Chapter 8
Moving On
"Two days nang wala si kapatid. Namimiss ko na siya." ani ko habang nakaupo ako sa dyip pauwi kasama si Rich at Gelie.
It has been two days since we last talked over the phone. Sabi niya babalitaan niya ako pero wala naman akong tawag o ni text na natanggap mula sa kanya. Tinanong ko rin ang mga kaibigan namin kung tinawagan ba sila ni Seth nung araw na iyon pero hindi naman daw. Ibig sabihin,ako lang ang hiningian niya ng tulong. Naguilty tuloy ako dahil wala man lang akong nagawa.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong chinarge ang phone ko. Hindi ko kasi napansin na lowbatt na pala iyon sa kakamadali kong pumasok at baka ma-late ako. Habang nagchacharge ako ay ginawa ko muna ang mga karaniwan kong ginagawa sa bahay.
Pagabi na nang buksan ko ang phone dahil mga ganitong oras din ako tinatawagan ng parents ko. Pagka-on ay nakita kong may mga nagtext pala sa akin. I scrolled down to see all the messages. May text din si Seth. Inuna ko na iyong buksan.
Seth:Sorry di ako nakapasok.
Seth:Hey! You mad at me?Sorry talaga.
Nagtype ako ng message sa kanya saying that it's alright but he needs to make sure na papasok siya kinabukasan. Nagpromise naman siya and I'll count on it. Humaba pa ang pagtetext namin na puro asaran at kulitan lang naman. Maya-maya ay inutusan niya pa akong manood daw sa isang tv station. Sinunod ko naman iyon at inilipat ang channel. I texted him na nailipat ko na. Romantic-comedy iyong palabas. Tungkol ito sa isang lalaki na nahipnotismo sa loob ng elevator at pagkatapos ay nagkagusto sa isang 300 pounds na babae pero ang tingin niya doon ay isang slender blondie.
Seth: Parang ikaw iyong babae.
ako:Ang ganda kaya nung babae.
Seth: Iyong katawan ang pinag-uusapan natin hindi mukha.haha
ako:bwiset ka!haha. okay lang.sexy kaya nung girl.
Seth: Yung 300 pound na babae?siksik kamo katulad mo.
ako: Yabang! hindi ako mataba.Akala mo naman macho siya.
Seth: Hindi naman masyado. May 6 pack abs lang naman ako. :))
Habang nanunood ay panay ang asaran namin sa text. Para kaming magkasama na rin na nanonood. Hanggang sa matapos iyong pelikula ay magkatext pa rin kami.
ako: Uyst! pasok ka bukas ah.
Seth: Sure. Malakas ka sa'kin eh.
ako: Seryoso yan ah. Bakit ka nga pala hindi pumasok ng 2 days?
Seth: Nag-inom ako. Hangover.
ako: Tsk. Pasaway ka. Hindi naman mababawasan ng alak iyang sakit na nararamdaman mo sa puso mo. It will only add pain in your head.
Seth: I know. Sorry ah. Sumasakit na ba ulo mo sa akin?
ako: Oo sobrang sakit na. Pasaway ka kasi masyado. Joke lang. Kahit pasaway ka,iintindihin kita. Ganyan ang magkaibigan. Pero,tandaan mo hindi kita forever iintindihin. Kaya parang awa mo na,get back to your senses.
Seth: It doesn't hurt that much now unlike before.
Ako: Buti naman kung ganun. Magiging masaya kaming mga kaibigan mo kapag nakamove-on ka na.
Seth: Thank you.
Ako: Why?
Seth: For helping me, a lot.I'm willing to move on now.Night, Rhum :)
Napangiti naman ako. Atleast kahit papaano ay nakatulong ako sa kanya. I don't know how painful it is when you're heartbroken kaya naman natutuwa akong malaman na he's coping and I have helped him.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.