Nang sumunod na araw ay mas inagahan ko ang paggising. Ewan ko ba. Alas- siyete pa lang ng umaga ay patungo na ako sa eskwela para sa duty ko sa cafeteria.
Mabilisa lahat ng kilos ko dahil sa kabang baka nandyan lamang sa paligid si Gio Paul. Bahala siya sa buhay niya.
Oo, in love ako. Pero ayoko namang magmukhang tanga sa kahihintay sa mga kasagutan niya sa mga bagay- bagay na hindi ko maintindihan.
Nang makarating ako sa cafeteria ay gulat na gulat silang lahat.
"Oh? Ang aga mo naman. Tsaka Sabado ngayon ah? Di ba ngayon yung lakad niyo ni Gio Paul?" sunod- sunod na usisa ni Cecille.
"Nagpaalam na yung batang yun na hihiramin ka raw muna ngayong Sabado't Linggo ah?" dugtong naman ni Aling Vina.
"Hindi na po tuloy. Marami daw siyang ginagawa. Tsaka sayang po yung dalawang araw ah. Pandagdag ko rin po yun." pangangatwiran ko sa kanila.
Nagdududang mga tingin ang ipinukol nila sa akin. Sinuklian ko naman sila ng abot- tengang ngiti at nagsimula na rin sa pagtulong.
Nakita ko pa ang sabay nilang pag- iling at pagsimangot sa akin.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag- aayos ng mga plato at kubyertos.
Bawat minuto ay napapatingin ako sa orasan para siguraduhing wala ako sa makikita agad ng tao kapag dumating ang alas- otso.
Naging aburido ako ng sampung minuto na lamang bago ang alas- otso. Dali- dali akong nagpaalam na sa kusina muna ako maglalagi. Buti na lang at may orasan din dito para matignan ko ang oras.
Sa bawat pitik ng kamay ng orasan ay dumadagundong ang puso ko sa kaba.
Nang mag- alas otso at wala pa rin ang inaasahan ko ay medyo lumuwag ang aking paghinga. Naghintay pa ako ng treinta minutos bago magpasyang lumabas ng kusina.
Masigla akong lumabas at kinuha ang apron ko pati na ang ballpen at listahan ng orders. Nang makitang medyo dumarami na ang tao ay tinulungan ko na si Cecille.
Nang makita niya ako ay mas lalong nagduda siya sa mga ikinikilos ko. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Ilang pabalik- balik sa kusina ang nagawa ko sa loob ng fifteen minutes ng makarinig ako ng mahinang tilian ng iilang freshmen na babae sa table malapit sa pintuan. Out of curiosity ay napatingin ako dito at magkahalong kaba at gulat ang naramdaman ko ng makita ang anyo niya.
Madilim ang kanyang mukha na tila ba inis na inis. Ilang sandali akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan pero ng mapagtanto papalapit siya ay agad akong nabalik sa huwisyo.
Lagot. Yun na lamang ang naiisip ko sa mga oras na ito.
Mabilis akong tumalikod at humakbang papunta sa kusina. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang ako ay naramdaman ko na ang mahigpit niyang hawak sa aking kaliwang braso. Natigilan ako.
Mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Ano ba kasi itong kalokohang pinasok ko?
Akmang pipiglas ako ng mas higpitan niya ang hawak sa'kin at paharapin ako sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa'kin pero hindi ko maramdamang nasasaktan ako. Tila sa kabila ng inis ay ingat na ingat pa rin siya sa paghawak sa akin.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
