Chapter 20: Sa lahat ng hirap

62 4 3
                                    

Magkatabi kami ngayon sa tapat ng bonfire na ginawa namin. Nakasandig ang aking ulo sa kanyang dibdib habang yakap niya ako.

Planado niya na ito. Dito kami mananatili sa gabing ito.

Nang matapos kaming kumain kanina ay nagdesisyon kaming manatili muna dito sa tapat ng bonfire at maya- maya na matulog.

Tahimik pero ito ang katahimikan na naramdaman kong kontento ako. Nakatitig lang kaming pareho sa langit. Kontento at payapa sa kaalamang mahal namin ang isa't isa.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok kaya napatingala ako sa kanya at nasalubong ko ang kanyang titig. Malalalim ito at mabibigat ngunit sa kauna- unahang pagkakataon ay naibalik ko sa kanya ang parehong intensidad ng mga titig.

He smiled at me. Ganun rin ang ginawa ko.

Ang isang kamay niya ay biglang hinaplos ang aking pisngi. Kumalabog ang aking puso at nabulabog ang buong sistema ko.

"I want to memorize every inch of you. I want to memorize every inch of your face. I want to memorize every part of you. At gusto kong ganun ka rin. Kabisado mo dapat ang lahat sa akin. Kabisado mo kung ano ang itsura ko. Kabisado mo kung ano ang gusto ko. Kabisado mo rin dapat ang lahat. I want you to memorize my whole being. Because I don't want you forgetting me." madamdamin niyang hayag na hindi inaalis ang titig niya sa'kin.

"I want it to." tanging sagot ko.

Patuloy niyang hinaplos ang pisngi ko. Then he traced every part of my face. Kumirot ang puso ko sa kasiyahang dulot ng ginagawa at sinasabi niya.

Huminto siya sa kanyang ginagawa at dahan- dahang inalis ang yakap niya sa'kin. Tumayo siya sa aking harapan at naglahad ng kamay. Agad ko iton tinanggap at inalalayan niya ako sa pagtayo.

"Will you dance with me?" seryoso niyang tanong na nakapagpahagikgik sa akin.

"Are you serious?" tanong ko ng medyo natatawa pa rin.

Ngumuso siya at lalo akong natawa.

"I am dead serious here and you're just laughing at me. Bad girl. Tsk. Tsk." sabi niya at hinila ako palapit sa kanya. Napasubsob tuloy ako sa kanyang dibdib na siyang ikinapula ng aking pisngi.

Siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang kanang balikat at hinawakan niya ako sa aking bewang. Ang libreng kamay naman namin ay pinagsalikop niya. Ngayon ay nasa tamang posisyon na kami para sa isang slow dance.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon