Chapter 59 (I Love U)

1.4K 36 4
                                    

Chapter 59

I Love U

I deserve this!

The pain,the heartache and all.

"Okay ka lang?," tanong ni Nohlan sa akin habang naggagawa kami ng diorama ng restaurant namin sa kanilang bahay.It's a group course requirement.Ako,si Seth,si Nohlan,si Saida,si Gellie,si Ehm at si Rich ang magkagrupo.Dahil pitong tao lang ang kailangan sa isang grupo,hindi na namin nakasama sina James,Edison,Kisses at Eka.

"Oo naman," sagot ko sa tanong ni Nohlan at nagkunwaring busy sa paggupit ng maliliit na karton na hugis pinto na ikakabit namin sa diorama.Kaming dalawa lang ang nasa labas habang nasa loob naman ng bahay nila ang iba naming groupmates habang gumagawa ng merienda.

"I don't think so," Nohlan murmured as he scrutinized me.

"Okay lang ako ano," ngisi ko.Ibinalik ko na ulit ang aking atensyon sa aking ginagawa.

Out of curiousity,palihim kong sinilip ang cellphone ng aking katabi.Pasimple ko lang iyong ginawa sa takot na baka malaman ni Seth na tinitignan ko kung sino ang katext niya.Nakaupo kami sa favorite spot ng grupo,ang pinakaharap na bench sa tapat ng open ground.Nakangiti siya habang nagtitipa ng mensahe doon sa screen ng kanyang cellphone.Humihinto lang siya sa pagtetext kapag naisesend na niya ang mensahe.That made my curiousity grew.

My heart twitched when I read the name on his screen.Scarlette.Indeed,curiousity kills the cat.Para akong sinaksak sa dibdib dahil sa sakit.

Bigla na lang naisip ko na baka naman mali ang aking akala.Baka naman hindi si Scarlette ang ginawa niyang rebound kundi ako pala.Maaring hindi pa talaga siya move on kay Scarlette at dahil ramdam niyang mahal ko pa siya ay sinamantala niya iyon bilang paraan ng pagmomove on.

Sumikip ang aking dibdib nang makita ang reply ni Scarlette.'I love u'. Mahal niya pa si Seth?

Naramdaman kong nahalata na ni Seth na nakatingin din ako sa kanyang cellphone.Agad akong nagkunwaring nakatingin sa iba.Napansin ko ang bahagyang paglihis ni Seth ng kanyang cellphone para siguro hindi ko 'yun mabasa.Hindi na ako nakatiis.

"Tago pa! Kita ko naman eh," kunwari ay natatawa kong sabi.Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagtipa sa kanyang cellphone.Hinawakan ko ang kanyang braso para mailihis pabalik sa akin ang screen ng kanyang cellphone.

Lihim na nangunot ang aking noo nang makitang wala namang nakasulat sa reply page niya. "Chismosa ka ah," aniya sa akin habang nangingiti.

Sa isip ko'y nagtatanong kung bakit kaya niyang ngumiti nang ganoon habang ako'y nasasaktan.

"Replyan mo na," mungkahi ko.Imbes sumunod ay itinago niya ang cellphone sa kanyang bag.Ngunit di ako pumayag.Gusto kong saktan ang sarili ko.Gusto kong malaman kung mahal niya pa rin ba 'yong Scarlette.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos.Binuksan ko ang kasasara niya lang na bag at kinuha ang kanyang cellphone mula roon.Bahala na kung isipin niyang bastos ako sa pangingialam ng gamit niya.I must do what I need to do to find the answer to my question.

I am not good at confrontations.I'm afraid of asking questions.I'd rather you show me than telling it to my face.Because for me,words don't just cut.It lacerates.Atleast in action,I might get the wrong impression.That would mean a chance for me.

Nagtipa ako ng mensahe bilang reply doon kay Scarlette.Ngunit bago ko pa man matapos ay inagaw na ni Seth sa akin ang kanyang cellphone.

"Tapusin mo.I love you daw oh! Dapat sagutin mo rin ng I love you too," sabi ko sa kanya.At walang kaabog-abog na sinunod niya iyon.Ngunit hindi niya pa is-in-end.

"Send mo na," utos ko sa kanya.I faked a smile although I could feel a kump forming in my throat.Masokista na yata ako.

Hindi niya pa rin ginawa.Nakita kong pipindutin na niya ang Delete button kaya agad kong pinindot ang Send button at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang nasend nga iyon.

"Anong ginawa mo?," tanong niya sa akin.

"Ginawa ko lang ang hindi mo magawa.Nahiya ka pa sa akin," I answered masking it with a jolly tone. "Gutom na ako.Tara guys! Kain tayo," sabi ko sa iba naming mga kaibigan bago tuluyang tumayo para malakad papunta sa canteen.

"Okay pala ah," napukaw ako nang biglang nagsalita si Nohlan.

"Hah?," tanong ko.

"Tulala ka 'te," puna niya. "Huwag mo na akong pagsinungalingan.Di ka okay,tapos ang usapan," aniya na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong sumagot dahil pumasok na siya agad sa loob ng bahay nila.

Wala sa sariling napasandal ako sa upuang nasa aking likuran.Hawak ko sa kanang kamay ang gunting habang sa kaliwa naman ay ang kanina ko pang ginugunting na cardboard.I feel so tired.Though I couldn't afford to rest.Everything's mixed up.From school problems to my parents to my senseless feelings towards Seth.Di ko na alam kung ano ang uunahin ko.I feel like crying but tears won't fall.I heaved a sigh.

Hay! Buhay.

Nang muling lumabas si Nohlan ay kasama na niya si Ehm na may dala-dalang isang pitsel ng juice habang hawak naman niya ay ang mga baso.

"Ano? Kaya mo pa?," natatawang tanong ni Ehm nang makita akong nakasandal sa upuan habang nakasalampak sa sahig.I gave me a tired smile.

"Hindi ako pinayagan ni mommy na mag-overnight.Kaya n'yo naman 'to,diba?," tanong ko patungkol sa diorama na ginagawa namin. "Ako nalang ang maggagawa nung feasibility," dugtong ko.

"Sige,ikaw bahala.Mas gusto naman namin gawin 'tong diorama kaysa sa documentation," singit ni Saida na nakalabas na rin pala.Sunod na lumabas si Gellie na may hawak na Meatball Spaghetti habang si Rich naman ay loaf bread ang dala-dala.

"Wala pa ba si Seth?," tanong ni Gellie.

"On the way na raw," imporma naman ni Saida.

We've waited for Seth to arrive ngunit nag-ala sinco na lang ng hapon at uuwi na ako ay di pa siya dumarating.Lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa ginawa niyang iyon.

"Nasa kanya 'yong blue print.Paano natin 'to mabubuo kung wala 'yon? Eh yun ang guide natin," naasar na rin na sabi ni Rich.Bumaling kaming lahat kay Saida na siyang katext ni Seth.Dati ako.Pero dati 'yon.

"Hindi pa nagrereply eh.Ayaw ring sagutin 'yong tawag ko," turan ni Saida.

Dumating ang kinabukasan na naiinis pa rin ang lahat sa ginawang pang-iindian ni Seth.Ngunit lahat ng iyon ay nawala nang may natanggap kaming balita na may kinalaman sa kanya.



Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon