"Who's a better kisser now?" Sa tanong niyang iyon ay nabingi ako. Nanlamig ang buong sistema ko.
Wala sa sariling mas napaiyak ako. Sobrang sikip ng dibdib ko na parang tuluyan ng mauubusan pa ng hininga.
Tinitigan ko siya ilang saglit pa. Hindi makapaniwalang sa bibig niya mismo nanggaling ang mga iyon. I was dumb to fall once again. Hinayaan kong magpaubaya na lamang ako sa kanya. At isang napakalaking pagkakamali ng desisyon ko. Isang malaking katangahan ang nagawa ko.
Walang pag- aalinlangan kong muling ipinadapo sa kanyang kaliwang pisngi ang aking kanang kamay. Hindi siya nag- angat ng tingin. Bagkus ay nanatili lamang siya sa kanyang pwesto.
Nilampasan ko na lamang siya ng walang salitang namumutawi sa aking mga labi. Ngunit patuloy pa rin sa pag- agos ang aking mga luha. Sumpa ba 'to? Sumpa ba na lagi na lang akong iiyak kapag nariyan si Gio Paul?
Hawak ko na ang seradura ng mapahinto ako dahil sa pagsasalita niya. Hindi ko siya hinarap. Tama na yung binastos niya ako. Tama na yung nasaktan niya na naman ako. Tama na yung siya na naman ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.
"It's either you are going to pursue that petition or you'll come back here after a few days and settle a deal with me. I'm giving you a choice." malamig pa sa yelo niyang sabi na mas nakapagpaiyak sa akin.
Tuluyan na akong lumabas. Hindi ko na rin pinansin pa si Lyle na gulat at nagtanong kung ano ang nangyari sa akin.
"Elia, anong nangyari?" tanong bigla ni Apo Mait.
Tatlong araw na ang nakalilipas mula ng umuwi ako galing sa tinutuluyan nila Gio Paul na umiiyak. Nakita ako ni Apo Mait ngunit wala akong sinabi na kahit ano. Nanatili lamang akong tahimik hanggang ngayon. Paulit- ulit siya sa pagtatanong at pag- alam ng nangyari. Ngunit wala akong sasabihing kahit ano. Tama na yung ako na lang ang may alam at si Gio Paul. Tama ng ako na lang ang nasaktan.
Ngumiti lamang ako kay Apo Mait at umiling. Tuwing naiisip ko kasi ang nangyari ay paulit- ulit ring bumabalik sa akin ang sakit na naramdaman ko noon lalo na ngayon. Sinabi ko sa kanya ang totoo pero hindi siya naniwala. Hindi siya nakinig. I know it has no use. Ang tagal na mula ng bigla na lang siyang umalis at iwan ako. At ako pa rin yung napagbintangang nanloloko, yung naghanap ng iba.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga naisip niya. Hindi ko alam kung paano siya nakabuo ng ganoong kongklusyon. Sapagkat ako, kahit kitang- kita na ng mga mata ko sila ni Alice ng gabing iyon ay hindi ko siya pinag- isipan ng masama. I was hopefully waiting for him. I was waiting for him to go home. I was waiting for him to appear in front of me. I was waiting for him to come back to me. Pero hindi iyon nangyari.
That time, no matter what his explanation would be, I was willing to accept it. Pero ako pala talaga itong tanga na sobrang naghintay sa wala. Ako pa rin pala yung naging masama. Ako pa rin pala yung nagloko.
Mariin akong pumikit bago tumayo at nagpaalam sa mga nakatatanda na uuwi muna ako. Walang gana kong iniwan ang ginagawa kong basket at iniwan sila. Habang naglalakad ay napahinto ako ng makita si Lyle na sakay ang gamit nila Sheriff noong isang araw. Kumaway siya sa gawi ko kaya naman napagtanto kong ako ang kailangan nila. Hindi ako kumaway pabalik o ngumiti. Bagkus ay hinintay ko na lamang silang tuluyang makalapit.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit siya ng tuluyan at binati ako.
"I was sent to check on you. Gio Paul told me to do so." Nang marinig ang pangalan niya ay napangiti ako ng mapait.
"Buhay pa ako. Walang nangyaring masama. Is that what he wants to know? O baka gusto niyang makibalita kung namatay ba ako o ano?" sarkastikong sabi ko na ikinangiwi niya.

BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...