"Magbalikan na nga lang kayong dalawa," sabay kaming napalingon nang nagsalita si Nohlan.Hindi namin napansing nakaupo na pala siya sa likuran namin.

Seth laughed. "Strict ang parents ko eh," aniya na nagpatawa din kay Nohlan at kay Saida na nakaupo na rin sa tabi ni Nohlan.

"Eh si Rhum,strict din ba ang parents?," pabirong tanong ni Nohlan.Which,we all know,if asked seriously,the answer would be yes.

"Hindi," pabiro ko ding sagot. "Pero busog ako," dagdag ko.

"Busy din ako," di nagpatalo si Seth.

"Busy saan?," tumatawang tanong ni Saida.

Hindi sumagot si Seth bagkus tumawa din siya habang nakatingin sa nakangising si Nohlan.

"Sa pambababae,saan pa ba?," sagot ni Nohlan in behalf of Seth at naghigh five pa silang dalawa.

"Rhum oh," sumbong naman kunwari ni Saida sa akin.

I'm not affected.Alam ko namang biruan lang nila iyon.Ganoon naman talaga sila Seth kasama pa ang iba naming mga kaibigang lalaki.They talked a lot about beautiful and sexy girls.They even shared with each other how they fantasize with those kind of girls.Pero,hanggang doon lang sila.Pinagpapantasyahan lang nila ang mga babaeng pinag-uusapan nila but they never made a move to be with them.Nohlan was very loyal to Saida.Edison seemed to be courting someone and James was focusing on his studies.And Seth,he's into me.I might sound conceited but he made me feel like it.

Hindi man niya sinasabing mahal niya pa rin ako ay nararamdaman ko naman iyon.Kaya alam kong kahit hindi kami,kahit wala na akong karapatan sa kanya ay sigurado akong sa akin lang siya.At hindi siya naghahanap ng ibang babae.

"I don't care," pabiro ko ding sagot at inilabas na ang aking reviewer para magreview.

"Talaga lang ah," nangingiti niyang sabi.

"Oo naman," ngisi ko and looked at him.Tinignan niya ako nang matalim at umiling.Now,I'm not sure if that was still a part of their joke or not anymore.

Panandaliang natahimik kaming apat kaya naman nagpasya nalang ako na pagkaabalahan ang pagsscan ng reviewer na ginawa ko.Though I was slightly distracted with Seth beside me.Tumayo si Seth para iikot ang upuan niya paharap kina Nohlan at Saida.Mukhang wala silang planong magreview dahil nagsimula na naman sila sa pagkukwentuhan.

"Nakita ko nga pala si Betty Boop kanina," narinig kong bulong ni Nohlan kay Seth.Mga babae na naman ang topic. "Parang pinasikipan niya iyong blouse ng uniform niya.Kasi,yung headlights niya,man," huminto siya sa pagsasalita dahilan para macurious ako sa gusto niyang sabihin.Nilingon ko siya at nahagip ng paningin ko kung gaano kainteresado sa pakikinig si Seth habang si Nohlan naman ay nakatapat pa ang dalawang kamay sa magkabilang dibdib na para bang sinusukat ang mga ito.

"Bakat?," parang kinikilig pa na hula ni Seth.Ngumisi si Nohlan at nagthumbs up pa kay Seth tanda na tama ang hinala ng huli.Sabay pa silang tumawa at nag-apir.

"Baka naman tumaba lang," singit ni Saida.

"Oo nga," huli na para mapigilan ko ang aking sariling magsalita.Nilingon nila akong tatlo at sabay na nagtinginan sa isa't-isa at nagngisihan.

"Akala ko ba 'I don't care' huh?," pang-asar ni Seth sa akin na sinang-ayunan naman ng dalawang magkasintahan.

"So?," pagtataray ko.He didn't answer but a smile formed in his lips.

Kinunutan ko siya ng noo at ibinalik na ang aking atensyon sa aking reviewer.

"Sa tingin mo,p're,kanino ang mas malaki?," halakhak ni Nohlan.

Hindi ko na sila nilingon although nakikinig pa rin ako sa usapan nila.Sigurado akong para kay Seth ang tanong na iyon pero hindi ko masyadong naintindihan iyong tanong ni Nohlan.Anong malaki? At sinu-sino naman iyong tinutukoy niyang kanino?

Siguro ay hindi rin masyadong naintindihan ni Seth iyong tanong dahil matagal siyang sumagot.Mula sa pagkakayuko sa aking reviewer ay bumaling ako sa hindi pa sumasagot na si Seth.He was looking right at me and I was stunned.Lalo na nung napansin ko na hindi naman siya sa mukha ko nakatingin.Sinundan ko kung saan nakatutok ang kanyang mga mata at ganun na lang ang pag-awang ng aking bibig nang napagtanto kung ano ang tinititigan niya sa akin.

Manyak!!Sigaw ng isip ko.

Pinagkrus ko ang aking dalawang kamay sa aking dibdib at dahil doon ay napatingin sa mukha ko si Seth saka siya tumawa at bumaling kay Nohlan.

"Panalo pa rin 'to."

Teka!! Ano raw?

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon