Chapter 19 (Guilty)

2.6K 45 1
                                    

Chapter 19

Guilty

"May sasabihin po sana ako," kabado kong panimula. "Huwag po sana kayong magagalit," dugtong ko.

"May boyfriend ka?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa direktang tanong ni mommy.Hindi man lang nabahiran ng kahit anong ekspresyon ang mukha niya kaya naman hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil mukhang di naman siya galit o dapat ba akong kabahan dahil sa pinapakita niya ay napaka-unpredictable ng maari niyang gawin.

"S-sorry po," nakayuko kong sabi.

"Kailan ka pa may boyfriend?," malamig niyang tanong.

"Bago po magchristmas vacation," nakayuko ko pa ring sagot.

Napapikit ako nang bigla siyang tumayo.Inakala kong sasampalin niya ako kaya bahagya akong napaatras pero nilagpasan niya lang ako.

"Matutulog na ako.Ikaw na bahala diyan," aniya bago tuluyang naglakad papasok sa kwarto nila.

Hindi nagalit si mommy pero hindi ibig sabihin nun na hindi na siya magagalit kinabukasan o sa makalawa.Kinakabahan tuloy ako sa mga mangyayari sa mga susunod na araw.Matagal akong nakatulala sa harapan ng lamesa namin nang sa wakas ay naisipan kong dukutin ang cellphone ko mula sa bulsa at nagtype ng message para kay Seth.

Ako: Sinabi ko na kay mommy ang tungkol sa atin.

Mabilis ang naging reply ni Seth sa akin.

Seth: Anong nangyari? Pinagalitan ka ba? Gusto mo puntahan kita?

Ako: No need.Hindi naman nagalit si mommy pero honestly,kinakabahan pa rin ako.Pero wag kang mag-alala.Okay lang ako.

Seth: Sabihin mo sa akin kung kailangan mo ako,pupuntahan kita,okay?

Ako: Thanks.

Nilagay ko na ang cellphone sa bulsa ko at pinagtatakpan na ang mga pagkain sa lamesa.Nang naayos ko na lahat ay pumasok na ako sa kwarto at nahiga sa kama.Hindi ko alam kung anong kakaharapin ko sa mga susunod na araw.Panigurado ay alam na ni daddy yung pagkakaroon ko ng boyfriend kinabukasan.Alam ko rin na kahit hindi ako kinagalitan ni mommy ay malaki ang posibilidad na hindi niya ako kibuin.Hindi nga siya galit kanina pero halata naman na hindi niya  rin nagustuhan iyong ibinalita ko.

"…ewan ko.Busy naman siya sa pag-aaral pero may panahon pa maglandi.Hindi na siguro masaya sa atin."

Nagising ako ng mga boses na nag-uusap.Nakatulog na pala ako sa pagmumuni-muni.Boses ni mommy at daddy rin iyong naririnig ko.Base sa narinig ko ay ako ang pinag-uusapan nila.Kung may isang bagay man akong nagustuhan sa relasyon ni mommy at daddy ay iyong pagkagising nila sa umaga ay hindi sila agad bumabangon kundi nagkukwentuhan muna sila ng mga bagay-bagay.Kumbaga,iyon na iyong pinakabonding moment nilang dalawa.Iyong sa kanila lang.Wala ako at walang trabahong involve.Ngunit sa ngayon ay hindi ko nagugustuhan ang takbo ng usapan nila.

"Kausapin mo yang anak mo.Baka mamaya ay matulad iyan sa mga anak ng kapitbahay natin na maagang nabuntis," narinig ko pang sabi ni mommy.

"Ikaw ang kumausap dahil mas maiintindihan niya kung galing sa point of view mo dahil babae ka," sagot naman ni daddy.

"Ayoko.Baka masaktan ko lang siya.Nahahighblood ako.Wala siyang inisip kundi sarili niya.Hindi man lang niya tayo isinaalang-alang na mga magulang niya," mataray na sabi ni mommy.

Suddenly,I feel like crying.Nanikip ang dibdib ko.Ganito rin siguro ang nararamdaman ng mga taong pinagtsitsismisan.Iyong tipong sirang-sira ka sa usapan nila at wala ka doon para ipagtanggol ang sarili mo.Ang pinagkaiba nga lang ng sitwasyon ko ay naririnig ko ang sinasabi nila tungkol sa akin.Parang gusto ko tuloy magkulong nalang sa kwarto.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon