Chapter 33
Nagpakalasing
Nang narinig ko ang boses ni Seth ay bigla akong natahimik.
"Ayaw mong sumagot?," mahina lang iyon pero maawtoridad.Hindi ako sumagot.Mas lalo ko pang ibinaon ang aking mukha sa unan.
"Aalis ako kapag di ka sumagot," panakot niya ngunit di pa rin ako sumagot. "Isa,dalawa,tatlo," bilang niya.Matapos ang bilang na 'yun ay naramdaman kong umalis siya sa aking tabi kaya umiyak na naman ako nang todo.
"Bakit ka ba umiiyak?," malumanay na tanong ni Saida. "Si Seth ba? Mahal mo pa ba siya?," sunod-sunod na tanong ni Saida.
"Hindi ko alam," hikbi ko.
"Mahal mo pa?," tanong niya ulit.
"Hindi ako makahinga," imbes na sumagot ay bumangon ako at nanghingi ng tubig.Narinig kong natawa si Saida.
Si Rich ang nag-abot ng tubig sa akin.Pagkatapos kong uminom ay humiga ako ulit at umiyak na naman.
"Bakit ka naglasing?" boses iyon ni Seth at agad-agad ay umurong na naman ang aking mga luha.Grabe! Hindi lang oras at mundo ko ang napapahinto niya.Pati ba naman luha?
Ramdam kong nasa tabi ko lang siya kaya hindi rin ako gumagalaw.Hindi ko rin tinugon ang kanyang tanong. "Ayaw mong sumagot?," tanong niya sa akin.Mahina iyon ngunit seryoso.
"Aalis na lang ako? Gusto mo?," tanong niya at mabilis ang aking ginawang pag-iling.Agad kong iniyakap ang aking mga braso sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa.Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi ngunit hindi ko man lang magawang kiligin. Hindi lang iyon isa kundi nasundan pa ngunit wala na akong pakialam.Inaantok na ako.
"Seth,huwag 'yan.Huwag dito," boses ni Nohlan ang narinig kong nagsabi n'yon.Kung anuman ang kanyang ibig sabihin ay di ko na pinansin.
I was about to doze off when Seth started moving like an itchy worm.Gumulong-gulong siya dahilan para maliyo ako.Sa paggulong niya kasi ay pati ako napapagulong din.Andyang napupunta ako sa ilalim niya.
Bumitiw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tinalikuran siya.Ramdam ko na ang pamimigat ng aking mata.Kung matagal man akong nakatulog ay wala akong ideya.Bigla na lang akong bumangon dahil nararamdaman kong nasusuka na naman ako.
Hindi ko na rin alam kung saan nagpunta ang mga tao.Ang tanging tao lang na nakita ko doon ay si Rich na nakatihaya pang natutulog doon sa sofa nila Nohlan.Gumapang ako papalapit sa kanya at kinalabit siya para lang sabihin na nasusuka ako.
Sinamahan niya pa ako papunta sa lababo ngunit pakiramdam ko lang pala iyon.Hindi naman pala talaga ako nasusuka.Pagkabalik namin sa sala ay napansin kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Nohlan.Mula doon ay nakita ko siyang nakasalampak at parang...umiiyak.
Pumasok ako doon at pumwesto ng upo sa paanan ng kanyang kama.Kagaya niya ay sumalampak din ako sa sahig at tinitigan lang siyang umiiyak.Bigla na lang marami nang tao ngunit tulala pa rin akong nakatingin sa umiiyak na si Nohlan.
Nakita kong pumasok din si Seth sa kwarto at tumabi sa akin.Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha.Hinalikan niya ako...sa labi.
Hindi pa siya nakuntento.Inulit niya pa.Hindi ko alam kung nakatulog ba ako ulit.Ang naaalala ko ay dinala ako ni Rich sa kusina at pinakain ng mainit.Unti-unti na akong nahihimasmasan dahil pinunasan ako ni Rich at pinagtoothbrush.Binigyan niya ako ng candy at pinagpalit ulit ng uniform.Bago pa kasi kami nagsimulang nag-inuman ay nagsipagpalit kami ng damit.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.