Chapter 3 (FuBu)

12.3K 81 2
                                    

Chapter 3

FuBu

"Ang tagal naman umalis ng jeep," reklamo ni Rich habang nagpapaypay ng sarili.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng ibang pasahero para umalis na ang jeep. Kitang-kita ko ang iritable niyang ekspresyon dahil nasa tapat ko siya samantalang nakangiti pang nagtetext si Gellie sa tabi niya. Nasa gitna naman ako ni Seth at Nohlan na nagkukwentuhan.

"Bakit di nalang kaya kayo magtabi dalawa?," mungkahi ko sa kanila.

"We're fine." ani Nohlan at pinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan kay Seth. Yumuko si Seth at itinukod ang mga siko niya sa tuhod at humilig sa akin at nakipagkwentuhan ulit kay Nohlan.Ganun din ang ginawa ni Nohlan.

"Pre,may napuntahan akong site. Yung photos doon, grabe!," aniya pagkatapos ibinuka niya ang mga palad niya pagkatapos ay ikinuyom sabay kagat sa kanyang mga labi. Pumipikit-pikit din siya.

"Shit dude. Malaki ba ang future?,"tanong ni Seth na sinagot naman ng tango ni Nohlan. "Eh yung behind?," tanong niya ulit.Tumango pa rin si Nohlan.

Seth mouthed the word 'fuck'.

"Uy may nakikinig," sabad ni Gellie sabay nguso sa akin. Sabay pang tumingin si Nohlan at Seth sa akin. Kinuha ni Seth ang earphone niya sa bulsa ng bag at kinonekta ito sa phone niya. Inilagay niya ang magkabilang earphone sa magkabilang tenga ko at nagplay siya ng tugtog.Tinodo niya talaga iyong volume para wala daw akong marinig. Panay naman ang tawa ni Rich at Gellie sa pinaggagawa ni Seth. Inagaw ni Nohlan ang phone kay Seth at pinalitan ang tugtog. Nagulat pa ako nang magplay ang tugtog dahil intro palang naggrowl na iyong singer. Sinabunutan ko silang dalawa.Imbes na masaktan ay tawa pa sila nang tawa. Bilang ganti ay sabay nilang inilagay ang mga kamay nila sa leeg ko. Sa kamalas-malasan nga naman. Alam kasi nila na nadoon ang kiliti ko.

Nahinto kami nang may mga pasahero na nagsipagdatingan. Nang umalis na ang jeep ay nagbehave na rin kami.

"Kapatid,malapit na birthday mo ah," siniko ako ni Seth kaya nilingon ko siya.

"Matagal pa," deny ko.

Pinitik niya ang ilong ko at pinakita sa akin ang calendar ng phone niya. "I saved the date."

"Paano mo nalaman na birthday ko nga yang date na yan?" panunubok ko.

" First year. Tinanong kita diba?," ah oo nga pala naalala ko yun pero di niya nasabing s-in-ave niya sa calendar niya. Two weeks nalang 19 na ako. Ang napag-usapan lang namin ng parents ko ay kakain nalang kami sa labas. Pareho kasi kaming busy.Ako busy sa school.Si mommy at daddy naman ay busy sa work.

"Punta kami sa inyo?," nakangiting tanong ni Nohlan.

"Naku! Wala akong handa.Kakain lang kami sa labas," sagot ko naman.

"Inuman nalang," sagot ni Seth.

"Lasenggo nito," sabad naman ni Rich.

"Hayaan mo na. Heartbroken eh," kantiyaw naman ni Gellie.

"Gwapo naman," sagot ni Seth.

"Boo!," sabay-sabay naming sabi dahilan para mapatawa kaming lahat.

"Palibhasa mga pangit boyfriend nyo." he countered.

"Palibhasa single ka,"sagot naman nila Nohlan,Rich at Gellie.

"Ako lang ba single dito? Single din naman si Rhum," aniya.

"Di naman siya bitter," sagot naman ni Rich.

"Magiging bitter din yan pagnagkaboyfriend," sagot niya.

"Sama ng ugali mo," sagot naman ni Nohlan

Ngumisi si Seth at tumingin sa akin.

"Joke lang," sabi niya sa akin sabay peace sign. "Bakit nga ba ayaw mo pang magboyfriend?," tanong niya.

"Bawal pa eh. Aral muna," sagot ko sa kanya.

"Masunuring bata." he commented and tapped the top of my head.

"Paano kapag si Steve iyong nanligaw sayo?," Rich asked me.

"Eh di paghihintayin ko siya hanggang sa pwede na ako magboyfriend," sagot ko naman. Si Steve ang kapitbahay namin na crush ko. Kilala siya nila Rich dahil kinukwento ko siya parati sa kanila.

Huminto iyong jeep dahil may sasakay na pasahero. Lalaki at babae iyong sumakay at tumabi ito kay Gellie.

"Uy," bati ni Tammy sa amin. Taga-Cavite din si Tammy kaya nakakasabay siya namin  minsan sa jeep pag-uwi. Gumanti rin kami ng bati sa kanya at sa kasama niya, si Anthony. Lihim kong nilingon si Seth na ngayon ay tahimik na at nakatingin nalang sa labas ng jeep. Kinuha niya ang cellphone niya at mayroon siyang dinial.

"Hey Trish, saan ka?," bungad niya. Pinakinggan niya ang sagot ng kausap niya sa kabilang linya.

"Yeah. Sige. Kita tayo ngayon. Puntahan kita dyan. Miss you too, Babe.Bye. " binaba niya na ang cellphone niya pagkatapos. Nagpaalam siya sa amin na mauuna na raw siyang bababa. May dadaanan daw kasi siya.

After a few minutes ay nagpara nga siya sa isang waiting shed sa tapat ng isang fastfood chain. Hindi pa agad umalis iyong jeep pagkababa niya dahil may mga sumakay pang pasahero. Habang nagtatawag ng pasahero ang driver ay nakita ko naman si Seth sa shed na may nilapitang babae at hinalikan niya ito sa  labi. Akala ko ba single siya? Tsaka akala ko ba bitter pa siya dahil kay Tammy. Iyon din kasi ang naririnig ko sa mga kaibigan namin. Nilingon ko si Nohlan. Nakatingin din pala siya sa direksyon ni Seth. Lumingon si Nohlan sa akin. Napansin niya siguro na nagtataka ako.

" Fubu. One thing you have to know about boys, " nakangiti niyang sagot.

Fubu? fuck buddy? alangan namang iyong fubu na tatak ng damit. Obvious naman na hindi.So ganoon pala magheal ng broken heart ang mga lalaki?. Wow. Just wow. I just hope Seth is practicing safe sex. Baka kasi imbes na mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ay madagdagan pa iyon ng sakit ng ulo.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon