Chapter 4: Pinaglalaruan

90 4 2
                                    

*
Mangha kong iginala ang aking mata sa buong paligid.

Ang ganda ng resort gate pa lang.

Nakakagaan ng pakiramdam ang matatayog na mga punong sasalubong sa'yo sa entrance. Para kang isang prinsesang naglalakad sa red carpet na may mga nakahanay na mga naka- armor na mga lalaki. 

Idagdag pa ang mga nagagagandahang mga bulaklak na tila sinadya talagang ilagay sa daanan ng tao. Aakalain mong ipinepara talaga ito para sa iisang tao lang. Mayroon din sa bawat puno na mga lanterns. Na marahil kung sisindihan sa gabi ay mas lalong magpapatingkad sa ganda ng entrada ng resort. 

Kitang-kita ang malawak at asul na asul na dagat, ilang hakbang lang paggaling sa gate ng resort. Pati na rin ang bundok na kalapit at katapat nito. Kita mong malago pa ang mga puno at green na green. Tila prineserve talaga ang ganda ng bundok na iyon.

"Admit it, Miss. You were wrong about your speculations." pang- aasar sa'kin ng bwisit na si Gio Paul.

Agad na namula ng pisngi ko. Okay. Maling- mali ako sa mga sinabi ko kanina. Na hindi maganda ang resort nila. Na show- off lang ang sinasabi niya. Na nagyayabang lang siya.

"Hey! Namumula ang pisngi mo." dagdag niya pa ng may pilyong ngiti sa mukha.

"Oo na." amin ko.

Napayuko na lang ako. At ang walang hiya naman ay tuluyan ng tumawa. Kanina niya pa ata pinipigilan na tawanan ako.

"Ano.. Sorry nga pala. Sa mga nasabi ko." pagseseryoso ko kahit na hiyang- hiya ako.

Natigil siya sa pagtawa.

"Ayos lang yun. Tara na." seryoso niyang sabi at inilahad ang isang kamay sa'kin.

Nag- aalangan ko itong inabot, ngunit tila wala lang sa kanya ang kaunting layo ng aming mga kamay dahil hinablot niya na ito agad at pinagsalikop.

--

Dahan- dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong tahimik siya habang hawak pa rin ang aking kamay. 

Walang pinagbago ang resort. Parang mas gumanda nga yata ngayon. Sa entrance pa lang ay kitang kita ang de klaseng structure nito.

Ang mga matatayog na puno ay tila mga gwardiya pa rin na nakaabang para sumaludo at salubungin ka. Ang mga bulaklak sa daanan ay ganun pa rin. Kitang- kita pa rin ang malawak at asul na asul na dagat pati na rin ang katapat nitong bundok.

Napangiti ako dahil sa mga bagay na nanatili kahit marami na ang nagbago.

"Let's go?" anyaya niya.

Tumango ako at nagpadala na lang sa kung saan siya.

Hindi ko maiwasan ang paglinga sa kabuuan ng resort. Nakakamiss pala ang lugar na ito. Sobra sobra. Ngunit napansin kong tila walang ibang tao na naglalakad- lakad. Idagdag pa na napakatahimik nito.

"Bakit ganun?" bulong ko sa aking sarili.

Iginala kong muli ang aking pansin sa resort ngunit talagang wala akong ibang taong nakita.

"May problema ba?" biglaang tanong niya na siyang ikinagulat ko.

"Ah- eh. Ano kasi. Wala. Parang ang tahimik lang. Parang walang ibang tao ngayon dito."  sagot ko sa kanya.

Isang ngiti lang ang ibinigay niya sa'kin at dumiretso na kami sa reception area. Tinignan ko ang babaeng kausap ni Gio Paul at nagulat ako dahil siya pa rin ito. Saktong tumunog ang cellphone ni Gio Paul kaya inexcuse niya ang kanyang sarili mula sa'min.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon