Chapter 62
Angry
"Hindi ako pinayagang mag-overnight.Kaya n'yo naman 'tong matapos diba?," tanong ko sa aking mga kagrupo.
"Hala! Bakit? Bukas na kaya ang defense natin," may halong pangamba ang tinig ni Saida.
"Kaya nga.Dapat pinayagan ka nila.Ngayon lang naman," sambit ni Gellie.
"Ganoon rin naman 'yon.Kahit naman nandito ako,hindi ko pa rin kayo matutulungan sa paggawa nitong diorama kasi 'yong documents naman ang gagawin ko," turan ko.
"Maski na.Kung nandito ka,posible pang matulungan ka rin namin sa documentation," ani Rich.
Napalingon kaming lahat nang lumabas mula sa loob ng bahay nila si Nohlan.Kasalukuyan kaming nakasalampak sa sahig ng front porch ni Nohlan.
"Wala pa si Seth?," tanong niya nang makitang kulang pa kami.
"Hindi nga nagrereply eh," sagot ni Gellie.
"Sa akin din,wala," dagdag pa ni Saida.
Maski sa akin ay hindi siya nagreply ngunit hindi ko na sinabi sa kanila. Nakita kong may pinindot-pindot si Ehm sa kanyang cellphone.Napag-alaman kong may tatawagan pala siya nang inilapit niya ito sa kanyang kanang tenga.
"Ayaw sagutin,"bumaling kaming lahat kay Ehm nang nagsalita siya. "Ayaw sagutin ni Seth," paglilinaw niya.He made more than five attempts but no one picked up the phone.
Sa pag-aakalang on the way na marahil si Seth kaya hindi niya sinasagot ang mga text at tawag namin ay ipinagpatuloy na lang namin ang paggugupit ng mga miniature parts na nakaguhit sa illustration board para sa aming diorama.
"Ang problema lang nito ay hindi natin maitatayo," buntong-hininga ni Nohlan nang natapos na kami sa pagdrawing at paggupit. "Si Seth ang nakakaalam ng structure nito," dagdag niya.
"Kaya nga eh," nguso ni Rich. "Nasaan na ba kasi si Seth?," nakasimangot niyang tanong.
Dinukot ang aking cellphone mula sa bulsa at id-in-ial ang numero ni Seth.Ring lang ito ng ring ngunit hindi niya sinasagot.I tried more times but I got nothing.Hindi niya sinasagot.
Dahil doon ay napagpasyahan na lang namin na magtanghalian muna.Habang nagtatanghalian ay hindi pa rin kami nawalan ng pag-asa na darating si Seth ngunit natapos na lang kami sa pagkain,nakapagligpit na at nakapaghugas na ng pinagkainan namin ay walang dumating.Ni anino niya ay wala.
"Okay,sige,ganito na lang," panimula ko habang paikot kaming nakasalampak sa sahig ng porch. "Iyong documents na lang muna ang gawin natin," mungkahi ko which they agreed in unison.
"Ikaw Rich,pakitype na muna itong Mission and Vision natin.Tapos kay Nohlan naman itong history kunwari natin kung paano nabuo iyong corporation natin king may maidadagdag ka sa nakasulat diyan,then feel to do so.Basta sabihin mo lang sa amin para di kami masurprise at nang mapag-usapan natin.Then,Saida,pakirewrite naman nitong computations natin ng price lists.Tapos,Gellie and Ehm,isip kayo ng promos na pwede nating iapply sa restaurant natin.Tapos ako,magcocompute muna ako ng capital shares natin tsaka start up cost." Tuloy-tuloy ang aking pagsasalita.
"Paano ako magtatype?Isa lang ang computer," reklamo ni Rich habang nakatingin kay Nohlan na nagtitipa na sa kanyang laptop.
"Hala! Kami rin,kailangan namin magresearh ng ideas," sambit ni Gellie pagkatapos ay bumaling kay Nohlan. "Patay ba wifi ninyo?"
"Oo,pinapaayos pa ni mama 'yong connection," sagot ni Nohlan.
"Eh di magcomputer shop kayo," suggestion ko kahit ang gusto kong sabihin sa kanila ay 'mag-isip kayo ng paraan'.
"Malayo ang comp shop dito," imporma ni Nohlan.
"Eh di sumakay," tugon ko.
"Maraming naglalaro doon.Maingay.Hindi kayo makakapagconcentrate,promise," aniya.Pinigilan ko ang aking mata na umikot sa kawalan ng pag-asa.Halata rin namang hindi nila gusto kumilos dahil hindi nila ginagawan ng paraan.
"Eh di maghintayan na lang kayo dyan sa laptop," iyon na lang ang aking sinabi at ibinalik na ang aking atensyon sa aking ginagawa.
"Ano na lang muna ang gagawin namin?," tanong ni Ehm.
"Malamang...nganga," hindi ko na napigilan ang mapairap.Nanghihinayang ako sa oras.Iyong sana ay may matatapos kami ay walang mangyayari.
Sabay-sabay kaming napatingin sa gate nila Nohlan nang may narinig kaming pumarada doon.Matapos ang pagparada ay narinig naman namin ang kalabog ng pinto nito at di kalaunan ay iniluwa ng gate si Seth.
Parang makinang de automatic ang pag-usbong ng inis sa aking sistema."Alas siyete pala ng umaga," I scorned.
"May inutos pa kasi sa akin si mommy sa Taguig," he reasoned out which only add fuel to my burning anger.
"Sana man lang nagtext ka.Tinitext ka namin,di ka nagrereply.Tinatawagan ka namin,'di mo sinasagot," I tried my best to talk calmly as I could but the frown in my face just can't be hide.
Mabuti na lang at hindi na siya sumagot.Kung nagkataon,baka lalo lang akong nagalit.I saw him approached Nohlan.Mayroon silang pinag-usapan ngunit hindi ko marinig.Maya-maya lang ay lumapit silang dalawa doon sa mga ginupit naming boards at sinimulan na ang paggawa ng diorama.
"Badtrip si Seth ah," kwento ni Gellie habang umiinom kami ng tubig sa kusina.
"Badtrip siya? Mas badtrip ako.Sino ba namang hindi? Ang usapan,ala siyete ng umaga.Siya pa 'yong nag set ng oras.Tapos siya pa 'yong huling dumating? Okay pa 'yon eh.Icoconsider ko pa...kung sana...kung sana man lang,nagpasabi siya.Kaso wala eh.Ano lang ba 'yong magtetext siya sa atin ng 'hoy! Putangina ninyo malilate ako ng dating mga gago', litanya ko dahil sa sobrang asar ko.
"Baka naman wala siyang load?" she defended Seth.
"Tinatawagan natin siya.Kung wala siyang load,sana sinagot niya 'yong tawag." I answered.
"Baka nagmamaneho noong mga time na tumatawag tayo?" she replied trying to save Seth's ass from my wrath.
"Sige.Sabihin na nating wala siyang load.Sabihin na nating nagdadrive siya tuwing tumatawag tayo—which is very impossible,kasi umaga pa lang tumatawag na sa kanya si Ehm tapos nitong noontime ay ako ang tumawag— so sa parehong mga oras na 'yon nagdadrive siya? Ano siya? Taxi driver? Pero sige,kunwari lang...So ano ngayon? Wala ba siyang madadaanang nagloload? Hindi ba pwedeng huminto muna siya para sagutin 'yong tawag natin?Isa pa,may earphone siya.Eh di isalpak niya 'yon sa phone niya para masagot tayo habang nagmamaneho siya.Nakakainis kasi! Mabuti ba kung siya lang ang babagsak kung nagkataon.Pero 'di eh.Lahat tayo damay.Lahat tayo," I continuously blubbed.
Nilingon ko ang aking kausap dahil sa kawalan niya ng reaksyon.Nakatingin siya sa likuran ko kaya naman sinundan ko ang direksyon ng kanyang tinitingnan at lihim akong nagulat nang makita si Seth na nakatayo doon.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.