Chapter 23
Pansin
Nagising ako nang maaga na parang may kulang.
Is it about the breakup yesterday? I don't know,really.
Kinapa ko ang sarili kong damdamin and I couldn't feel any pain at all whether emotional or physical.I might be just overthinking.
I checked the time in my phone and I realized what was missing.
Seth's text messages.
Dati kasi ay kada umaga kung makatanggap ako ng text messages mula sa kanya.Iyong iba nga ay hatinggabi pa kung isend niya sa akin.Pa-mysterious effect ba.Pero,aminado ako,I found it sweet.
I smiled bitterly for I know that I have to let go of that sweetness.I had to let go of those sweet moments.And,I had to let go of him.Just to secure my future,I had to.
No pain,no gain ika nga.
Don't get me wrong,hindi naman ako nasasaktan.It's more on nanghihinayang.I believe that what we had was short and sweet.Siguro hanggang doon lang talaga iyon.Siguro kapag nadugtungan pa ay papangit na ang takbo ng story namin.
What's important now is that we're still friends.Sabi nga,it's possible for friends to be lovers but it is impossible for ex-lovers to be friends.Kaya swerte na ako dahil magkaibigan pa rin kami.Wait-hindi pa nga pala ako sure doon.Bigla kong naalala ang biglaan niyang pagbaba ng jeep right after the breakup.
But I'm still hoping that he would still treasure our friendship above anything else.
Sa pangambang baka hindi siya pumasok ay tinext ko siya na gigyerahin siya ng buong tropa sakaling mag-absent siya.I'm hoping that he would reply.Pero ilang minuto ay wala pa ring text mula sa kanya kaya naman nagsimula nalang akong maghanda para sa school.
Alas kwatro pa lang kaya nagawa ko pang magluto at kumain ng almusal.Hindi ko na hinintay sila mommy at daddy na magising dahil alas nuwebe pa naman ang pasok nila samantalang alas siyete ang sa akin.Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na rin ang aking pinagkainan at nagpahinga saglit.Habang nagpapahinga ay inihanda ko naman ang aking mga gamit para sa school.
Bago pa ako pumasok sa banyo maligo ay tsinek ko pa ang cellphone kung may text siya.But there's nothing.Marahil ay habit ko na talaga ang tumulala muna sa banyo bago ang maligo.Ibang-iba kasi iyong level ng katahimikan sa loob nito.Siguro dahil iyon sa pagiging enclosed kaya nalulunod ako sa sarili kong mga iniisip.Tulad ng kung bakit todo kung makaiyak ang mga kaibigan ko sa tuwing nakikipagbreak sila sa mga ex-boyfriends nila.Nandiyan iyong nagmumukmok pa sila.Hindi rin sila gaanong kumakain.Pati schooling nila ay apektado rin.
Eh bakit parang di ko naman dinaranas ang mga iyon ngayon?Thinking that I've just gotten from a breakup.
Feeling ko tuloy,iyong pagiging heartbroken ay state of mind lang.Nalulungkot at nanghihinayang ako,oo,pero hindi ko iyon masyadong dinidibdib at iniisip kaya hindi ko masyadong ramdam.Kaya siguro nasasaktan iyong iba dahil iniiisp nila na nasasaktan sila.Eh kung huwag kaya nilang isipin na ganun? Tapos iwasan nila ang magmukmok.Instead, they should go out and find something to do.Maghanap sila ng mapagkakabusyhan.
Six-thirty na nang nakarating ako ng school at pagkapasok ko pa lang ng room ay agad akong initerview nila Nohlan at Saida.
"Bakit hindi mo kasama si Seth? Nasaan siya?," tanong ni Saida.
"Wala pa ba siya?," linga ko.
"Ay oo,nandito siya.Kaya ka nga namin tinatanong kung saan siya kasi nandito siya eh,"sarkastikong sagot ni Nohlan.
"Highblood talaga ito,kahit kelan," sabad ni Eka na nakaupo sa gilid habang tinuturo si Nohlan.
"Sorry naman ah,bawal magtanong?," asik ko.
"Hindi na naman siguro iyon papasok?," busangot ni Nohlan. "Pagalitan mo iyon kapag umabsent ah," utos niya pa sa akin.
"Itetext ko,teka," ani ko sabay dukot ng cellphone ko sa bulsa.Tumipa ako ng message sa cellphone habang dahan-dahang umuupo.
Habang hinihintay ang reply ni Seth ay nakipagkwentuhan na muna ako sa mga kaibigan ko.Pamaya-maya kung icheck ko ang cellphone para sa reply niya pero wala pa rin talaga.Dati naman ay mabilis siya magreply.
"Malapit na dumating si ma'am," ani Nohlan sa akin.Tinitigan ko lang siya dahil wala rin naman akong masabi.
"Wala pa si Seth?Absent na naman?," tanong naman ni James na kanina pa busy sa paglalaro sa cellphone niya. "Tinext mo ba?," tanong niya sa akin.
" Oo. Pero wala pang reply," imporma ko.Sumimangot siya at si Nohlan na tila ba may sasabihin pa nang bigla nalang humiyaw si Edison.
"Uy Seth,akala namin di ka na naman papasok eh," hiyaw ni Edison.
"Grabe naman kayo,nagbalik-loob na kaya iyan si Seth," tumatawa namang sabi ni Gellie.
Ngumisi lang si Seth sa mga remarks nila at itinaas ang kanyang mga kamay sabay kinaway-kaway ang mga ito na tulad ng sa isang kandidato habang naglalakad papalapit sa mga upuan.Naramdaman ko ng pagtayo ni Rich mula sa katabing upuan ko para sana doon paupuin si Seth.
"Sige dyan ka na,dito nalang ako," turan ni Seth kay Rich sabay turo sa upuan na nasa harapan lang namin na sana ay lilipatan din ni Rich.
Ayaw niyang tumabi sa akin?Siguro ay may tampo siya or worse ay galit siya sa akin.
Sana ay mali ang iniisip ko.I couldn't bear awkward moments.Isa pa,hindi ko kaya ang hindi niya kibuin nang buong araw.
"Ay hindi pinansin? Ano kayang meron?," parinig ni Saida sa akin.Nalaman ko iyon dahil nahuli ko siyang nakatingin nang makahulugan sa akin.
"Sino ang hindi pinansin?," tanong naman ni Seth na huminto pa talaga sa pakikipagbiruan kina James.
"Wala," ngisi ni Saida.
I was expecting Seth to probe but he just turned his back much to my dismay.Nagbuklat na lang ako ng libro at magsisimula na sanang magbasa nang narinig ko siyang nagsalita.
"Si Rhum? Di ko pinapansin? Eh pansin na pansin ko nga siya."
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.