Chapter 7: Finally

78 3 0
                                    

Katatapos lang ng basketball game ng Warriors ng St. John University laban sa Thunders ng St. Francis University. Ito ang pinakahihintay na championship game ng dalawang unibersidad. Matindi ang laban sa pagitan ng dalawa. Walang gustong magpatalo. Walang nagbibigay daan sa isa. Mahigpit ang naging labanan dahil talagang magkadikit ang scores ng dalawang team. Ngunit sa huli ay nanalo pa rin ang Team ng St. John University na humabol at nakalamang ng 2 puntos dahil sa three- point shot na nagawang ihabol ng Captain ng team. Si Gio Paul Almendras.



Lahat ng mga estudyante ng SJU na nanonood at sumusuporta ay nagdiwang sa pagkapanalo. Ikawalong taon na nila ito bilang Champion. At muli na namang hinirang bilang MVP of the year ang Captain ng Warriors.



Unti- unti ay umaalis ang mga tao sa court dala ang magandang balita. Ang mga taga- SFU ay malugod na tinanggap ang resulta ng laban.



Nakipagkamayan sila sa bawat miyembro ng Warriors at umalis na rin. Ang team naman ay masayang nagkamayan at nagtalunan dahil sa tuwa.



Nang matapos sila sa kasiyahan ay umalis na rin ako. Marami na siguro ang tao sa canteen kaya kailangan ko ng magmadali. Dagdag kita rin ito kaya mas pinili kong pumasok pa rin kahit na hindi naman dapat.



Pagdating ko ay halos mapuno ang canteen sa dami ng mga estudyanteng patuloy pa rin sa pagsasaya tungkol sa pagkapanalo ng aming unibersidad. Agad akong dumiretso sa kusina at kinuha ang apron ko. Halos hindi na rin magkandaugaga ang mga tao sa kusina. Papalit- palit ang taong lumalabas at pumapasok mula rito.



Pumunta ako sa counter upang kuhanin ang aking maliit na notebook na nililistahan ng mga order at ang HBW na ballpen na kasama nito.



Akmang lalabas na ako ng biglaang nagsalita si Cecille.

"Oh? Di ba, wala ka namang schedule ngayon? Ano pala ang nangyari sa laban? Panalo ba?" excited at naguguluhan niyang tanong na ang isinagot ko lang ay mamaya na at isang ngiti.



Tumuloy ako sa mga table na puno ng mga estudyanteng wala pang pagkain. Marahil ay nag- iisip pa at pumipili ng mga gusto nilang kainin. Saktong pagdating ko ay nailahad nila agad kung ano ang mga gusto nila. Ganun rin ang nangyari sa iilan pang sumunod na mga kinuhanan ko ng order.



Ngunit, nang ipagpapatuloy ko ang aking paglalakad ay nakitang kong ang grupo na naman nila Rex ang nasa mesa at hinihintay ako.



Kailangan ko ito para pandagdag sa pambili ng mga gamit para sa project ko. Paalala ko sa aking isipan. Nagpatuloy ako sa kanilang mesa at walang emosyong nagtanong sa kanila.



"Ano ang order niyo?" tanong ko.

"Pre! Si Elia pala 'to eh." bungad ng isa sa mga kaibigan ni Rex.



Binigyan lang ni Rex ng isang pilyong ngiti ang mga kaibigan niya at tumayo. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

Napairap ako sa hangin at walang pasubaling tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.



"Easy Elia. Hindi ka pa rin ba papayag sa alok ko? Dali na. Date tayo." mayabang niyang sabi at ibinalik na naman ang pagkakaakbay sa akin.

"Pwede ba? Kung wala naman kayong balak umorder, wag niyo akong pagtripan. Marami pang mga taong naghihintay para makakain sila."



Akma akong aalis ng hindi niya ako pinakawalan at mahigpit pang hinawakan sa braso.



"Teka lang naman. Dito ka muna." pilitniya at nagtawanan pa sila ng mga kaibigan niya.



Iritado na ako at umiinit na ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay hinaharass ako ngayon. Hindi na ako malakas na makapiglas dahil nanghihina na talaga ang loob ko. Ramdam ko na rin ang lalong pamumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.



"Rex, bitawan mo nga si Annelia. Sinabi na ng babaeng ayaw niya eh." sabi ng isang lalaking kilalang kilala ko.



Agad napabitaw si Rex sa akin. Ngunit tuluyan ng tumulo ang luha ko. Nanatili akong nakayuko. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay malamang na- starstruck na ako dahil isang Gio Paul ang ngayo'y nagtatanggol sa'kin pero tila naging mahina ako ngayon.



"Ah. Eh. Nag- uusap lang naman kami kasama si Elia eh. Di ba?" tila takot na paliwanag ni Rex na humihingi ng oo ko.



Ngunit hindi ko ibinigay iyon. nanatili akong nakayuko at napahikbi na lang, mahina ngunit ramdam kong yumuyugyog ang aking mga balikat.



"Rex. Umorder na lang kayo pero huwag na kay Annelia. Sagot ko na." sabi pa ni Gio Paul.



Inalalayan ako ni Gio Paul papunta sa kusina. Ang huli ko na lang narinig ay ang madaliang pagbibigay nila Rex ng order kay Cecille.

Nang makapasok kami sa kusina ay inalalayan niya pa rin ako hanggang sa makaupo ako sa isang monoblock chair na nandoon.



"Oh, Elia. Anong nangyari sa'yong bata ka?" tanong ni Aling Vina na tagaluto dito sa kusina.



Akmang sasagot ako ng maunang magsalita ni Gio Paul.

"Sila Rex po kasi Aling Vina, napagtripan po siya." paliwanag niya.

"Nako! Yan talagang mga lalaking 'yan oh. Ay siya, salamat pala at tinulungan mo 'yang dalaga namin ha? Ke bait mo talagang bata Gio." sabi ni Aling Vina.



Wala na ako ulit narinig bukod sa mga yapak ni Aling Vina patungo sa pinakaloob nitong kusina. Unti- unti akong nag- angat ng ulo at nakita ang nag- aalalang mukha nu Gio Paul. Inilahad niya ang kanyang panyo at masuyong iniabot sa'kin. Tinanggap ko ito at ginamit upang punasan ang mga luha ko.



"Salamat." sabi ko sa kanya.

Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Wala yun. Kung guguluhin ka ulit nila Rex, sabihin mo lang sa'kin. Okay?" bilin niya.



Tumango ako. Ngayon ko naramdaman ang hiya at kilig. Isang Gio Paul ang nagligtas sa akin. Grabe ang gwapo niya talaga. Kahit siguro alikabok ay mahihiyang dumapo sa makinis at maputi niyang balat. Ang tangos ng ilong.

Ang lalim ng mga mata. Ang haba ng mga pilikmata na tipong kaiinggitan ng mga kababaihan. Ang rosy ng pisngi. At ang pula at tila malambot kung titignan ang kanyang labi.



Hindi ko lubos maisip na makikita ko siya ng ganito kalapit. At higit sa lahat, hindi ko ni minsan naisip na tila magiging Knight- in- shining- armor ko siya.

Naramdaman ko na lang ang paggulo niya sa aking buhok at ang pagtayo niya. Bago siya tuluyang tumalikod ay nasilayan ko pa ang isang ngiti sa kanyang labi. Napatitig ako sa likod niya na palayo sa akin at pinamulahan na lamang ako ng pisngi. Pigil pigil ko ang pagtili sa sobrang kilig. Ilang minuto rin akong nakatulala pa rin kahit umalis na siya.



Nang mabalik ako sa tamang katinuan ay nakita ko ang 1000 pesos sa counter table na may kasamang sulat.



Bayad sa order nila Rex. When they try to hit on you again, tell me okay? By the way, it's nice finally meeting you Annelia.

- Gio Paul

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon