Napagdesisyunan kong huwag munang umuwi ngayong weekends sa bahay. Mas mararamdaman ko lang kasi ang lungkot at pag- iisa. May katwiran naman siguro ako para sa desisyong nagawa ko. Hindi ko naman maaaring ikulong na lamang si Gio Paul para sa aking sarili lang.
Ilang linggo na lang mula ngayon ay magtatapos na siya. Idadaos ang kasal namin at ilang araw lang rin ay tutungo na siya sa ibang bansa.
He'll meet a lot of people along his way. Magkakaroon siya ng mga kaibigan. Makakakilala siya ng mga kagaya niya. Mga taong magiging parte sa pagbuo niya sa kanyang buhay bukod sa akin. At hindi ko kayang, ikulong lamang siya para sa akin gayung alam ko naman ang mga posibilidad na mangyayari.
Napapabuntong- hininga na lamang ako habang nakaupo dito sa sala nila Emman at nanunuod. Halos hindi ko na rin nga maintindihan ang palabas dahil sa mga iniisip ko.
"Pang- ilang buntong- hininga mo na ba yan Elia. Ako ang na- i- stress sa'yo eh." frustrated na sabi ni Emman.
"Sorry." paghingi ko na lamang ng paumanhin dahil sa pang- iistorbo ko sa kanya.
Nakakahiya sa ibang mga kaibigan ko na kasama ang mga magulang sa bahay kung sa kanila ako makikituloy kaya naman napagdesisyunan ko na ka Emman na lang. Mag- isa lamang kasi sa apartment niya dahil umalis siya sa kanila. Hindi tanggap ng kanyang ama ang kanyang kasarian kaya naman pinaalis siya.
"Eh kasi naman, Elia. Bakit mo naman kasi pinayagan sa bakasyon yung fiancé mo eh?" pangagaral nito sa akin. Bumagsak na lamang ang mga balikat ko sa sinabi niya.
"Mali ba yung desisyon ko? Hindi ko naman kasi siya pwedeng ikulong para na lang sa sarili ko eh. May buhay rin naman siya bukod sa akin." pagdadahilan ko upang mapalis ang lungkot at pagsisisi sa ginawa ko.
"Girl, alam ko naman yun eh. Pero come to think of it, masaya ba siya nung hinayaan mo? Masaya ba siya nung halos ipagtulakan mo siya sa pagsama dun sa bestfriend niya kuno na si Alice?" Nang marinig ko ang pangalan ni Alice ay agad gumapang sa aking sistema ang takot at pangamba.
Talaga bang hindi ko inisip ng mabuti ang aking desisyon? Masaya nga ba si Gio Paul?
Napailing na lamang ako sa tinuran ni Emman.
"That's my point. Hindi mo siya ikinukulong sa sarili mo. He is happy and contented to be with you. Walang problema dun. Tignan mo ngayon, ikaw ang nahihirapan." dugtong niya pa.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
