Hindi na siya muling nagsalita o umimik pa. Ngunit ramdam ko na hindi pa rin siya humihinto sa pag- iyak. Nanatili akong yakap siya ng mahigpit.
Ang sakit na makita siyang nagkakaganito ng dahil sa akin. Parang sinasaksak ang aking puso dahil sa anyo niyang ito ngayon.
"Sorry." paulit- ulit kong sinasabi sa kanya habang mahigpit ang yakap ko sa kanya. I want to take away the pain he's feeling. I want to heal his wounded heart and whole being.
-
Tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing liwanag sa buong sala. Sa gitna ng mga ito ay isang mesa at ang laptop ni Gio Paul.
Tinahak ko naman ang daan patungo sa maliit na garden. Isang mesa rin ang nakahanda dito. Nakaayos at sobrang pinaghandaan. Napangiti ako sa ayos ng mga bagay.
Bumalik na akong muli sa sala at isang beses pa itong tinignan bago lumabas at naupo sa harap ng pintuan. Narinig ko na ang busina sa labas at tinakbo ko ang layo ng pintuan sa gate. Madali ko itong binuksan at sumalubong sa akin ang nakababang salamin ng driver's seat.
"Thanks Annelia." sabi niya. Nginitian ko siya.
Pinaandar niya ng bahagya ang sasakyan para mabigyang daan pagsara ko ng gate. Walang reklamo siyang nanatili doon hanggang sa maisara ko ng tuluyan ang gate. Agad akong dumiretso sa front seat na nakabukas na ang pinto.
"Bakit madilim ang buong bahay?" takang tanong niya habang papasok kami. Hindi ko siya sinagot bagkus ay kinindatan na lamang siya. Gulat na gulat ang hitsura niya na nakapagpahagikgik sa akin.
Nang maiparada na niya ng maayos ang sasakyan ay agad akong bumaba at inunahan siya. Umikot ako para puntahan siya at salubungin. Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila ngunit hindi siya nagpatianod agad.
Nilingon ko siya at nakita ang nagtataka pero natatawang reaksyon niya.
"Wait up. I'll lock the car first." tatawa- tawa niyang sabi. Nang maisara na niya ang pinto at patunugin ang alarm, senyales na naka- lock na ito ay walang sabi- sabi ko siyang hinila.
"Why in such hurry?" tanong niya sa natatawang tono.
"Basta." sagot ko naman.
Nang makarating kami sa harap ng pinto ay hinarap ko siya.
"Close your eyes. Wag kang sisilip ha?" bilin ko sa kanya.
"Ano ba 'to? Bakit kailangan pang pumikit?" tanong niya sa kalituhan.
"Sige na kasi." pamimilit ko at tumingkayad para matakpan ang kanyang mga mata.
"Okay! Okay!" napipilitan niyang sabi habang nakangiti.
Unti- unti niyang pinikit ang kanyang mga mata. Hinawakan ko naman ulit ang isa niyang kamay and gave him a peck on the cheek. Lumaki agad ang pagkakangiti sa kanyang labi.
Habang hawak ko siya sa isang kamay ay ang isa naman ay ipinambukas ko sa pintuan.
"Open your eyes now." bulong ko sa kanyang tainga. Unti- unti niyan binuksan ang kanyang mga mata at nakita ko ang pagkamangha sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
