Chapter 1: Responsibilidad

172 6 19
                                    

Napayakap ako sa aking sarili ng muling umihip ng malakas ang hangin.

 Hindi ko alintana na basang basa na ako. Hindi ko alintana na malakas pa rin ang buhos ng ulan.

Manhid na siguro ako dahil hindi na ang mga pisikal na bagay na iyon ang aking nararamdaman. Kundi ang purong sakit na dulot sa'kin ng mga damdaming matanggal ko ng dapat itinigil. Mga damdaming dapat ay matagal ko ng ibinaon sa limot. Mga damdaming muling bumalik ng makita ko siyang muli.

"Bakit? Bakit ka pa bumalik?" tanong ko sa aking sarili na siyang nagpalandas muli ng mga luha mula sa aking mga mata.

Bakit pa ba siya bumalik? Sana ay hindi ko na lang siya ulit nakita. Sana ay hindi na lang ulit nagkatagpo ang mga landas namin. Dahil ng mismong araw na masilayan ko siyang muli ay kusa ring bumalik sa'kin ang mga alaalang tila panaginip na.

Bumalik sa isip ko kung gaano kasaya at kasakit ang mahalin siya. Kung paanong nabuo ang pagkatao ko at kung paano ito nasira. Hindi ko lubos maisip na maari palang maging ganun ang epekto ng isang tao sa'kin. Ngunit ang pinakamasakit na parte non ay kung paanong siya rin mismo ang sumira sa akin.

Naalala kong muli kung paanong nawasak ang mga pangarap ko para sa amin. Kung paanong kasabay non ay nawasak rin ang pagkatao ko. Walang salita. Walang paliwanag. Walang tanong. Walang sagot. 

Isang araw, tumambad na lang sa akin ang katotohanang wala na siya. Umalis na. Iniwan na ako. 

Kasabay nun ay ang pagguho ng puso ko. Kung gaanong kasakit ang iwan. Lalo na't walang dahilan.

Halos hindi ko alam kung paano magpapatuloy sa araw- araw.

Halos mawalan na ako ng pag- asa.

Dahil sa tuwing binibigay ko ang lahat ng pagmamahal ay ako rin ang mawawalan. Ako rin ang iiwan.

Hindi ko nga alam kung minahal niya nga bang talaga ako. O hindi.

"Ate, alam mo ba ang sakit. Ang sakit sakit. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Ano bang dapat kong gawin." sambit ko habang patuloy lang sa pagtulo ang luha ka.

Siguro, nagsasawa na si Ate sa kakapakinig sa mga kadramahan ko. Sa mga problema.

Hinaplos ko ang lapida niya.

"Ate, sorry ah. Ikaw na lang kasi ang malalapitan ko sa ngayon eh." dagdag ko.

Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. 

Ilang sandali pa'y nakalma ko rin ang aking sarili at tumigil na rin ako sa pag- iyak.

"Ate, gabi na. Kailangan ko ng umuwi. Salamat ah." muli kong hinaplos ang lapida niya at nagpaalam sa kaniya.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Sa ilang minuto ay naramdaman kong umiikot ang paningin ko. Dala siguro ng pagod at antok. Ngunit pinilit ko pa rin.

Sa sunod kong hakbang ay akmang tutumba na ako ng may mga brasong pumulupot sa aking katawan.

Sa paglalapat ng aming balat ay nakaramdam ako ng kuryenteng matagal na rin ng huli kong maramdaman.

Kusang napapikit ang aking mga mata at dinamdam ang init na kabisadong kabisado ko na.

Ng ako'y magmulat ay hindi ko hinayaang magtama ang aming mga paningin. Bagkus inilihis ko ito sa payong na nakatumba sa daanan.

At sa hindi ko inaasahang sandali ay kusa na namang lumuha ang mga mata kong tila wala na yatang pagod. Kasabay non ay ang tuloy- tuloy kong paghikbi.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon