Chapter 58 (Feels Like Flashback)

1.3K 34 14
                                    

Chapter 58

Feels Like Flashback

Bawat hakbang papalapit sa bahay ay siya ring paglakas ng kalabog ng aking dibdib.Iba kasi talaga ang dating sa akin ng katagang 'mag-uusap tayo'.

Isa pa,kahit wala naman si mommy na sinabi kung ano ang aming pag-uusapan ay parang may gutfeel na ako.At dahil sa pakiramdam na 'yon,hindi ko maiwasan ang kabahan at makaramdam ng guilt.

Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad agad ang seryosong mukha ni mommy habang nakapakrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib.Naroon din si daddy na nagbabasa lang ng dyaryo.

Despite the negative vibes I've been feeling,I still chose to think that I might be just overthinking things.Baka naman may pag-uusapan lang kami na ibang bagay tungkol sa pamilya at hindi katulad ng iniisip ko.

"Hi mommy," I greeted mom with a surprised reaction.Kunwari.Dahil kadalasan,nasa office siya sa mga ganoong oras ngunit ngayon ay nasa bahay siya.

Palihim akong humugot ng malalim na paghinga bago dahan-dahang lumapit kay mommy para humalik sa kanyang pisngi.I mustered a smile to cover up my uneasiness.Ngunit ang ngiti ko ay unti-unting nabura nang umiwas si mommy nang hahalikan ko na siya sa pisngi.

Biglang naglaho ang mga ideyang ginawa ko para utuin ko ang aking sarili.It looked like my gutfeel is true.

"Maupo ka.Mag-uusap tayo," maawtoridad na utos ni mommy sa akin.Agad akong sumunod.Umupo ako sa pinakamalapit na upuan mula sa aking kinatatayuan.Hindi ko na nagawang humalik sa pisngi ni daddy dahil sa kaba.

"Umamin ka," seryosong bungad ni mommy. "May boyfriend ka ba?," she asked which sounded more of an accusation than a question.

"W-Wala po," I buckled.Lihim pa akong nainis sa aking sarili.Masyado akong nadadala ng aking nerbiyos kaya pati dila ko ay nagbubuhol.Hindi naman kasinungalingan ang sagot kong iyon.Totoo namang wala akong boyfriend ngunit kung patuloy akong mauutal sa bawat pagsasalita ay baka isipin ni mommy na nagsisinungaling ako.

"Tumigil ka," bahagyang tumaas ang boses ni mommy nang sinabi niya iyon. "May nagsabi sa akin.May nakakita sa'yong naglalakad sa mall habang may lalaking nakaakbay.Tapos nagholding-hands pa raw kayo," bakas ko na ang pagbangon ng galit ni mommy sa bawat katagang kanyang binibigkas.

I was left dumfounded.I didn't know what to answer.I know who exactly who the guy she was referring to.May mga panahon kasing nagiging compulsive ako at si Seth.Lalo na ako.Nagagawa kong pigilan ang sarili ko sa pagsasalita ng tungkol sa nararamdaman ko kay Seth ngunit hindi iyon madaling gawin sa kilos.No matter how I deny my feelings,my actions show it.At 'yon ang mali ko.

"B-Baka po isa lang 'yon sa nga kaibigan ko.Ganun kasi sila minsan sa amin," I played safe.

"Sinong niloloko? May kaibigan bang naghoholding hands? May kaibigan bang umaakbay?," galit na si mommy.Ramdam ko.

"Kaibigan ko lang po talaga 'yon.Wala po akong boyfriend," sagot ko.What I said was true.Wala naman talaga akong boyfriend.Hindi kami ni Seth.Magkaibigan lang talaga kami.Matagal na kaming wala ni Seth.It just so happened that what we feel towards each other wasn't over yet.Pero 'di ko siya boyfriend.

Iyon naman ang tanong ni mommy,diba? Kung may boyfriend ako.Wala akong boyfriend.

"Ayusin mo lang,Rhum," may halong pagbabanta sa boses ni mommy. "Baka isang araw malaman ko na lang na buntis ka.Sinasabi ko talaga sa'yo.Ngayon palang,layuan mo na ang lalaking 'yan," dagdag niya pa.

"Wala nga po akong boyfriend," pilit kong pinahinahon ang aking tono.

Kahit ang totoo ay gusto ko nang sumigaw.Wala silang tiwala sa akin.Kaya ako nagiging sinungaling dahil lahat na lang ng ginagawa ko ay hindi sila sang-ayon.Lahat na lang mali.Kailangan bawat kilos ko ay may permiso mula sa kanila.Para akong robot.Para akong puppet.Sunod-sunuran.Hindi na nila ako binigyan ng sariling desisyon.

Lahat nang iyon ay gusto kong sabihin sa kanila.Ngunit di ko magawa.Duwag nga siguro ako.Pero kahit gaano sila kahigpit sa akin,hindi ko pa rin kayang sumagot.Baka masaktan ko ang damdamin ni mommy.I can't afford that to happen.

Kinabukasan ay agad ko iyong sinavi kay Seth.For what reason it was,I just had this feeling of telling him.Ang hirap pang humanap ng timing para makausap si Seth.Mukha alam niyang may sasabihin akong di niya magugustuhan kaya iniiwasan niya ring mapagsolo kaming dalawa.Halos di nga siya dumidikit sa akin.Wari ko'y iniiwasan niya ako.

Pero di ako nagpapigil.Nang sandaling lumabas ang professor namin sa classroom ay agad ko siyang kinausap.

"Sabi ni mommy,layuan raw kita," mahina kong sabi.Hindi siya sumagot.Tinignan ko siya at tila ba nagflashback iyong nangyari nang nakipagbreak ako sa kanya.Emotionless face and silent.

Tumango lang siya sa sinabi ko pagkatapos ay sumandal sa kanyang upuan.Humilig siya roon at diretsong tumingin sa harapan.

I was lost for words afterwards.Para akong may gustong sabihin pero di ko malaman kung ano 'yon.Unti-unti ay nailang na ako sa katahimikang bumalot sa aming dalawa.

Ang totoo niyan,maingay ang buong room.May mga nagsisigawan.May mga nagtatawanan.Sa harapan namin ni Seth ay ang naghaharutang si Ehm at Gellie habang naglalambingan na naman sina Saida at Nohlan.Sa tabi ko naman ay ang nagtatawanang sina Kisses,James at Rich.Rinig na rinig ko rin ang pag-aasaran nina Edison at Eka.Pero balewala lahat iyon.Tila ba may nagbubukod sa aming dalawa ni Seth mula sa kaingayang iyon.

Nawala lang ang ganoong pakiramdam nang bumalik na ang professor namin.Lalo na nung iniabot sa akin ni James ang isang balot ng cheese cake.

"Ano 'to?," nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sabi ko sa'yo dadalhan kita,diba? Isa-isa lang araw-araw," ngiti ni James sa akin at nahawa na rin ako sa ngiti niya.

"Ayy! Salamat," I thanked him sincerely.Agad ko iyong binuksan at kinain nang maalala si Seth.Nilingon ko siya at napansing nasa ganoong posisyon pa rin siya.Ang pinagkaiba nga lang ay hindi siya nakatingin sa harap kundi sa akin.

Iminuwestra ko sa kanya ang cheese cake tanda ng pag-aalok ngunit iling lang ang tangi niyang tugon.Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinalik ang atensyon sa blackboard na tila ba may naglelecture doon kahit na sampung minuto nang nakaalis ang prof namin.

Hindi ko na lang siya pinansin kahit na deep inside me,I was so affected.I feel so lonely inside just watching him sat in silence.Para rin akong mababaliw sa kaiisip kung ano na ang mga tumatakbo sa kanyang utak.

Iniisip ko rin kung ano nang magiging set-up naming dalawa sa mga susunod na araw.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon