Chapter 25
We're friends
"Si Rhum kasi, nagalit tuloy si ma'am," paninisi ni Seth sa akin habang naglalakad kami sa hallway palabas ng campus.
"Ikaw kaya iyong nagsimula," balik ko naman sa kanya.
Mabuti na lang ay pinagcheck lang kami ng quiz papers kanina as a punishment.Sobrang kinabahan talaga ako.Kung tutuusin ay first time ko iyon.Kahit kailan ay never pa akong naging pasaway sa mga naging teachers ko.
Bilib din ako sa tiyaga ng mga kaibigan namin.Sinabihan na naman namin sila na mauna na sa pag-uwi ngunit talaga namang hinintay nila kami.Kahit pa medyo matagal kami sa office ng professor namin ay willing talaga silang nagintay.
"Nagsisihan pa kayo,parehas naman kayong may kasalanan," sabad ni Kisses.
"Ay sorry naman po,Sen. Miriam este Kisses pala," biro ni Seth sa kanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang patuloy niya na ring inaasar si Kisses.Maloko si Kisses pero pagnagseryoso naman siya ay wagas din kaya kapag nasa ganoong state na siya ay inaasar na siya ng mga kaibigan naming lalaki.Bullies.
Nauuna ang mga kaibigan ko sa paglalakad habang ako ay pinili nalang sa pinakalikuiran nila.Bigla nalang huminto sa paglalakad si Seth at hinintay ako.Nang magkasabay kami ay bigla na lang siyang umakbay sa akin at bumulong.
"Sasabihin na ba natin sa kanila?," tanong niya.
"Ang alin?," tanong ko.
"Iyong tungkol sa a-atin," sagot niya.
Kailangan ba?
Maybe yes.They're our friends.They deserve to know,right? Afterall,mas okay nga ang ganoon nang huminto na rin sila sa pangangantiyaw and to avoid more questions kung patatagalin pa namin ang pagsasabi sa kanila.Malalaman at malalaman din naman nila iyon.
"Sige," sang-ayon ko.
Seth's face was plastered with a blank expression.Hindi naman siya mukhang brokenhearted.Normal lang ang kilos niya so I guess pareho lang kaming hindi apektado noong breakup.
Hinatak niya ako para mapabilis ang aking lakad at nag-overtake kami sa mga kaibigan namin.Nang nalagpasan na namin sila ay patalikod na naglakad si Seth para naman harapin sila.
"Guys, we need to tell you something," panimula niya.
Lahat ng atensyon ng mga kaibigan namin ay sa amin nashift.Parang nacurious sila base na rin sa mga attentive nilang itsura kahit patuloy pa ring humahakbang.Lahat ay nag-aabang nang biglang sumingit si Edison sa sasabihin namin.
"Ninong ako ah," sigaw niya na nakaagaw ng atensyon ng mga estudyanteng kasabayan namin sa paglalakad.
Huminto kami sa paglalakad ni Seth,ganun din ang mga kaibigan namin pagkatapos ay lumingon lahat kay Edison.
"Ano raw?," sabay naming tanong ni Seth sa isa't-isa pero sabay din kaming napatawa nang nagets namin ang ibig sabihin ni Edison.
"Grabe ka,Eds,ligate na kaya si Rhum," tumatawang patol ni Seth na nagpahagalpak sa mga kaibigan namin at nagpalaki ng mata ko.Hinampas ko siya sa braso at lalo pa siyang tumawa.
"Baliw," sabi ko sa kanya.
"Biro lang guys,ang totoo niyan,aniiya at huminto sa pagtawa.Biglang nagseryoso ang mukha niya kaya naman pati ako ay napaabang kung ano ang sasabihin niya kahit alam ko naman kung ano iyon."Baog kami pareho kaya huwag kayong aasa na mabibigyan namin kayo ng inaanak," bunghalit niya ng tawa.Narinig ko ang pagmumura nng mga kaibigan namin habang tumatawa.
"Seth," reklamo ko.
Pinatatagal niya pa kasi.Hinarap niya ako na seryoso na ulit ang itsura.May pagkabipolar yata siya.Ang bilis ng shifting ng emotions eh.
"Ikaw na magsabi,di ko kaya," mapait niyang ngiti.Para tuloy akong nangapa kung paano sasabihin sa mga kaibigan namin ang dapat naming ipaalam.
Kung huwag nalang kaya?
But I don't want to give them false beliefs.They needed to know.I should tell them.I need to get this over with.
"We're friends," vague at mabilis kong sabi sabay talikod.
I wasn't hurt.Iniwasan ko lang na magtanong pa sila.For sure they would ask a lot.Pero isa-isa lang muna. Sa ibang araw naman iyong iba.Tama na munang malaman nila iyon.
"Ano?Ang labo naman nun," rinig kong comment ng mga kaibigan namin.
"Break na daw sila,ang so-slow ninyo naman," said the who-knows-to-read-between-the-lines Kisses.
"Ano?"
"Bakit?"
"Anong nangyari?"
"Joke ba iyan?"
Sunod-sunod nilang tanong pero ni isa ay wala kaming sinagot ni Seth.Sabay lang kaming naglakad nang tahimik.
I don't know what he was thinking but I'm thinking that I made the right decision.
And not all breakups are bad.Hindi naman pala ganoon kasakit.
But that's what I thought.Simula pa lang pala iyon.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
JugendliteraturBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.