Chapter 44
Inis at Galit
"Galit ka ba sa'kin?," nahihiyang tanong ni Rich habang naglalunch kami.
"Bakit ako magagalit?," patay-malisya kong tanong.
"Kasi sinabi ko kay James na naiilang ka sa kanya," she stated.
"Kapag ba nagalit ako may magbabago? Wala naman eh," I answered swallowing the food.
"Sorry," maiksi niyang sabi.Hindi na ako umimik.Ano pa nga bang magagawa ko kundi ienjoy nalang ang cold treatment ni James.
Pero bago ko danasin iyon,susubukan ko muna siyang kausapin.Nagtatampo lang 'yon.Hindi naman siguro siya galit.
Nang nag-in kami ay naabutan kong nakatayo si James sa may service area.Wala siyang ginagawa doon.Nakatanaw lang siya sa mga guest na kumakain.Marahil ay binabantayan niya kung may guests na magpapaassist.
Huminga muna ako nang malalim bago humakbang palapit sa kanya.Pinilit kong pasayahin ang aura ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.Mukha kasi siyang manlalapa ng buhay sa sobrang kaseryosohan ng ekspresiyon niya.
"Hi James," I gaily greeted him.Hindi siya kumibo kaya tumayo lang ako malapit sa kanya.
"Huwag kang lumapit sa'kin.Baka sabihin mo minamanyak na naman kita," I could trace anger in his tone.
Iyong lahat ng inihanda kong speech ay tila ba nagsipagtakbuhan.I was stunned by his outrage.James was always a funny one.Mahilig silang tumawa ni Edison kaya ikinagulat ko talaga ang galit niyang estado.
Dahil nga sa nagulat ako ay naestatwa na rin ako sa aking kinatatayuan.Umalis si James sa aking harapan at pumunta sa kabilang side ng station B.Nagmamasid ulit siyang nakatayo doon ngunit halatang bad trip siya.
"Anong sabi?," tanong ni Gellie sa akin.
"Galit," iyon lang ang tangi kong naisagot.
Si Seth naman kasi.Kung bakit ayaw pang umalis sa isipan ko.Eh kung sana move on na ako,eh di sana di ako maiilang sa mga gestures ni James at hindi ko iyon ikukwento kay Rich na siyang mismo nagsabi kay James.
Nang unti-unti na akong nakarecover sa pagkasindak ay naramdaman ko naman ang pagbangon ng inis sa aking sistema.Nagflashback sa isip ko 'yong word na ginamit niya.Pati iyong way ng pagkakasabi niya.
Huwag kang lumapit sa'kin.Baka sabihin mo minamanyak na naman kita.
Where did the word 'manyak' came? Ang sabi ko ay naiilang ako sa kanya but never have I thought of him being a maniac.Kung ganoon naman pala,ay wala sa akin ang problema.Nasa kanya.Hindi siya marunong umintindi.Spelling pa lang ang layo na ng word na 'manyak' sa 'naiilang'.
Lumipas ang mga araw at natiis namin ni James na di magpansinan.Actually,mas natiis niya kaysa sa natiis ko.Dahil ako,araw-araw ko siyang tinitignan kung galit pa rin ba siya sa akin.
"Ate,isang mango shake," napalingon ako sa nagsalita.Naassign ako sa bar at lahat ng beverage ay ginagawa namin per order.Nagulat ako nang ang nalingunan ko ay si James.Tila nagulat rin siya base sa nakanganga niyang bibig.
"Ilan?," nakataas ang kilay kong tanong.Sumenyas lang siya ng isa gamit ang kanyang daliri pagkatapos ay umiwas na ng tingin.
Nagngingitngit ako habang piniprepare ang order niya."Pakibilisan lang kasi hinihintay sa table 12," pangmamadali niya pa sa akin.Mangani-ngani kong ibuhos sa ulo niya iyong mango shake sa sobrang inis ko.
Ganoon na ba siya kagalit sa akin to the extent of addressing me as ate? Kahit naman naiinis ako sa kababawan ng pang-iintindi niya ay never kong naisip na kalimutan ang pangalan niya at tawagin siyang kuya.Kaibigan ko siya.Sana man lang tinanong niya muna 'yong side ko bago siya nagalit at nagkaamnesia na lang bigla.
Bukod pa sa akin ay nabalitaan ko ring hindi pa rin sila nag-uusap ni Rich at parati silang nag-aaway ni Eka.Mukhang may silent misunderstanding din sa pagitan ni Saida at nina Rich at Eka.Minsanan na kasing nagreklamo si Rich sa akin tungkol sa pamamalakad ni Saida sa apartment na inuupahan nila.
Iyong pagkakaibigan namin,para sa akin ay mahalaga 'yon.Alam ko sa sarili ko na kapag nagkawatak-watak kami ay lubhang malulungkot ako.At bago pa man mangyari 'yon ay siguro dapat lang na gawan ko na ng paraan ang mga di namin pagkakaayos.
"Grabe! Ang tagal naman magbukas," reklamo ni Gellie nang pinagbuksan kami ni Ehm ng pinto ng apartment nila.Kasama din si Ehm sa apartment na inuupahan nila Rich.
"Nasa banyo kasi ako," pagrarason ni Ehm habang nagkakamot ng ulo.Humalik si Gellie sa pisngi niya at naglambingan pa muna sila.
"Bakit ka naka-uniform?," usisa ko kay Ehm.Bago pa siya nakasagot ay pumasok mula sa back door ang nakauniform ding si James.
"May pasok kami," sagot ni Ehm.
"Wala.Pinagpaalam ko kayo ngayon kay Kap PJ," imporma ko na tinutukoy ang captain waiter na may hawak sa amin.
"Oh! James,wala pala tayong pasok eh," turan ni Ehm kay James na nagsusuot na ng sapatos.
"Baka kayo.Ako may pasok," suplado niyang tugon pagkatapos ay kinuha na ang kanyang bag at dire-diretso sa pintuan.
"Hala! Papasok na rin ako," nagmamadaling sabi ni Ehm.
"Wala nga kayong pasok," paalala sa kanya ni Gellie.
"Baka meron eh.Baka kayo lang ang pinayagan.Siaiguraduhin ko lang," aniya at umalis na din.
Napahawak ako sa bewang at bumuntong-hininga. "So what's the point of being here?," tanong ko na sa sobrang hina ay mukhang ako lang ang nakarinig.My main reason of setting up this so called meeting is for us to talk whatever it is that we need to talk.Kailangan makapag-usap kami ni James.I called it open forum para kung may reklamo at problema kami sa isa't-isa ay mailabas na.Pero kung ganung hindi naman willing si James na makipag-usap ay mukhang sayang naman ang effort ko Nagsinungaling pa ako sa Captain waiter namin na may meeting kami sa school kaya kailangan namin imove sa iisang date ang rest day namin tapos mapupunta lang pala sa wala.Isa pa,ang paalam ko kina mommy ay may duty ako kahit pa ang totoo ay wala naman.Hindi ko pa nga naiisip kung paano ko ipapalusot ang patungkol sa rest day ko kina mommy.Malamang ay tatanungin nila kung kailan ako walang pasok.Ang problema,next week pa ulit 'yon dahil nagamit ko na ang RD ko.
"Nandito na pala sila eh," ani Rich na mukhang kagigising lang.Nanggaling siya sa kwarto kung saan ay umalis din si Eka na nakaligo na.
"Paano tayo mag-uusap? Umalis si Ehm at James," ani ko sa kanila.
Mukhang wala silang maisagot dahil hindi sila kumibo."Movie marathon na lang tayo," mungkahi ni Gellie na sinang-ayunan naman nina Eka at Rich.Napansin kong wala si Nohlan at Saida.
"Nasaan sila Saida?," tanong ko.Ngumuso si Eka sa direksyon ng kwarto nila.Dahan-dahan akong lumapit sa nag-iisang kwarto ng apartment nila at nakita doon ang tulog na tulog na si Saida at si Nohlan na magkatabi sa ilalim na bed ng double deck.
"Sinong natutulog sa itaas?," tanong ko patungkol sa itaas na bed ng deck.
"Ako," sagot ni Rich.
"Eh ikaw?," baling kong tanong kay Eka.Maliit lang kasi ang kwarto at isang double bed lang ang naroon.
"Dito sa labas," turo niya sa may papag na nasa sala ng apartment.Nakita kong may nakalukot na kutson sa gilid ng papag.
"Eh 'yung tatlong lalaki?," tanong ko pa na tinutukoy sina James,Nohlan,at Ehm.
"Si James at Ehm dito sa labas,sa baba.Tapos si Nohlan sa kwarto," nguso ni Eka.
Wait! Parang may mali yata.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.