Chapter 66
Hindi Pa Kaya
"Ang kailangan mo lang naman gawin ay sabihin sa kanya ang gusto mo," Rich finished.
"I can't.Hindi kami," I mumbled.
"Iyan ang problema.Iyang ganyan mong paniniwala.Mahal mo siya,mahal ka niya.Hindi kayo,oo, pero may unwritten na kasunduan sa pagitan ninyo.Maging open lang kayo sa isa't-isa,magiging okay kayo.Hindi 'yang nagpupush and pull kayong dalawa," she admonished.
"Alam mo naman kasi diba," I said and she nodded empathically.Sa lahat,si Rich,si Eka at si Nohlan lang ang nakakaalam ng kwento ko.From me and mom being my dad's second family to my being an adopted daughter, na ikinabigla ko rin.Na alam kong sa tamang panahon ay paglalaanan ko rin ng oras at effort para malaman kung sino ang totoo kong mga magulang.But not now.It's too much for me.As much as possible,I'd rather solve one issue at a time.I am not good in multitasking.
"Gusto ko magwelga sa magulang mo,alam mo ba 'yon?," buntong-hininga niya as I wiped my tears with the back of my hand. "Pero wag na lang.Baka mas lalo ka lang nilang higpitan at pati sa amin ay paiwasin ka nila," she frowned to the idea.Maski ako ay umayaw sa ganoong isipin.Baka mabaliw na ako kapag nangyari 'yon.Sila na nga lang ang nagpaparamdam sa akin na pwede akong maging malaya,tapos kukunin pa sa akin.
"Pero salamat,kasi nandiyan ka para sa akin," I thanked her sincerely.
"Bestfriend here oh," she emphasized pointing to herself. "Magpunas ka na ng mukha mo bago pa mamaga nang todo 'yang mukha mo.Halatang-halata kang umiyak," she said.
"Hala! Nakakahiya."
"Okay lang 'yan.Hindi naman nila alam kung bakit ka umiyak.Ang alam lang nila,umiyak ka.Period.Kapag may nagtanong,madali na lang gumawa ng kwento," she shrugged and pulled me outside the comfort room.
Nakayuko ako habang binabagtas namin ang hallway patungo sa AVR kung nasaan naroon pa rin ang aming mga kaibigan.Lahat ng nakakasalubong naming estudyante ay 'di maiwasang mapatingin sa amin.Marahil nagtataka kung bakit mukha akong wasted.
Nang binagtas na namin ang corridor ay lalo akong kinabahan dahil paniguradong magtatanong ang mga kaibigan namin tungkol sa hitsura ko.Kahit kasi pulbo ay hindi kinayang tapalan ang pamumula ng aking ilong at mata na sa kamalas-malasan ay kinalatan ng mascara.Kaya naman medyo maitim ang paligid niyon.
Mabilis ang paghakbang namin ni Rich palabas ng campus nang natanggap namin ang text ni Gellie na sa convenience store sa labas ng school sila maghihintay.
"Gaano ba ka-urgent ang lakad ninyp at nagmamadali kayo?," sabay kaming napalingon ni Rich sa lalaking nagsalita mula sa aming likuran.Huminto kami sa paglalakad para bumaling sa nagsalita na kahit 'di namin lingunin ay alam na namin kung sino.
"Sama ka sa'min,James?," nakangiti kong anyaya sa kanya.
"Saan kayo pupunta?," tanong niya habang may hinahanap sa kanyang bag.
"Sa mall.Sama ka?" si Rich ang sumagot at nagtanong muli.Ngunit tila naging abala si James sa kanyang bag at umaliwalas ang mukha nito nang makita ang hinahanap.Napatingin ako sa cheese cake na hawak niya.Medyo naflat na iyon dahil siguro sa pagkakaipit nito sa mga gamit sa kanyang bag.
Kamot niya ang ulo na iniabot sa akin ang pagkain.Napangiti ako at kahit sa ganoong simpleng gesture ni James ay medyo gumaan ang pakira dam ko.Araw-araw niya akong dinadalhan ng cheese cake kahit na hindi naman ako nanghihingi.
"Pasensya na,naipit sa libro eh," pagpaumanhin niya.
"Okay lang.It's the thought that counts," mahina kong tawa.
"Bakit ako wala?," sabay naming nilingon ang nakangusong si Rich.
Bigo kaming kumbinsihin si James na sumama sa amin.Aniya ay magrereview diumano siya.
Hindi rin ako nagtagal sa mall at agad na akong nagpaalam sa mga kagrupo ko na mauuna na ako ng uwi.Iba na talaga ang pakiramdam ko.Natatakot akong baka 'di na ako umabot sa bahay kapag nagtagal pa ako doon.Kahit pinigilan ko ang mga kaibigan ko sa pag-uwi ay hindi sila nagpaawat.Sasabay na raw sila sa akin para naman may kasama ako.
Ininda ko ang aking sakit pagkarating sa bahay.Kahit mabigat ang aking katawan ay nagawa ko pa ring tapusin ang mga pang-araw araw kong gawain.
"Anak,may lagnat ka ah," nag-aalalang turan ni mommy nang naramdaman niyang mainit ako nang sumalubong ako sa kanya pagkarating niya.
Hindi ako kumibo dahil sadyang masama talaga ang pakiramdam ko.Inilapag ni mommy ang kanyang bag sa center table at agad na kumuha ng gamot para ipainom sa akin.Agad na rin kaming kumain dahil sa pagkataranta niya ay nauna niya pang ipainom sa akin ang gamot bago kami kumain.
"Si daddy po?," tanong ko kay mommy habang kumakain kami.May hula na ako ngunit isinantabi ko 'yon.
"Doon siya sa kanila uuwi,'nak," sagot ni mommy.She smiled at me.
The very reason I couldn't blame mommy for being so strict to me is the fact that she knew better how it feels being inlove and being hurt at the same time. "Balang-araw,kapag nagpamilya ka,huwag 'yong ganito.Huwag kang pumayag nang may kahati.Huwag kang pumayag na makihati.Maghanap ka ng lalaki na sa'yo uuwi sa gabi.Magcecelebrate ng New Year kasama ka.At ikaw lang ang mamahalin," mommy sighed. "I'm not against Seth.I'm against you committing yourself to someone this early.Magtapos ka muna ng pag-aaral.Strive hard and be somebody.Para kapag dumating na 'yong time na may makikilala ka,at mamahalin mo,hindi ka man magustuhan ng pamilya ng lalaki,hindi ka nila maalipusta.Kasi isa kang babaeng may narating sa buhay at isang babae na dapat ipagmalaki," she finished.
Hinintay ko pang may idugtong si mommy ngunit nagpatuloy siya sa pagkain.Ganoon rin ang aking ginawa.Hindi ko alam ang love story ni mommy at daddy.Ngunit alam ko ang sitwasyon namin.
"Huwag mong hayaang maulit sa'yo ang karanasan ko sa pag-ibig," nilingon ko si mommy nang muli siyang nagsalita. "May mga bagay na hindi minamadali.May mga bagay na hinihintay.Bata ka pa.You have your whole life ahead of you.Kung kayo ni Seth,kayo ni Seth.Maglayo man kayo,kung kayo talaga para sa isa't isa,gagawa at gagawa ng paraan ang nasa itaas para magkita kayo ulit.Nainlove rin ako,anak,tulad mo.Ang pagkakaiba lang natin,walang nagguide sa akin.Walang nagpaalala sa akin kung ano ang dapat at hindi.Kaya gusto ko,maalalayan kita.Gusto ko,mag-aral ka muna.Ienjoy mo ang college life mo.Hindi ka sa akin lumabas,pero masasaktan ako kapag nakita kitang umiyak dahil sa isang lalaki.Kaya 'wag muna ngayon,anak," mahabang turan ni mommy. "Kapag nakapagtapos ka at nagkaroon ng maayos na trabaho,at mahal mo pa rin si Seth,hindi na ako tututol.Dahil alam ko,kaya mo na pagdating ng panahon na 'yon."
Marahan akong ngumiti sa tinuran ni mommy.Naiintindihan ko naman ang punto ni mommy.Simula pa lang ay naiintindihan ko na.Ngunit kahit anong gawin ko,puso ko ang gumagana.Siguro nga di ko pa talaga kaya.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.