Chapter 34 (Hangover)

1.9K 37 0
                                    

Chapter 34

Hangover

Throbbing head!

Pagkagising pa lang ay iyon na ang bumungad sa akin.Ang sakit ng ulo ko.Para iyong binibiyak.

Alas tres pa lang ng madaling araw ay namumula na ako at naiinitan.Paanong hindi? Naaalala ko lang naman ang nga nangyari sa akin nang nakaraang araw.

Isa-isang nagreplay sa isip ko ang mga nangyari at habang dumarami ang aking naaalala ay pabilis naman nang pabilis ang ginagawa kong pagpaypay.

Kahit wala namang ibang tao sa kwarto ko ay napatakip ako ng aking mukha sa sobrang kahihiyan na aking nadarama.

Narealize kong nalasing nga ako.They saif drunk people will remember nothing of what they've done once they're sober.Pero mali.Bakit naaalala ko? They said drunk people aren't aware of what they are doing when under the influence of an alcohol.But no.I am very aware of what I was doing that time,it's just that I don't know how to stop myself.I lose my self-control but I am very aware.

Nang medyo natanggap ko nang kabaliwan na ginawa ko ay tumaw naman ako nang mahina.Natatawa ako sa aking sarili.Natatawa ako sa mga pinaggagawa ko habang ako'y lasing.Matapos naman ang ilang minuto ay bigla namang pumasok sa isip ko si Seth.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at naramdaman kong medyo magaan pa rin ang aking pakiramdam.Mukhang di pa ako masyadong nahihimasmasan.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ang aking laptop at naglog-in sa aking facebook account.There are things I wanted to tell Seth.Pero di ko kaya nang harapan.I am always afraid of the unknown.Kaya natatakot ako sa kung anuman ang magiging reaksyon ni Seth.Natatakot akong masaktan at umiyak sa harapan niya.Natatakot akong makita niya akong nadudurog at umiiyak.Ayokong magmukhang kawawa.Ayokong magmukhang nagmamakaawa.Ito na ba ang pride na tinatawag?

Nang tuluyan na akong nakapaglog-in ay agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.Mainam na ang ganito.Masasabi ko sa kanya ang kung anumang gusto kong sabihin nang di nakikita ang kanyang reaksyon.Ibig sabihin,di rin ako masasaktan.

Hindi nga ako nasaktan ngunit kabado naman ako.Iniisip ko kung ano kaya ang kanyang sasabihin sa akin.

Isa pa sa rason kung bakit ako kinakabahan,iyon ay dahil finals na namin.At hindi ako nakapagreview.Inuna ko ang durog kong puso.Kaya di na ako magtataka kung makakuha ako ng durog na grade.

Dumating na ang professor namin ngunit wala pa ring Seth na dumarating.Nag-aalala ako dahil baka naman di na naman siya pumasok.Kailangang pumasok siya.Exam kaya.

Nilingon ko si Saida na nakangising nakatingin sa akin.Tumawa siya na parang baliw kaya ko siya sinimangutan. "Oily ba ang face ko?," tanong ni Nohlan na nakaupo sa likuran ni Saida.Lalong tumawa si Saida at pati ako ay nakitawa na rin.

"Paano kaya si Seth nagkasya doon sa lalagyanan ng plato?," natatawang tanong ni Saida.Natawa din ako.Hindi ko rin alam kung bakit ko nga bang naisip na nagtatago si Seth doon.Sinong mag-aakalang magiging isang malaking comedy pala ang mangyayari kapag nalasing ako.

Nahinto kami sa pagtawa nang may pumasok sa pintuan.Automatic abg naging pagbilis ng tibok ng aking puso.Nakasuot siya ng pulang polo shirt at pinaresan iyon ng blue washed jeans at puting chucks.

"Uy! Terno sila.Nakakulay red," kantiyaw ni Edison na nagpainit ng aking pisngi.

Mula nang may nangyaring landian sa pagitan namin ni Seth,naging kasanayan na ng mga kaibigan namin ang magreserba ng isang upuan sa tabi ko kung wala si Seth o di kaya naman ay sa tabi ni Seth kung wala pa ako.Parang unwritten rule na iyon na kaming dalawa ay dapat na magkatabi.

Nakakakilig pero nakakabwiset.Kung sana alam lang nila kung gaano ako nadidistract sa tuwing katabi ko siya.Para bang vitamins ko na sa pang-araw-araw iyong madikitan ng balat ko ang balat niya,iyong maramdaman ng katawan ko ang init na lumalabas sa katawan niya,at iyong maamoy iyong pabango niya.Kapag hindi ko naranasan ang isa man lang sa mga iyon sa loob ng araw ay parang ang lungkot ko.Malungkot ang puso ko.

Nang umupo siya sa katabi kong upuan ay di ko siya nilingon.Di ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan matapos ang paglalasing ko at pagsend ko sa kanya ng message.

Dumating na ang professor namin at di ko maintindihan ang aking nararamdaman.Iniisip ko kung papasa ako habang iniisip ko dib kung nagreply kaya si Seth sa akin sa facebook kahit na katabi ko lang naman siya at pwede kong tanungin.

"Ms. Zamora," napalingon ako nang tawagin ako ni Sir Manalo.

"Po?," tugon ko.

"Nag-aral ba 'to?," nakangiting tanong ni sir habang nakaturo kay Seth.

Nakanganga lang ako habang nakatingin kay sir.Hindi ko naman alam kung nag-aral ba siya.Ako sir di po ako nag-aral.

"Siyempre naman sir,ako pa," si Seth ang sumagot kay sir.

"Malalaman natin 'yan," nakakalokong ngisi ni sir.

"Bakit di po siya ang tanungin n'yo kung nag-aral?," natatawang turan ni Seth.

Sinulyapan ako ni sir Manalo tapos ay tumalikod na. "Iyong mga estudyanteng katulad ni Rhum,ni Kisses,hindi na tinatanong 'yan.Automatic na 'yan," ani sir at nagpatuloy sa pagdidistribute ng mga test papers.

Lalong sumakit ang aking ulo.Hirap na hirap ako sa pagrerecall ng mga lessons namin para may maisagot lang ako habang pinapanood ko si Seth na papalapit na sa harapan para ipasa ang kanyang papel kay sir.

Tamang-tama ang ginawa kong pagpasa.Nagbell na agad.Tapos na ang isang period ng exam namin.Alas-diyes lang at wala na kaming exam.Kinabukasan naman ulit.Mabuti na 'yon at nang makapagreview ako.

Nagkaayaan ang lahat ng pumunta muna ng mall.Kumpleto kami ngunit dahil ang iba ay may dinaanan pa,naghintay na muna kaming walang mga gagawin sa isa sa mga benches sa school.Pinili namin iyon nakaharap sa open court kung saan may mga nagbabasketball na estudyante.

Naramdaman kong umupo sa aking tabi si Seth habang nakikipag-usap kay Edison at James.Sa kabila ko naman ay ang naglalambingang si Nohlan at Saida habang ako,napili na lang na manuod ng mga naglalaro.

It took nearly ten minutes when some of our friends arrived.Agad ay nagsipagtayuan na para makaalis.Inayos ko pa muna ang aking gamit dahilan para maiwan ako at si Seth na hinihintay ako.

Kahit maiksing panahon lang,I took the chance of asking him. "Nabasa mo ba 'yong message ko sa FB?," tanong ko.Matagal bago siya sumagot.

Mali.Hindi siya sumagot.Tumango lang siya pagkatapos ay inaya na niya akong umalis.

Ang sakit na!

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon