Annelia's POV
Habang naglalakad ay muli kong tinignan ang mga gamit sa loob ng bag ko. Sinisigurado na wala akong naiwan o nakalimutan sa cafeteria, sa room at sa locker ko. Nang masiguradong dala ko naman ang lahat ay inayos ko nang muli ang aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad.
Napatingin ako sa orasan na nasa aking braso. 8:54 pm, paniguradong oras na naman ang hihintayin ko nito. Sa ganitong oras ay madalang na lang ang pagdaan ng mga jeep.
Nang makarating ako sa shed kung saan mag- aabng ng jeep ay wala ng tao at halos wala ring dumadaang mga sasakyan. Kung titignan ay puro mga magagara at naggagandahang sasakyan na lang ng mga estudyante na hanggang gabi din ang schedule ang mga makikita.
Naghanda ako sa matagalang pag-aabang ng masasakyan. Habang nakaupo ay patingin- tingin lang ako sa kaliwa o kanan ko kahit wala naming akong makikita kundi mga ilaw sa poste at dilim na. Nilaro- laro ko ang paa ko, papalit- palit sa paggalaw ang sa kanan at kaliwa.
Ilang sandali pa ay may parang maliwanag na lumalapit sa bandang kaliwa ko kaya naman hindi ko na rin naiwasan ang mapatingin. Sa sobrang liwanag ng ilaw nito ay napatakip ako sa mga mata ko hanggang sa huminto ito sa may tapat ng shed.
Nang dumako ang tingin ko sa harapan nito ay nakita ko ang logo ng isang mamahaling sasakyan, Mercedes Benz. Nanlaki ang mga mata ko ngunit agad ding nawala ang pagkabigla ko dahil sa inis.
Ang kapal naman ng mukha nito na akala mo kung sinong hari ng kalsada kung makaparada sa gitna ng daan. Paano na lang kung may jeep na dumating at hindi ako hintuan.
Napatayo ako sa pagkakaupo at kasabay nun ay ang pagbaba ng bintana sa front seat ng sasakyan. Nakatingin sa'kin ang mga mata ng lalaking may- ari ng sasakyan at literal na napahinto ako at nanigas sa kinatatayuan.
Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko kasabay ng mga paru- parong nagwawala sa loob ng tiyan ko. Ang kalabog ng puso ko ay tila tambol sa lakas. Napahawak ako sa aking dibdib.
He was looking at me intently straight in the eye while his lips slowly formed a smile.
Hindi ko napantayan ang tingin na iyon kaya nag- iwas ako. Ramdam ko rin ang labis na pamumula ng aking mga pisngi. Laking pasasalamat ko na lang sa mga ilaw ng poste na kulay orange at hindi niya na yun mapapansin.
"Hi! Tara sabay ka na." bati at alok ni Gio Paul na nakapagpalundag sa akin.
"Ha? Ah- eh, ako ba ang kausap mo?" tanong ko na lumingon luminngon pa at tumingin sa likod ko.
Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa kanya na siyang nagpabalik ng pansin ko sa kanya.
"Silly. Of course, you. May iba pa bang tao dyan bukod sa'yo? Or maybe nakakakita pala ako ng multo." Sabi niya at muling tumawa.
Napakunot ako ng noo. Aba eh, loko pala 'to eh. Hindi porket crush ko siya ay hahayaan ko na siyang pagtripan ako. Akala ko pa naman siya na ang prince charming ko.
"Di bale na lang noh?" pagsusungit ko na nakapagpahinto sa kanya sa pagtawa.
Biglang nagseryoso ang mukha niya na siyang dumepina sa magagandang niyang katangian.
"Don't tell me you'd wait for hours here para lang makauwi? You're out of your mind if that is the case." Sabi niya.
"Actually, yun talaga ang balak ko." Sagot ko naman.
Hindi siya sumagot bagkus narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan sa tabi niya at nasilayan ko na lang ang paglabas niya sa kotse. Lumakad siya patungo sa harapan ko at kitang- kita kung gaano siya katangkad. Hindi naman sa maliit ang 5'5 pero kung isang almost six footer ang kaharap mo ay siguradong manliliit ka.

BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...